We Know We Can
© HardheadeddoucheContinuation..
Tarra's POV
"Kanino nanggaling to?" Tanong ko sa secretary ko ng makakita ako ng isang swipe card, isang susi, papeles ng isang bahay at lupa sa lamesa ko.
"Sa lawyer Ma'am Tarra. Kay Attorney Brillas po."
"At kaninong attorney sya? Bakit hindi nya ibinigay ng personal? Why need to leave it here? Para saan to?"
"Ma'am may note daw po sa loob ng envelope. Doon daw po ninyo malalaman kung kanino po galing ang lahat. He don't want to be here when you came dahil baka tanggihan nyo raw po ang mga ibinigay ng kliyente nya."
"Did he gave calling card or anything?" Tanong ko. I'm not used to this kind of things. Yung binibigyan ako. Hell! It was not just a simple card with greetings. Bahay ito.
"You can go now."
Tumango sya sa akin at lumabas na. Ng makalabas sya'y tinitigan ko lang ang mga nasa lamesa ko. A house? For what? As a gift? Pero kanino galing?
Huminga ako ng malalim at binuksan ang envelope na sinabi ng secretary ko na may lamang note galing sa attorney. Isang bahay? Ibibigay ng kung sino?
Ng buksan ko ang isang bond paper ay nakaprint doon ang note. The address, what the purpose of the key, na para sa gate pala at ang purpose ng swipe card na para sa main door ng bahay.
"Ms. Taharra,
This is Attorney Brillas, my client wants me to give this house to you, matagal na sana itong naibigay pero matagal kayong nawala sa bansa. I hope you won't decline this gift. Para saiyo talaga ito at hindi na papayag ang kliyente ko na ibalik ito sakanya. There's an adress here including the keys and swipe card. Please don't try to find me. The moment you see the house malalaman mo kung sino ang nagbigay nito.- Atty. Brillas"
A house?
From whom?
I want to find out.
Lumabas ako ng opisina ko at nagpaalam sa secretary ko na icancel lahat ng meetings ko. This may be a trap.. but from who? Why?
Naglalakad ako sa lobby. Pinadala ko na sa vallet ang sasakyan ko at doon ko na iyon kukunin sa entrance.
"Taharra." Tawag na nagpahinto sa akin. Lumingon ako at nakita ang lalaking dahilan kung bakit napalapit ako sa lalaking minahal ko at dumudurog sa puso ko hanggang ngayon. Should I be thankful that he pushed me to him years ago? Or should I blame him dahil miserable ako ngayon?
Dahan-dahan syang lumapit sa akin. Umatras ako dahilan para matigil sya sa paglalakad at mapabuntong hininga. I know he changed. Sinabi iyon ni Thine ng makapagkwentuhan kami. Nagkaroon sya ng asawa't anak na dahilan para magbago ang pananaw nya sa buhay. Pero kahit ganon? He's still the same Rick from my past. The heartless Rick I used to know.
"I-I just want to talk to you."
"May aasikasuhin ako. Tungkol ba sa trabaho ang pag uusapan natin?" Taas noo kong tanong. Nawawalan ako ng lakas. Natatakot akong makita nyang apektado pa rin ako.
"No. It's about everything I've done to you."
Tumalikod ako at huminga ng malalim. Naaalala ko nanaman ang lahat ng nangyari. Kung paano nya ko ginamit noon sa paghihiganti. Kung paano ako nasaktan sa kagagawan nya. He wants my forgiveness. Pero..
"Hindi pa kita kayang patawarin Rick. Maybe in time." Bumuntong hininga ako at dumeretso sa labas. Kinuha ko ang susi na ibinigay ng vallet at sumakay kaagad sa kotse ko. I can't forgive them yet. Sarili ko nga ay hindi ko pa napapatawad sa lahat ng pagkakamali, paano pa sila? Yes. They're all okay now. But I'm not. I'm still miserable and I fucking hate that, I fucking hate them that I turned out like this. Masaya na sila at may kanya-kanyang mga buhay na pero ako wala pa rin. Hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta. Hindi ko pa rin alam kung paano ako aabante.
BINABASA MO ANG
We Know We Can (book3)
Fanfictie"Our Souls, Our Hearts & Our Irresistable Love." - Tarra & Justin (FINAL BOOK)