We Know We Can
© Hardheadeddouche
Continuation..
Tarra's POV
Nakasimangot si Drake buong byahe. Kinukulit sya ni Drix pero nakasimangot lang sya at hindi pinapansin ang kapatid. They are like Justin and RK. Siguro ay kung hindi magbago si Drake ay magiging kagaya sya ni RK paglak nya but I guess hindi yon mangyayari kung magiging maayos ang lahat sa pagitan nila ng daddy nya.
"Your Tito Rick texted me. May importante raw meeting si Tito Justin mo ngayon." Biglang sabi ni Drew ng hindi sya nililingon. Everytime na mababanggit nya ang pangalan ni Justin ay kinakabahan at naeexcite ako. I badly want to see him. To see how he's been doing for the past years. I'm not that sure if we can get back together but I hope we will.
"I'm stuck here? With you and your son?" Sarcastic na tanong ng bata.
"Yeah, with your Dad and your brother. Please behave. Nandito si Tita Tarra mo at ayokong isipin nya na binabastos mo ko kahit may mga matatandang nakapaligid. Please. For once."
"Don't talk to me then." The child hisses. Napahilamos nalang ng mukha si Drew dahil sa pagkairita.
"Kung hindi ka tinago sa akin ni Justine hindi mo ko ganyan kung sagut-sagutin."
"You're married! What do you want to happened? You know what? I hate you. I hate that you're my dad! Sana hindi nalang ang Daddy ko. Sana si Tito Homer nalang!" He has a smart mouth. Masyado syang matalino at matatas magsalita para sa edad nya.
Napakunot ang noo ko at napatingin ulit sa bata. Homer? Who's Homer?
"Drew tigilan mo na. Anak mo yan. Bata yan." Pigil ni Matthew habang pinapainom ng gatas sa bote si Kieth.
"Drake you want chocolates?" Tinignan ako ng bata, inilahad ko sakanya ang hawak na chocolate bar. Ilang minuto nya pa kong tinitigan bago dahan dahan kinuha ang chocolate na hawak ko.
"Thank you.."
"Welcome."
.
.
We arrived at my father's house after a long drive. Sa akin nakalapit si Drake at nakahawak sa soot kong shoulder bag. He roll his eyes time by time kapag kinakausap sya ng daddy at kapatid nya. Mabuti nalang masyado pang bata at masayahin si Drix kaya hindi nya napapansin ang ugali ng kuya nya sakanya.
"He likes you." Bulong ni Matthew sa akin. Ngiti ang isinagot ko sakanya dahil napapagod na rin ako. Inaantok na ko at gusto kong magpahinga bago ako isabak ni Papa sa trabaho. Matanda na sya, 77 na pero malakas pa rin at grabe kung manermon. I love him though, sya nalang naman ang pamilya ko bukod sa pamilya ni Tita Tori.
"Where's Travis?" Tanong ni Papa ng hindi makita sa tabi ko ang lalaking hinahanap.
"Busy sya Pa. Dapat alam mo na 24/7 ang trabaho ng isang doctor." Tumango sya at hinalikan ako sa pisngi. Bumaba ang tingin nya sa batang katabi ko at kumunot ang noo.
"Who's kid is this Taharra?"
"Sa akin po Tito. Drake bless kay Lolo Martin." Marahang tumango si Papa sakanya at kahit nangingiwe ay nagbless pa rin sya kay Papa. Papa gave Drew a meaningful glance na parang sinasabi na kailangan nyang sabihin kung anong nangyayari. Tumango si Drew sakanya.
We sit on our chairs in the dining table. Tahimik kaming kumain at ng matapos ay pumunta sa kanya kanya naming kwarto. I want to close my eyes but I simply can't. Ang hirap matulog kapag madaming iniisip. Kapag naguguluhan. Kaylan ba ko mawawalan ng problema? Kaylan ba ko magiging kampante at masaya ng tuluyan kung parati namang ganito?
BINABASA MO ANG
We Know We Can (book3)
Fiksi Penggemar"Our Souls, Our Hearts & Our Irresistable Love." - Tarra & Justin (FINAL BOOK)