We Know We Can
© Hardheadeddouche
Continuation..
RK's POV
Nakipagkita ako kay Fernand dahil sa gusto nyang personal na sabihin sa akin ang mga nalaman nyang impormasyon.
"You can eat first. Mukhang napakarami ng nalaman mong baho ni Travis para matagalan ka ng limang buwan." Uminom ako sa kopita ko at tumingin sa iilang taong naggogolf sa paligid. I want to play too.
"Sorry about that Sir." Tumango ako dahil wala naman talagang kaso sa akin iyon ngayon. Matapos ang isang oras na pagkain at pagpapahinga ay napagdesisyunan kong maglaro ng golf. Habang naglalakad kami sa malawak na damuhan ay panay pa ang paghahum. Why am I in a good mood?
"Anong mga nalaman mong impormasyon?" Tanong ko habang inaayos ang bolang gagamitin ko. Hinipan ko pa ito at pinunasan maige hanggang sa kumintab.
"You playing?" I asked Fernand. Umiling sya at sinabing hindi sya marunong maglaro ng gold.
"Travis Iñigo Sir is a psychiatrist and a surgeon. Kilala sya bilang nag iisang anak anak at tagapagmana ng mag asawang Daniel at Winona Iñigo. He's a nice guy.."
"But?" Dagdag ko dahil alam kong kulang pa ang sinasabi nya. I'm asking him to detailed Travis' dirty secrets not his accomplishments.
"Bago nya makilala si Tarra ay kilala sya bilang isang womanizer, hindi yon alam ng mga magulang nya pero ng mga taong nakakasalamuha nya ay oo. He's been with different girls every night."
"Noong nasa college pa si Travis ay nasangkot sya sa isang kaso."
"Anong kaso?" Tanong ko kahit nasa malayo ang tanaw ko dahil hinampas ko na ang bola.
"Homicide."
"What did you say?" Gulat na tanong ko. Homicide? That's too huge.
"Homicide Sir. He's been accused for killing a guy name Benjamin Bolton. Kaklase nya na nakaaway nya dahil sa babae, marami ang napagbintangan pero sya ang may pinakamalinaw na motibo."
"Pero dahil mayaman ang pamilya nya ay naiurong ang kaso laban sakanya. Naibasura pa nga. Napatahimik nila ang lahat at nasuhulan ang tatay ng namatay na biktima."
Natigil ako sa pagtira ng bolo at napatingin kay Fernand.
"Is there anything else?" Tumango sya at may kinuha sa envelop na hawak nya.
"This is the statement that Benjamin's mother wrote, si Travis daw ang huling nakaaway at kasama ng anak nya bago ito mamatay. And aside from a homicide case ay may iilan pa syang kasong kinaharap matapos mag college. Travis Iñigo is quite the troublemaker Sir."
"Please elaborate." Travis is so interesting. Kung masama pa pala ako noon ay may mas sasama pa pala sa akin. Who would have think that a known Travis Iñigo is a badass culprit.
"May pasyenteng dumating sa hospital nila. The said patient is dying but this patient's family believe na kapag nakuha ng maayos ang nakabarang bala malapit sa puso nya ay mabubuhay ito. It's risky and I don't know if they have the rights to be mad at Travis ay magkakaso sila.. Unfortunately the kid died and it's not because of the unsuccessful operation."
"May nurse akong nakausap na kasama ni Travis sa operating room."
"What did the nurse said?" I asked. I'm dying of too much anticipation. Hindi ba pupwedeng bilisan nya ang pagkukwento?
BINABASA MO ANG
We Know We Can (book3)
Fanfiction"Our Souls, Our Hearts & Our Irresistable Love." - Tarra & Justin (FINAL BOOK)