We Know We Can
© HardheadeddoucheContinuation..
Tarra's POV
Sandali kaming nagpahinga sa isang hotel pagkatapos makarating ng Dubai.
"Okay lang ba talaga na iwan ko kayo? You can go with us. Pwede naman kayong maghintay sa lobby."
"Pagod ako babe. I need to rest. Besides tulog si Zerine. Baka magtagal ang meeting nyo." Humalik si RK sa kamay ng anak at sa labi ni Prestine. The sight of them being this irresistable to each other makes me envy more with their life.
"Nakakainggit kayo, alam mo ba?" Kumunot ang noo ni RK ng tignan ako. Pinindot nya ang G sa button ng elevator at tumingin ulit sa akin.
"Swerte mo kay Prestine, tapos may Zerine ka pa, perfect life with no chaos."
Bumuntong hininga sya at umiling.
"It's just a phase for you Tarra. Kung akala mo panghabang buhay yan then think twice."
"Did I inform you na magtatagal tayo dito sa Dubai ng isang linggo?"
"Huh? Akala ko meeting lang?"
"Nope.." Bumukas ang elevator at naglakad na kami papunta sa sasakyan kung saan kami nito ihahatid sa kompanya kung saan gaganapin ang meeting.
"Actually dapat meeting lang. Unfortunately marami ang dapat asikasuhin, pupunta tayo sa hotel kung saan tayo magsusupply ng furnitures, yung tungkol rin sa shipping ay aasikasuhin natin. Bakasyon na rin." Kibit balikat nya. There's something in his smile that brings me back to what he was before.
Tumingin nalang ako sa bintana at hindi na inintindi yon.
.
.
.
Tumagal ng ilang oras ang meeting namin. We're only here for few hours but I'm so bored. Lahat ng pinag uusapan namin ay tungkol sa hotels. We're going to be the suppliers of furnitures here once the hotel is fully furnished, lahat ng makikita naming magandang furnitures na pupwede ay ipapakita namin kay Mr. Malori ng mapagpilian nya."I'm sorry for being late." Napalingon ako ng mabilis ng marinig ang boses na yon. Napalingon ako kay RK ng mapatunayang si Justin ang nagsalita pero seryoso lang si RK na para bang alam nyang mangyayari to.
What the hell!
"It's fine, Mr. Brook. Have a seat." Magiliw na bati ng may ari ng hotel sakanya.
Kaya pala may bakanteng upuan, para paka iyon sakanya. But how?
"This is Mr. Brook ladies and gentlemens. He designed the whole exterior design of my third hotel 3 years ago." Bumaling ang may ari kay RK at tumango ito.
"You're brothers right?" Tumango si Justin at bumaling sa akin. Ngumiti ito bago magpatuloy ulit ang meeting na naudlot ng dahil sakanya.
Gusto kong isiping si RK ang may pakulo nito pero katulad ng sinabi ni Mr. Malori ay architech nya si Justin.
"Mr. Brook reccommend SME to be the supplier of my furnitures." Napatingin ako kay Justin at nahuli itong nakangiti at nakahawak sa mga labi nya.
"Of course Ms. Smith knows about that Mr. Malori." Bigkas ni RK.
.
.
.
Ilang minuto pa ay tinapos na ni Mr. Malori ang meeting. Naunang lumabas si Justin at ng tuluyan syang makalabas ay sinuntok ko sa balikat si RK."You know about it?"
"Hindi ko alam na makakaattend pala sya. Kala ko sya ang mamamahala sa MLE."
"Then sino ang nasa MLE ngayon?"
"Maybe Thine." Kibit balikat nya. Sabay kaming lumabas. Hindi ko na sya muling kinausap hanggang sa makasakay ng sasakyan. Busy rin kasi ang mga mata ko sa paghanap kay Justin. He's nowhere to be found when we got out of the conference room. Maybe he's staying in a hotel near here.
BINABASA MO ANG
We Know We Can (book3)
Fanfiction"Our Souls, Our Hearts & Our Irresistable Love." - Tarra & Justin (FINAL BOOK)