Chapter 22

418 35 4
                                    

We Know We Can

© Hardheadeddouche

Continuation..

Justin's POV

All I heard from Marra is how professional Tarra is. Tumatango nalang ako sakanya at pinipilit na makinig. Nagkukunwari akong gumagawa ng business proposal na panay rin naman ang bura ko dahil hindi naman pumapasok sa isip ko ang kahit anong itype dahil na rin sa pagsasalita ni Marra.

I need to give this to RK. Magaling sya dito. I need a break kahit man lang sa mga business proposal na to.

"Alam mo akala ko noon bitchy sya, snob, alam mo yon.." Uminom sya ng kape sa kopita nya. Tumingin ako sakanya at tumango.

"She's hardheaded before but not a bitch." Kibit balikat ko. It's true. That's what Tarra before.

"Well, she loved you so much before, you even told me that she begged for you for how many times.."

"Don't tell her everything that I told you those things. Hindi nya magugustuhang ipinaaalam ko sa iba ang mga katangahan nya." Stern na sabi nya. Nahinto sya, napatitig sa akin at napalunok.

"Matagal na yon. I don't want to pass a memory lane again."

Dahan dahan syang tumango at nagsorry sa akin.

"I'm not stupid Justin. Hindi ko naman sasabihin sa kanya na sinabi mo sa akin."

"I don't want to talk about it."

~~

Pag gising ko kinabukasan ay wala na akong naabutan katabi sa kama ko. Hindi na ko pinansin ni Marra kagabi matapos kong idismiss ang pag uusap namin tungkol kay Tarra. I don't want to fight with her.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Maybe she's somewhere in this house. Baka nasa kitchen.

"Marra!" I call her out. Walang sumagot. Nilibot ko ang buong bahay at walang nakita. Lumabas ako nagbabakasakaling nandoon sya but even her car was not there. Pumasok ako sa bahay at naglibot muli ng tumigil ako sa dining table ay may nakatakip doon, inalis ko iyon at nakita ang pagkain. Sa ilalim ng baso ng coffee ay may nakalagay na note.

*Hey, goodmorning love. Sorry for last night. I didn't have the chance to talk to you about something else because I don't want to upset you more. I'm going to go to Australia for awhile. Probably three weeks or a month. I have a huge project there. Ikaw na ang bahalang pumili ng mga furnitures. Tell Tarra to submit the portfolio to Dad. Si Dad ang mag aapproved. I love you. Take care always. I'll call you when I'm there.*

Mabilis kong idinial ang number ni Marra pero sa voicemail ako napupunta. Damn it. Hindi man lang sya nagpaalam ng personal!

.

.

.

"Goodmorning Kuya." Bati ni Thine sa akin. Humalik ako sa pisngi nya at mabilis na hinanap si RK sakanya. I want to talk to him about giving me a vacation leave. Kahit tatlong araw lang. I need to go to Australia and talk to Marra.

"Wala si Kuya RK, Kuya. Sumama sya kay Dad sa Hongkong, inatake ang Dad sa puso kahapon at ipapatingin daw nya."

"Damn it!" Hinilot ko ang sentido ko. Kailangan pa talagang mangyari to ngayong kailangan ko.

"Bakit Kuya Justin?" Nag aalala nyang tanong. Huminga ako ng malalim at umiling.

"Nag iisip lang akong magleave ng tatlong araw but he's not here unfortunately. I'm going now."

.

.

.

Nakarating ako sa kompanya na halos iniisip pa rin si Marra. Hindi nya sinasagot ang mga tawag ko. Hindi rin ang mga emails ko. Alam kong by now ay nasa Australia na sya pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sya tumatawag kagaya ng pangako nya.

"Sir Justin nandito po si Sir Drew." Napatingin ako sa secretary ko at napakunot ang noo. Si Drew?

"Let him in." Tumango ito. Maya maya lang ay pumasok na si Drew sa opisina ko at umupo sa upuang nasa harapan ng table ko.

"Why you're here?" Bungad kong tanong.

"Sabi ni Tarra ako daw ang magbigay sayo nitong flashdrive. Dalhin mo daw sa Daddy ni Marra para maihanda na ang lahat ng furnitures na kakailanganin."

Tumango ako at isinalpak sa laptop ang flashdrive. Lahat ng nandoon ay tinignan ko at napatango nalang dahil detailed iyon. From the prices to the materials used, colors, forms and sizes.

"Sinasadya mo bang pagsamahin sa isang lugar ang girlfriend mo at pinsan ko?" Inangat ko sakanya ang tingin ko. Wow.

"Excuse me?"

"You heard me Brook."

"Sinasadya mo ba?"

"Why would I? Hindi ko kasalanan na magpartner ang SFC at LME ng pumasok ako bilang CEO. At kung matatandaan mo. Ikaw ang CEO noon. Sa tingin mo gusto kong magkatrabaho ang ex ko at girlfriend ko?"

"Maybe you're really torturing her."

"Torture? Sino?" Ngumisi sya at umiling.

"Nakamoved on na sya. May asawa na nga? Tapos torture?" Tawa ko. Hindi ako makapaniwala. Ako pa ba?

"Sino pang magiging dahilan kung bakit sya balisa?"

"I don't know. Tanungin mo ang asawa nya, baka sya ang dahilan. Hindi ko alam kung bakit inassumed mo kaagad na ako ang may kasalanan. Yes, maybe that's what I always do to her all the time but that was before. Ilang taon ng tapos Drew. Hindi lahat ng mundo sa akin iikot. Hindi lahat ng kasalanan ako ang may gawa. Marami ng nagbago. Matuto kang magtanong bago ka mambintang."

Gusto kong sabihin sakanya ang mga nalaman ko tungkol sa asawa ni Tarra. Gusto kong matulungan nya si Tarra na lumayo dito but then again hindi ko na iyon problema. Ayoko ng makielam dahil ako nanaman ang pag iisipan ng masama.

"I know it's you and your girlfriend that's bothering her. Sinong tao ang gugustuhin makasama ang ex nya at ang bagong girlfriend nito?"

"Come on Drew. She's professional. Masyado mo lang pinapalaki ang mga bagay bagay. Why don't you mind my nephew instead of minding your cousin's life. Paniguradong hindi matutuwa si Tarra kapag nalaman nyang kinakausap mo ko dahil sakanya."

"Damn it Justin. Don't tell me what I need to do."

"Same Drew. Same. Don't tell me shits that's not even big of a deal."

"It's not big of a deal for you na mahal ka pa ng ex mo at hindi nya masikmurang nakikita kayo ng bago mo?"

"She's not in love with me anymore. Iniisip mo lang na mahal nya pa ko dahil ayon ang nakasanayan nyo. Kung wala ka ng sasabihin pa better yet leave. Marami pa kong iintindihin."

Huminga sya ng malalim at dinuro ako. Nanatili akong nakaupo sa pwesto ko at nakatingin sakanya. Nilipat ko ang tingin sa laptop ko at napaangat lang ng tingin ng marinig ko ang malakas na pagsarado ng pintuan.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nyang pumunta dito para lang sabihin yon. Hindi nya ba maintindihan na iba na ang takbo ng lahat? And he told me that Tarra is still inlove with me?

Bakit sya magpapakasal sa iba kung mahal nya pa ko? That's stupid, right? At kung totoo man yon.. na mahal nya ko? Hindi ba dapat hindi nya ko papakitunguhan ng maayos, hindi sya dapat makakatingin ng deretso sa mga mata ko, masama na sana ang pakikitungo nya kay Marra. Napailing ako sa sarili ko. It's insane to think about it.. Besides kung totoo man bakit ako maaapektuhan? I had moved on. We both moved on.

--

To be continued..


We Know We Can (book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon