Chapter 19

501 37 6
                                    

We Know We Can
© Hardheadeddouche

A/N: yung timeline bago (~~) was before Vera's birthday. Tapos yung after (~~) is present time. Sana magets nyo. :)

Continuation..

Justin's POV

Different dreams every night invades my sleep. Minsan masaya, minsan hindi. But whatever the kind of dream I have, isa lang ang taong parating nandoon at kasama ko. Si Tarra.

Kahit binibusy ko na ang sarili ko sa kakatrabaho at ibinibigay ko na ang lahat ng oras ko kay Marra ay si Tarra pa rin ang nagiging panaginip ko sa gabi.

Marra woke me up one time.

Basang-basa ako ng pawis at ng makita ko si Marra sa harapan ko ay bigla ko syang niyakap. Hindi ko na maalala ang naging panaginip ko non. O ang bangungot. Hindi nya rin sinabi sa akin kung ano ang sinasabi ko habang natutulog. All she said was I had a nightmare na maski sya natakot dito. Hindi ko alam kung panaginip ba yon tungkol kay Tarra.

"You'll meeting her next week?" Bulong nya sa akin habang nakaupo kami sa couch. We're on a jazz club with the gang and their girlfriends. Hindi gaanong maingay dahil banayad lang ang tugtog.

"Yeah, pag uusapan namin ang tungkol sa hotel na pinapagawa ni Tito Cedrick. Dapat nga ay sumama ka." Bumuntong hininga sya at isinandal ang ulo nya sa balikat ko. Kinuha nya rin ang kamay ko at hinalikan ito.

"Gusto ko sana eh. Kaso ang dami ko pang gagawin. You know Dad." Tumango ako at hinalikan ang noo nya.

"Please don't go near her so much."

Napakunot ang noo ko. Iniayos nya ang sarili nya at tinignan ako.

"You're jealous?" Ngiti ko. I know she knows my past with my ex. But I don't know where her jealousy coming from. For the past two years ay sya na naman ang mahal ko.

"Of course. She's your ex. Malalim ang pinagsamahan nyo. Matagal mo syang minahal. May tiwala naman akong mahal mo ko but I don't know. What if all these years mahal ka pa rin nya? Tapos mahalin mo ulit sya?" Naghihisterya na ang boses nya kaya ay natawa ako at niyakap sya. I can't help it. Nakakamangha syang makitang nagseselos.

"She's married now. Do you think kahit mahal nya ko ay babalik ako sakanya? You overthink things too much, love."

May sasabihin pa sana sya pero tanging buntong hininga nalang ang nagawa nya. I tilt her head up to level mine and kiss her.

"She know where to stand. Kilala ko sya. Hindi sya desperada kung alam na rin naman nyang wala na syang pag asa."

.
.
Hinila ni Grae si Marra at niyaya itong sumayaw kaya ay pinayagan ko ito. I want her to enjoy. Busy sya at paranoid kaya kailangan nyang marelax kahit papaano.

While I'm eyeing her on the dance floor ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha ng isang lalaki. Nakatawa ito at nakakapit sakanya ang isang babaeng tingin ko'y hindi nya kakilala pero hinahalik-halikan nya.

"What the heck is he doing here?!" Bulong ko dahil hindi ko maisip kung bakit sya nandito.

Tinitigan ko pa ang lalaki na ngayon ay papalapit na sa pwesto namin. Umupo sila sa kabilang couch at napansin kong sa eksaktong likuran ko sya umupo. Humaharang ang mga couches sa amin pero rinig na rinig ko pa rin ang mga usapan.

"Baka malaman ng asawa mo ang pagpunta mo dito Travis."

"She's busy with everything aside from me kaya okay lang." Tumawa pa ito. I feel like grabbing him from his collar. Wow. Ipinagpalit nya ko sa isang lalaking lolokohin lang sya?

We Know We Can (book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon