Chapter 9

392 19 1
                                    

We Know We Can

© Hardheadeddouche


Continuation..


Justin's POV

"Good afternoon. Nandito ba si Mr. Smith?" Tanong ko ng tuluyang makapasok sa mansyon ng mga Smith. Nandoon si Drew at Tarra nakaupo sa couch, parehas na nakatingin sa akin. Huminto ako sa paglalakad at tumitig sakanila na para bang hindi inaasahan ang pag sulpot ko.

"Tito Martin isn't here, hindi man lang ba sinabi ng secretary nya na aalis sya ng bansa kasama si Mom?" Umiling ako at tumango. Martin is really plotting something here. Parati nalang syang wala at si Taharra ang nakikita ko.

"I can speak to you then? Nandito ka na rin naman." Tanong ko kay Drew. Nagkibit balikat sya at imwinestra ang single seater na couch.

"Uhm. Punta muna ko sa kwarto ko Drew?" Kumunot ang noo ni Drew kay Tarra at hinila sya para makaupo ulit sa tabi nya.

"Ikaw ang mamamahala ng business. Maige ng marinig mo ang mga pag uusapan namin para hindi kana manibago."

Tumingin ako kay Tarra na palipat lipat ang tingin sa amin ni Drew. mabagal syang tumango at bumuntong hininga. She's going to take Drew's place in the company? When? Is she proficient to take over?

"O-okay."

She's intimidated. She's shy around me. She can't even look at me straight in the eyes. Seriously? After all these years nagiging awkward pa rin sya? Dapat ay ako mailang sa presensya nya kung tutuusin pero wala akong maramdaman. Why's that sya ay nakakaramdam non?

.

.

.

Nag usap kami ni Drew tungkol sa business. Tahimik na nakikinig si Tarra at tumatango kapag kailangan. Paminsan minsan rin ay sinasali namin sya ni Drew sa pag uusap. I feel her eyes on me but I just shrugged it off. Normal lang naman na tignan nya ko.

"Handa ka ba talagang maging CEO Mrs. Iñigo? sana alam mong mahirap ang trabahong hahawakan mo." Biglaang salita ko. Napansin ko ang gulat nya pero ng makabawi ay tumango sya.

Very unproffesional.

"Of course. Marami akong alam tungkol dito Justin."

"Mr. Brook." I correct her. Wala na syang karapatang tawagin ako sa pangalan ko. She's a stranger to me now. Dapat ganoon rin sya sa akin. Dapat ay alam nya kung saan ang posisyon nya. We're just business partners. Not friends.

"I-I'm sorry."

"Justin you're being harsh on her." Kumunot ang noo ko kay Drew. Binaling ko ulit ang tingin kay Taharra na hindi man lang makatingin sa mga mata ko ng deretso.

"She needs to know how to get tough Drew. Business is business. Masyadong unproffesional na nahihiya ka sa business partner mo. It's also inapropriate to call your business partner by first name if youre not even friends with them." I said in my neutral voice. Nakokonsensya ako sa mga nasabi ko at parang gusto kong magsorry but she needs to face it. She needs to face the reality that business is not an easy place to stay. It changes people.

Bumuntong hininga si Drew at tinitigan ang nahihiyang si Taharra.

Napapailing nalang ako. They will hand the business to an incompetent woman? Sure, sya ang tagapagmana. Pero hindi ba pwedeng pag aralan nyang maige kung paano umasta bilang presidente ng kompanya? I doubt if she can do the learning in just a week or two. Imposible.

We Know We Can (book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon