Chapter 23

387 31 1
                                    

We Know We Can

© Hardheadeddouche

A/N: tinatype ko lang ang kung anong nasa utak ko. Sana maintindihan nyo. :)

Continuation..

Tarra's POV

"Papa." Yakap ko sakanya mula sa likod. Nakaupo sya sa kahoy na swing dito sa garden simula pa kanina. Siguro ay iniisip nanaman si Mom.

"Yes, hija?"

"First love mo ba si Mom?"

"Yes, don't you remember?"

"I still. It's just that..." I paused. Hindi ko rin alam kung anong idadagdag ko.

"Is it possible to be with your first love after everything happened?" Dagdag ko.

"You're not sure of Travis?"

Hindi ako nagsalita. I will never be sure of him. He showed his true colors to me and because of that my regrets filed up to the highest.

"Whoever your ex is.. he's not good for you Tarra." Umupo ako sa tabi nya at humugot ng malalim na hininga.

"Paano Pa kung all these time.. kahit matagal ng wala, mahal ko pa?"

Kinuha nya ang kamay ko at piniga iyon.

"Minsan hindi nakakabuting puro puso ang pinaiiral.. Sa tingin mo? Kung nagpatuloy ba kayo noon.. Na parati kayong nagkakasakitan, na hindi kayo nagkakaunawaan? hindi ba kayo hahantong sa hiwalayan?"

"Hahantong.." I don't know. But what ifs is getting it's way to my head.

"See? Minsan kasi kahit gaano ka katagal nakahawak sa isang relasyon, kung nagkakasakitan lang naman, pisikal o emosyonal.. dadating at dadating yung punto na mapapagod kayo, na bibitaw kayo.. not everyone can hold on to something.. you know.. toxic? Hindi ko naranasan yan pero pakiramdam ko nararanasan ko dahil nangyari sayo."

Tumango ako at isinandal ang ulo ko sa balikat nya.

"I want a divorse Papa. Ayokong ipagpatuloy kung hindi naman ako masaya."

"Divorse?" Gulat na sabi nya. Inalis ko ang ulo ko sa balikat nya. Tinitigan nya ko sa mata. Somehow I know that he knows that I have something more.

"Why? Is he hurting you?" Umiling ako kahit ayon naman ang totoo.

"Then why? Binabalikan ka ba ng lalaking yon?"

"No. Sana nga binabalikan nya ko Pa eh. Kaso hindi.. He's happy now, without me, with someone else. Hindi ko lang talaga magawang maging masaya Pa. Ayokong gumamit ng iba para makuha yung bagay na kailangan ko pero hindi ko naman kayang makuha."

~~

Niyaya ako nila Daisy sa isang bar. Mini reunion daw at hindi ako pupwedeng mawala.

I know everyone will be there. Even Justin and Marra. Si Matthew lang naman ang pinaka close ko kaya nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako.

"Kung ayaw mo Tarra, it's fine. I'll let them know na hindi ka pupwede."

"Magagalit naman si Daisy. You know I want to be close to her again." Tumango sya at hinagod ang likod ko.

"Sasama ako."

.

.

.

Ngayong gabi kakalimutan kong nasasaktan ako. Kakalimutan kong napakarami ng problema ko. Magpapadala lang ako sa agos. Everything will go well. Walang mangyayaring masama.

We Know We Can (book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon