Chapter 27

511 40 1
                                    

We Know We Can

© Hardheadeddouche


Continuation..


Justin's POV


I never been this stupid. Never been this reckless. Yes. Siguro noong kami pa ni Tarra ay naranasan ko na ang lahat ng emosyon ito at kung paano maging mahina at tanga para lang dito, but now? I've change. I have change for the better. But then again when I thought everything is going to be better tsaka naman nagbabago. Tsaka naman ako nagkakaganito. Tsaka naman ako tinatarantado ng tadhana.


Ibinato ko ang basong hawak ko sa dingding ng kwarto. Para akong masisiraan ng ulo. Ang daming gumugulo sa utak ko. Ang dami kong gustong gawin at ayaw gawin sa buhay ko pero hindi ko maisabuhay. I hate this kind of feeling.


Ng lumabas ako ng conference room kahapon matapos tumawag si Marra sa kalagitnaan ng pag uusap namin ni Tarra ay naramdaman ko nanaman ang pinaramdam sa akin ni Tarra noon. Yung sakit. Kahit walang kasiguraduhan na niloloko nga ako ni Marra ay nararamdaman kong masaktan. Hindi ito kasing sakit katulad ng napagdaanan ko noon kay Tarra pero masakit pa rin. Gusto kong isiping wala lang to but then again I don't have the choice. I can't shoo it away.


Huminga ako ng malalim at pinilit alisin sa utak ko ang lahat. But damn it! Pumapasok naman parati sa isip ko ang halikan namin ni Tarra.


Tumunog ang phone ko. Sinilip ko ito at mabilis kinancel ang tawag ni Marra. Now she's calling? Ganoon ba sya kahirap mag isip ng palusot? Ganoon ba sya kahirap idial ang number ko para magpaliwanag sa akin kung ano ang ginawa nya sa loob ng dalawang linggo na wala syang ni isang text, chat o tawag? Na kung kaylan akala ko tumawag na sya dahil hindi na sya busy at gusto nya na kong makausap ay boses pa ng lalaki ang maririnig ko at maingay na background ng isang bar? Isang araw na. Bakit ngayon lang.


Ng pangpitong tawag ay sinagot ko na ito. Nakapikit ako habang nakalagay sa tenga ko ang phone.


"Hi love! How are you? Sorry ngayon lang ako nakatawag. I'm too busy here, hirap rin ang signal lalo na pag overseas."


"Yeah." Kibit balikat ko. Namumuo na ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Uminom ako ng whiskey deretso sa bote nito at pabalibag itong inilapag. Good thing ubos na ang laman ng nabasag ang bote.


"Justin? Ano yon?" Tanong nya.


"Wala." Huminga ako ng malalim at tumayo mula sa kinauupuan kong sulok. Nakalagay pa rin sa tenga ko ang phone habang naglalakad ng pasuray suray papunta sa kusina. I need another bottle to drink. Gusto ko yung lasing na lasing ako at hindi ko na maaalala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko at pagtulog nalang ang gagawin ko. But then again naalala ko na hindi pala natatanggal sa memorya ang mga alaala bago ka malasing. 


"Umiinom ka ba? Justin?"


"Yeah." Umupo ako sa stool at tumungga ulit ng panibago.


"Bakit ngayon ka lang tumawag?" Tamad kong tanong.


We Know We Can (book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon