Chapter 14

531 26 3
                                    

We Know We Can

© Hardheadeddouche


A/N: sorry po kung maikli eto lang po ang nakayanan eh. Don't worry makakapag update din po ako ng mas mahaba. Anyways. Sa mga readers po ng Hard To Get Karma. Hindi ko po sya mapopost today dahil kalagitnaan palang po ako ng pagtatype doon. Thank you for always reading my stories. :)


Continuation..

Dumating ang araw na hinihintay ni Papa na mangyari. Naghanda ng malaking party si Papa, Kuya Drey at Drew para iwelcome ako sa pagiging CEO.

Hindi ako kinabahan.

Noong ipinakilala ako sa harapan ng lahat ng mga empleyado at kabusiness partner ng SFC ay wala akong ni katiting na kaba.

I know the business very well, tumutulong ako dito ng hindi nalalaman ng lahat ng mga empleyado. Alam ko kung paano ko patatakbuhin ito at kung paano pagbubutihan ang lahat ng trabaho.

Pero nawala ang confidence na yon ng sa huling sentence ng sasabihin ko ay nautal ako dahil sa biglaang pagkakita kay Justin.

He's wearing coat and tie and looks very intimidating in it.

Nilunok ko ang namumuong kaba sa akin at ngumiti sa lahat ng tao nasa hall.

"Gagawin ko ang lahat para pagkatiwalaan nyo ko sa posisyon ito. Hopefully we can all get along. Again. Thank you for the warm welcome. " Nagpalakpakan ang lahat. Matapos ang maikling pag bow ko ay bumaba na ko sa flatform.

Mariin akong nakatitig kay Justin habang naglalakad pababa. Para bang wala syang nakikita at walang pakielam kung nakatingin man ako sakanya. Of course wala syang pakielam sayo Tarra. Para sakanya ay business partner ka na lang. Nothing more. Nothing less. Hindi na sya ang dating Justin Brook na kilala mo kaya tumigil kana sa pagba-baka-sakali.

Bumuntong hininga ako at dumeretso sa lugar kung nasaan si Papa at ang mga kaibigan ko. Narinig ko ang pagtawag sa pangalan ni Justin at ang paglalakad nya papunta sa stage.

May speech sya?

"Tarra."

Natigilan ako sa pagtitig at mabagal na napalingon sa likod ko ng marinig ang boses ni Travis.

H-he's here?

"T-Travis?" Niyakap nya ko at hinalikan sa pisngi. Kasabay non ay ang pagkarinig ko sa boses ni Justin sa mic.

"Hindi ko inaasahan na kailangan kong magbigay ng speech para sa pagpalit ng CEO ng SFC." He laughed at the end of the sentence at biglaang tumingin sa akin. Naitulak ko si Travis out of instinct na ikinagulat ko rin.

Tinitigan ako ni Travis. Unti unti ay nawala ang pagkunot ng noo nya dahil sa ginawa ko at iniabot ulit ang kamay ko para pisilin.

"Wala akong bilib sa mga babaeng CEO to be honest. But because Mrs. Taharra Smith-Iñigo is going to be my partner in the business, then maybe I should give her a try." He shrugged and laugh again. He's so composed. Ni walang bahid ng pagiging sarcastic sa boses nya ng sabihin nya ang mga nakakainsultong linya nya.

"He's rude." Biglaang sabi ni Travis. Napaangat ako ng tingin sakanya at nakita syang nakatitig kay Justin gamit ang seryoso nyang mukha.

"Anyhow welcome to the world of business Mrs. Iñigo. Hope we can get along well." He ended his speech with a smile and walk down the flatform with grace.

Rinig na rinig ang bulungan ng mga babaeng empleyado mula sa kinatatayuan ko.

Puro papuri ang mga naririnig ko. Kung gaano sya kagwapo, katikas at ka-intimidating kapag kumilos at magsalita. Na kahit panlalait na ang lalabas sa bibig nya ay mapapatitig ka pa rin sakanya at iisiping mabuti ang mga sinasabi nya.

.

.

.

After that speech ay nagsimula na ulit ang welcome party para sa akin. I roam my eyes around to see kung nasa paligid pa rin sya but to my dismay ay wala akong nakitang Justin Brook.

Thine, Matt, Terry and Mon are around with the others. Hindi ako makalapit sakanila dahil sa takot kong bigyan nila ng hindi magandang pagtrato ang asawa ko. Nahihiya rin akong ipakilala sila kahit hindi naman dapat.

"When did you arrived?" Tanong ko kay Travis matapos syang kausapin ni Papa.

"Three hours ago. Alam ni Papa ang pag uwi ko. He invited me here of course."

"Hanggang kaylan ka dito?" Tanong ko ulit. Nahagip ng mga mata ko si RK kasama ang isang babaeng medyo pamilyar sa akin. Buntis ito at nakaalalay lang sa tabi ang lalaking noon ay sumira sa buhay ko.

"Asawa ni Kuya RK yan. Si Ate Prestine." Nakangiting sabi ni Thine ng lumapit sa amin. Ipinakilala ko sya kay Travis at nakipaghandshake lang dito.

"Kaylan pa?" Taas kilay kong tanong.

"Five years ago. Ang laki ng pinagbago ni Kuya dahil kay Prestine. Kaya ayaw nya rin maging CEO ng MLE dahil ayaw nyang mawalan ng oras kay Prestine."

Tumango ako at tumingin ulit kay RK at Prestine.

Hindi pala sinunod ni Prestine ang sinabi ko. It's good for him though, at least naging maayos na sya. I can't be bitter about him being happy. Kasalanan kong lumayo ako kay Justin at hindi na sya ulit tinanggap. Kasalanan ko yon at hindi sakanya. Hindi ko alam kung kaya ko syang kausapin kung magbabalak syang humingi ng tawad sa akin pero siguro. Siguro kapag handa na ko ay makakapagpatawad na rin ako ng buong buo.

Napakunot ang noo ko ng makita si Justin. Papalapit ito kay Rick at Prestine at ng makita sya nito ay halos tumalon sya dito para yakapin. Iritado naman si Rick na nakahawak lang sa bewang ng asawa habang si Justin ay tawa lang ng tawa na para bang inaasar pa si RK.

"Pinaglilihihan ni Prestine si Kuya Justin." Nakangiting sambit ni Thine pero nawala ang ngiti nya ng makitang papalapit sa amin ang pinsan ko. Mataman syang tumingin sa akin bago hinawakan ang kamay ko at magpaalam na pupunta sa mga kapatid.

Pinisil ni Travis ang kamay ko kaya humarap ako sakanya at nginitian sya.

Humalik sya sa noo ko at napapikit nalang ng mariin. Naiilang ako sa ginagawa nya. Naiilang ako na ganito sya sakin habang nasa paligid si Justin.

"I'm going to stay here with you." Bulong nya. Napadilat ako at napatitig sakanya ng nakabukas ang mga bibig.

He can't be serious.

"Dito na rin ako magtatrabaho. Inindorse ako ni Dad sa isang malaking ospital dito kahit ayaw nyang umalis ako sa ospital namin."

Napalunok ako sa mga narinig mula sakanya.

"I want to be close to you. Hopefully mawala na sa isip mo ang divorse na gusto mo."

Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko. Damn. This will be hard.

--

To be continued..

We Know We Can (book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon