We Know We Can
© Hardheadeddouche
Continuation..
"Tarra what's wrong?" Tanong sa akin ni Papa. Hindi ko alam kung bakit nya yon naitanong pero ngumiti nalang ako sakanya at sinabing okay lang ako. Kahit hindi ako okay ay hindi nya na kailangan pang malaman yon.
"Nasaan nga pala si Travis?" Nagkibit balikat ako sa tanong nya at pinaglaruan ang pagkaing nasa plato.
Wherever that douche is right now. Wala akong pakielam.
"Nag away ba kayo?"
"No." Simpleng sagot ko. Marahan kong binitawan ang mga kubyertos na hawak at tumayo na. Nawawalan ako ng gana sa mga tanong ni Papa. I know how much he likes Travis. Kahit gustong gusto kong sabihin sakanya ang mga ginawa sa akin ni Travis ay natatakot naman ako sa kalusugan nya.
"Aakyat na ko Papa. I need rest. May meeting ako bukas." Tumango sya at pinagmasdan ako. I smile just to reassure him that I'm fine. I don't want him to find out what's happening to me and my asshole husband kahit alam kong may nabubuong konklusyon sa utak nya.
~~
"Tarra gusto mong kumain?" Tanong ni Thine sa akin. Tumingala ako sakanya at pinaulit ko sakanya ang tanong kahit nakuha ko naman na iyon. Ewan ko. Nawawalan ako ng gana. Sa lahat ng bagay. Kahit sa paghinga ay parang ayoko na. I'm tired.
"Kumain ka na ba? I mean kung gusto mo?" Nilibot ko ang paningin ko at nakita si RK at ang asawa nya sa hindi kalayuan. Nakatingin ito sa amin habang hawak hawak ni Prestine ang anak nila.
"Ilang months na yung baby nila?"
"Five days old. Kaylan lang nanganak si Prestine, kakalabas nya lang sa ospital kahapon."
Tumango ako at hindi napigilan na mapangiti ng mapait.
"Alam mo bang kada nakakakita ako ng baby, parang nanliliit ako sa sarili ko? Buti kayo may anak na. Hindi na kayo tatanda na iisipin kung sino ang mag-aalaga sainyo. Buti pa kayo masaya na."
"Tarra can we talk?" Napalunok ako at napatingala. Nakatingin pa rin sa akin si Thine pero ngayon ay katabi nya na ang kapatid habang nakatingin sa amin.
"Kuya." Tawag nya dito peri ngumiti lang ito sakanya.
I don't know how to answer him kaya'y tinitigan ko nalang sya. He don't deserve a better life pero sya ang meron non ngayon. Naiingit ako kaya siguro ay hindi ko sya magawang mapatawad ng buo.
Umalis si Thine na sa amin ang tingin. Umupo si RK sa silyang katapat ng akin at bumuntong hininga, pinagkiskis nya pa ang mga kamay nya na para bang nanlalamig
"Alam kong galit ka pa rin sa akin. You'll probably going to hate me hanggang sa tumanda na tayo but I'll still have to say this."
Tumingin ako sa lugar kung nasaan ang mag ina nya at nakita si Prestine na nakatingin sa asawa at nakangiti.
"Simula ng mahalin ko sya at maraming masamang nangyari sa amin, doon ko narealize na karma nga yon.. Alam mo yon Tarra? Na sa lahat ng ginawa kong masama kay Justin at lalong lalo na sayo naisip kong napakasama ko at hindi ako deserve na makuha lahat ng ito."
"Hindi na magbabago ang lahat." Sabi ko habang nakatingin sakanya.
"I know. Pero sasabihin kong hindi ko pinagsisihan yon Tarra. Na.. Na nangyari yon lahat, kasi dumating sa buhay ko ang mag ina ko, naging mabuting tao ako para sakanila.." Magsasalita palang sana ako pero pinatigil nya na ko.
Bakit nya kailangang ipamukha sa akin na wala ako ng mga bagay na meron sya?
"I'm not telling you this for you to hate me more. I'm telling you this for you to realize that.."
BINABASA MO ANG
We Know We Can (book3)
Fanfiction"Our Souls, Our Hearts & Our Irresistable Love." - Tarra & Justin (FINAL BOOK)