Chapter 33

545 46 5
                                    

We Know We Can

© Hardheadeddouche

A/N: play the ff song.

LEAVE YOUR LOVER - Sam Smith

Continuation..

"Himala. Umiinom ka?" Tanong ko kay RK. Nandito ako sa isang bar at nakita ko syang nakaupo na sa stool sa may bar counter at tumutungga ng kung ano mang inuman.

"Sawa kana sa buhay may asawa?" Ismir ko. Tinaasan nya ko ng gitnang daliri nya na nagpailing sa akin.

"Find someone to bullshit with, Justin."

"Then go home. Hindi ka na binata na pupwedeng mag gaganyan pa. May anak kana. Whatever your problem with your wife or with whatever it is wag mong hayaang pagsisihan nya ang ginawa nyang pagpapakasal sayo."

"Katulad ng dati." Baling ko sa waiter. Tumango ito sa akin at ginawa sa harapan ko ang drinks na inorder ko, ng tumingin ako kay RK ay inaayos na nya ang soot nyang damit at hawak na ang wallet nya.

"Uwi kana?" Tanong ko ng tumayo na sya. Tumango sya at tinapik ang balikat ko.

"Hindi kita maihahatid, hopefully you're still sober to drive." Hindi na sya sumagot kaya nagkibit balikat nalang ako sa pag aakalang wala na sya.

"Things will get better for you, Justin. Believe me." Napangisi ako at hindi nalang sumagot. Gago talaga. Kung hindi lang sya ang puno ng lahat ng maling nangyayari sa buhay ko ngayon ay maniniwala pa ko sakanya.

.

.

.

.

"Isa pa." I'm downing my tenth glass and everything I see now is a blur. I still can drive. Kahit maka kinseng shot pa yata ay makakauwe pa ko ng buhay. Hindi nga yata ako nalalasing o hindi ko pa talaga oras. All I want now is to forget everything. Kahit si Tarra na hirap na hirap akong kalimutan.


Tarra's POV

I can't sleep. May limang araw na kong hindi makatulog sa gabi dahil sa kakaisip. Gusto ko mang kalimutan nalang ang pagmamakaawa ni Marra ay hindi ko magawa. Para naman kasing napakadaling kalimutan nalang si Justin. Parang napakadaling iwasan sya.

Ilang beses kong tiningala sa bedside table ang phone ko. Panay ang ilaw nito. I don't know if it's a message or a call. Lumingon ako kay Travis na mahimbing na ang tulog sa tabi ko. Dahan dahan akong umupo at dinampot ang phone ko. Unregistered number na alam na alam ko kung sino.

Pero bakit sya tatawag? It's 2am now.

Inignore ko ang tawag at humiga ulit sa kama. Panay pa rin ang ilaw nito kaya kinuha ko ulit at tinignan. This time ay messages at mga misscalls nalang ang nakita ko.

*I'm outside yor house Tarra, cum out here. - Justin*

Napasinghap ako at napabangon ulit.

"Stop moving Tarra.." Mahinang sabi ni Travis. Naestatwa ako sa pagkakaupo ko at mahigpit na napahawak sa cellphone ko. Damn it! Kung totoong nasa labas si Justin ay paano ako lalabas dito.

Ilang minuto pa ng marinig ko ang mahinang hilik ni Travis ay dahan dahan na akong tumayo, naglakad palabas ng kwarto at mabagal at maingat na isinarado ang pintuan. Dinaig ko pa ang magnanakaw sa sarili kong bahay.

All for Justin, of course.

Lumapit ako sa floor to ceiling na bintana to see if he's really there and when I see his car parked outside our house ay mabilis kong dinial ang phone number nya.

"What the hell, anong oras na Justin bakit ka nandito?" Pabulong pero madiin kong sabi.

"I want to see you." He slurs. Lasing sya.

"Come out."

"Go home Justin. Layuan mo na ko."

"Please?"

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko dahil sa pagkairita. He know very well that I can't turn him down. And I hate myself for being like that. Wala na kong kontrol sa sarili ko basta sya ang pinaguusapan.

.

.

Mabilis pero maingat akong bumaba ng bahay. Binuksan ko ang pintuan sa kusina at doon dumaan para makalabas sa garden. Ng makalabas ako sa gate ay nakita ko ang sasakyan ni Justin. Hindi na to nakapark sa harapan ng bahay namin kundi ay sa may kanto na. He's there phasing back and forth outside his car. Napansin nya yata ang presensya ko dahil lumingon sya kung nasaan ako.

Malungkot na ngiti ang ibinigay nya sa akin. I smile back. Kahit maling mali na makipagkita ako sakanya sa ganitong paraan masaya pa rin ako dahil nandito sya.

Mabagal akong naglakad papunta sa sasakyan nya at huminto ilang hakbang ang layo sakanya.

"Nakita rin kita." Ngiti nya. Kung pupwede lang akong malusaw sa klase ng ngiting ibinibigay nya nangyari na. Ilang araw ko palang syang hindi nakikita pero miss na miss ko na sya.

Kung hindi lang komplikado ang lahat baka kami na, baka hindi ako natatakot mahuli, baka masaya ako ngayon.

"Justin umalis kana. Baka may makakita satin." Salungat ang nararamdaman ko sa mga sinasabi ko. Pero baka sakali, baka sakali makinig sya at hindi na ko pahirapan pa.

"Why we ended up like this Tarra? Hindi ba pupwedeng tayo nalang? Hindi ba pwedeng wag na nating pahirapan ang isa't isa?"

"Hindi na pwede eh." Paglunok ko. Ayokong umiyak. Palagi nalang akong umiiyak.

"Iiwan ko si Marra, iwan mo si Travis, tayo nalang ulit. Can't you do that for us?"

"I can't. I want but I can't."

"Why? I want to be happy again Tarra. Kahit maraming nangyaring masama between us alam kong sayo ako sasaya. Alam kong mahal pa rin kita and so you are to me, Tarra. Please do something? Please."

Humihikbi na kong palapit sakanya ng magitla ako at mapahinto sa paghakbang dahil sa narinig kong boses sa likod ko.

"Tarra!"

Mabilis akong napalingon at nakita si Travis. Soot nito ang pantulog nya bago ko iwanan. Nakasalamin sya at halatang galit na galit sa akin o sa amin.

"Dito pa talaga? Sana man lang lumayo kayo, hindi ba?" Sarcastic na sabi nito. Napalunok akong napalingon kay Justin. It seems like he doesn't heard anything, ni parang hindi nya inintindi ang presensya ni Travis dahil sa akin lang ang titig nya. Move.

"Tangina ikaw? Ganyan ka kababa para kumabit sa may asawa na?" Pagduro nya kay Justin.

"Travis stop. Hindi yon ganon."

"Hindi ganon? Then why the fuck did you sneak out of our bedroom just to see this fucking asshole? Explain!"

"Fucking asshole?" Panuyang tono ni Justin.

"Stop Justin. Umuwi kana please." Nanghihinang sabi ko. Binalingan ko si Travis at hinila ito. Inalis nya ang pagkakahawak ko at dinuro si Justin. Alam kong may balak syang sabihin pero mariin nyang itinikom ang bibig nya at imbes ay hinila ako nalang paalis. Tahimik akong napaiyak at napalingon kay Justin.

Seeing him broken? It breaks me even more.

I want to tell him how much I love him. That I want to be with him too and I'm willing to do everything for us to be together again. I want him to know that even this is hard for us I'm willing to take risks, to make a move, anything. Pero paano? Paano kung sa realidad ay mahirap talagang kumawala para makasama lang sya? Para maging masaya kaming dalawa? Dahil bukod sa napakaraming hadlang sa pagmamahalan naming dalawa ay tutol rin sa amin ang tadhana.

"Justin.."

--

To be continued..

We Know We Can (book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon