We Know We Can
© Hardheadeddouche
Continuation..
Tarra's POV
"Tarra I'm sorry." Jasmine started. Huling kita ko sakanya six years ago ay halos sabunutan nya ko dahil kay Justin.
"We're sorry." Vaughn added.
Napasinghap ako at napayuko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I need to get myself together. But they are here and apologizing. They want my forgiveness that I don't know if I can give to them just yet. Ang sinabi nga lang ni Matthew na hihingi sila ng tawad sa akin ay malaking rebelasyon na, imposible naman na makayanan kong mapatawad kaagad sila.
"Naiintindihan namin kung hindi mo kami kayang patawarin agad agad. Na hindi na pwedeng maibalik yung dati. But Tarra we're here because we need your forgiveness. We want to start again. Alam kong gusto mo rin maging mapayapa na ang lahat." Bumuntong hininga si Jasmine at pinunasan ang luhang tumulo sa mga pisngi nya.
Hindi ko alam kung kaplastikan ba ang pinapakita nya o talagang gusto nyang patawarin ko talaga sya. But then again Tarra. You need to remove an extra baggage. You need to forgive them to remove those extra baggage.
"Sorry sa lahat Tarra. Sa lahat lahat ng kasalanan ko at ng asawa ko. We regretted everything. Alam kong matagal bago namin narealized to but you're here now. We can make ammends for all those bullshit we caused you." Vaughn said. Tumingin ako kay Matthew pero nasa dalawang kaharap namin ang mga mata nya.
"Alam kong hindi madali. Na napakahirap. I know you need time to think pero gusto naming malaman mo na hindi kami nandito para magpakitang tao lang. Alam kong iniisip mo na napakaplastik kong tao pero Tarra nagsisisi talaga ako."
Matipid akong ngumiti. "Buti alam nyo." Mahinang sabi ko. Tinignan ako ni Matthew at hinintay ang mga susunod na sasabihin ko.
"It's hard for me to say that you both forgiven, Vaughn, Jasmine. Sana alam nyo na sa sobrang dami ng nangyari sa nakaraan ay hindi maganda ang mga naging parte nyo.." Huminga ako ng malalim at inilabas rin ito. Tumango silang dalawa at parehas na yumuko. Hindi ko akalain na kaya nilang magpakababa para lang masabi to.
"Pero tama kayo, tama si Matthew. Kung hindi ko kayo papatawarin hindi gagaang ang dibdib ko. J-just don't expect me to be all grateful because you both said sorry. Narinig ko na ang gusto nyong sabihin. Siguro ngayon nahihirapan pa kong maniwala at magtiwala but maybe eventually kapag naisip kong humingi na kayo ng sorry sa akin ay mapatawad ko na kayo."
Nagkatinginan sila at napangiti parehas. How can they smile like that? How can they even stand each other? How did they end up being together? Tapos magkakababy pa sila samantalang ako hindi na magkakaanak pa. Bakit yung mga gusto ko sakanila napupunta?
"Maraming salamat Tarra." Hawak ni Jasmine sa kamay ko. Nakangiti syang sumisinghap sa kabila ng pag iyak nya. Niyayapos ni Vaughn ang likod nya habang nakangiting nakatingin sa akin. Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya at nag iwas ng tingin.
"This mean so much to us Tarra. Maraming salamat."
~~
With all the chaos that happened today ay hindi ko na alam kung kaya ko pang matulog ngayon gabi. Oo, gumaan ng konti ang pakiramdam ko, nabawasan yung mga dinadamdam ko pero hindi naubos o nawala ng tuluyan. Nabawasan lang.
Kahit hindi ko sinabi at pinakita kay Matthew na guminhawa kahit papaano ang pakiramdam ko ay masasabi kong alam nya yon kahit papaano.
I have things to resolve but the chaos between me, Vaughn and Jasmine is now closed. They can sleep well at night because I forgave them but I still can't fully sleep.
My mind travels to everywhere. To Justin, to the company, to Travis.
Travis.
Inabot ko ang cellphone kong nakapatong sa bedside table at nakita ang sampung mensaheng galing sakanya. May tatlumpung misscalls din.
*I miss you my wife.*
*Tatapusin ko lang ang pag aayos ng mga papeles about sa vacation leave ko then I will fly there to be with you.*
*Please call or text me. I badly miss you.*
*Don't torture me Mrs. Iñigo.*
*I love you. Please go back here instead. Isang linggo mahigit palang ang nakakalipas pero hindi na ko halos makatulog ng maayos.*
And so on..
Pumatak ang luha sa unan ko at malungkot na napangiti. He's there for me pero hindi naman sya ang kailangan ko. He's there for me pero hindi naman sya ang mahal ko. Sana ay hindi ako naging padalos dalos. Sana ay hindi ko sya ginamit. Kung hindi ako nagpadala sa nararamdaman kong sakit na dulot ni Justin ay hindi ko sya masasaktan at mapapaasa ng ganito.
Nagring ang phone ko at pinindot ko ang answer button ng hindi nag iisip.
"Thank goodness! Finally sinagot mo rin Taharra. How are you baby? Are you okay? Namiss kita." Bungad nya. Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa tumatakas na hikbi mula rito.
"I'm okay. I'm sorry busy lang ako sa paghahanda sa pagtake over sa kompanya."
"What's with your voice? Are you crying?" Nag aalalang tanong nya.
"No. Of course I'm not crying. H-how are you?" I said with a cheery tone.
"I will not say that I'm fine here kasi hindi naman talaga. I love you. Namimiss na kita at hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil paulit ulit na dumadating dito ang mga divorce papers."
Napatunganga ako sa narinig. I forgot about those divorce papers.
"Please Tarra. Let it stop. Kasi kahit anong padala non dito ay hinding hindi ko yon pipirmahan. Please understand that what you want is far different from what I want. I want us to work, we're married and you just can't get rid of me dahil sa hindi ko mawaring dahilan na ayaw mo rin sabihin sa akin." He said in a frustrated tone.
"Sorry." Was all I said before I hung up.
Huminga ako ng malalim at pinindot ang power button ng cellphone. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang makatulog kagaya ng kailangan ko.
--
To be continued..
BINABASA MO ANG
We Know We Can (book3)
Fanfiction"Our Souls, Our Hearts & Our Irresistable Love." - Tarra & Justin (FINAL BOOK)