We Know We Can
© HardheadeddoucheContinuation..
Justin's POV
Ilang beses kong tinext si Tarra magmula kagabi pero hindi sya sumasagot. Panay rin ang tawag ko magmula ng magising ako pero katulad ng kagabi ay wala pa rin. Natatakot ako. Kinakabahan. What if she tried to do something to herself just to be out of our problems?
Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan ng opisina ko.
"Justin." Napalingon ako ng marinig ko ang pamilyar na boses. Nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko habang nakatingin ako kay Marra.
"Hi?"
"Anong ginagawa mo dito?" Mariin kong tanong.
"I'm just.. checking you out."
"For what?" I don't want to snap at her like this but I can't help it. Akala ko ay pumunta na sya sa ex nya. Na hindi nya na ko guguluhin pa at papabayaan nya na ko, pero hindi, she's here. Looking so vulnerable, as if she's about to cry.
"Justin wala nalang ba talaga ko sayo? Ilang taon rin tayo? Ganon nalang ba talaga yon para sayo?"
"Can't you just forgive me? Hindi ba pwedeng mapatawad kita at patawarin mo ko? I can forget everything like nothing happened. Pwede kong kalimutan to. I love you."
Huminga ako ng malalim at napatitig sakanya. She's desperate. I can't blame her but.. It's beyond my expectation.
"I tried to call you pero hindi mo sinasagot. Pinuntahan kita dito kahapon pero wala ka pa. Justin hindi mo naman kailangang mag settle sa taong hindi naman sayo. Nandito naman ako." Humakbang sya papalapit sa akin. Humakbang ako paatras para makalayo sakanya pero ng maramdaman ko ang pader sa likuran ko ay napailing nalang ako. Hinarang ko ang kamay ko sa harapan nya pero nabigla ako ng lumuhod sya sa harapan ko at yakapin ang mga binti ko.
"Sorry Justin. I'm so sorry for everything. Sorry kasi makulit ako.. pero hindi ko kasi kaya eh. Justin mahal na mahal na mahal kita please tayo nalang ulit. Ako nalang. Wag na si Tarra.. please ako nalang."
Napalunok ako. Sinubukan kong tanggalin ang mga braso nyang nakayakap sa mga binti ko. She didn't cry like this when I broke up with her. Why she need to beg now?
"Nakayanan ko pa sanang kontrolin ang sarili ko kung nasa tabi lang kita, kung hindi mo ko iniwan basta."
"I know! I'm sorry Justin! Sorry na. Take me back please, alam kong kasalanan ko. Sorry na. Patawarin mo ko." Nasa ganoong posisyon sya ng may pumasok.
"Take me back please.."
"Tarra." Paglunok ko. Natigilan sya sa pwesto nya. I don't know what to do. It feels like I'm torn in between kahit pa hindi naman talaga ako dapat pumili. Naiipit ako sa sitwasyong ako mismo ang gumawa.
I hate to see Tarra like that. Para bang may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi.
"Marra please. Get off of me." Naiirita kong sabi.
Tumayo si Marra mula sa pagkakaluhod nya at palipat lipat ang tingin sa aming dalawa.
"If only you have one decent bone in yourself Tarra." Mariin nyang sabi.
"Damn it! Marra hindi ka inosente dito! Could you stop!" Sigaw ko.
"You're married! Nilapitan mo sya. Nilandi mo! Nagmoved on na sya sayo pero bumalik ka pa! Now what? Bumalik lahat! Nawalan ako bigla ng puwang. I don't deserve this! I'm miserable and you and.." Duro nya sa amin. I know she's mad. She's beyond that. She's frustrated but like what I had said hindi sya inosente.
BINABASA MO ANG
We Know We Can (book3)
Fanfiction"Our Souls, Our Hearts & Our Irresistable Love." - Tarra & Justin (FINAL BOOK)