Chapter 5

495 31 8
                                    

We Know We Can

© Hardheadeddouche

A/N: Pasensya kung maraming segway. Pinapalight ko lang ang mga eksena. Mahirap na kapag puro sakit baka makapatay na ako ng bumabasa. Hahaha. Anyways. Yung apat na kaibigan ni Justin sa book 2 ay nasa book 3 na rin. Join force na ang lahat ng mga kaibigan nila dahil okay naman na sila except kay Tarra na nawala nga ng ilang taon. Also kaibigan na ulit nila Daisy sila Vaughn at Jasmine. Basta madami pang revelation at mangyayari na hindi katanggap tanggap kaya abangan nyo nalang.

Ps. Sorry for typos (wrong spellings&grammar errors)

Continuation..

Tarra's POV

He's so composed. Para bang hindi sya ang kilala kong Justin. And he supposed to meet my dad? Business partner namin ang MLE so how come sya ang nandito hindi si Walter o si RK?

"What are we going to talk about?" He asked in a monotone voice. Napatingin ako sa mga kamay kong nanginginig sa ibabaw ng mga hita ko. I'm nervous even I shouldn't be.

Hindi ba sya apektado kagaya ko? Hindi ba sya nabigla dahil nakita nya ko? Bakit ang kalmado nya? Bakit iba ang nararamdaman ko kumpara sa ipinapakita nya.

"Unfortunately J-j.. I mean Mr. Brook hindi ako nabreafing ni Papa tungkol sa kung saan ang meeting na to. Pinapunta nya lang ako para makausap daw ang CEO ng MLE."

"I'm the CEO. Why did he send you instead of Andrew?" Tanong nya, his voice is slightly on edge now but he's still didn't move an inch in his seat.

"I-I don't have an idea." Sagot ko na ikinibit balikat nya. Napayuko ako dahil sa nararamdamang kaba. Kung umasta sya ay parang hindi nya ko kilala. Para bang wala kaming nakaraan. Para bang simpleng tao lang ako na kabusiness meeting nya. Tinatago lang ba nya ang nararamdaman nya o talagang wala na syang pakielam sa akin? Sa amin?

"Tell him to set a new meeting then. I been working all day upto now dapat ay nagpapahinga na ko by this time pero nasayang ang oras ko." Tumayo sya sa kinauupuan. Iniisip ko kung bakit wala man lang akong reaksyon na nakikita mula sa mukha nya. Hindi sya mukhang galit, naiinis, nalulungkot o masaya.

"Mrs. Iñigo tell to your Dad that I'm going to go. Kung hindi nya ko maharap sa iba pang meeting ay tawagan nalang nya ko."

Naglakad na sya ng ilang hakbang ng tumayo ako at tawagin sya.

"Justin."

"It's not necessary for you to call me by my first name Mrs. Iñigo."

"I'm sorry. B-but can we talk?" He tilt his head sideways and examine my face.

"Is it about business." Napayuko ako at napatingin sa heels na soot ko.

"If it's about business maybe we can reschedule it tomorrow. I have an important things to do so I will go now." He gave me a half smile and leave.

I'm left with question marks and a heavy heart.

~~

"So what happened?" Matthew asked me while we're walking in a mall. Kasama namin si Kieth, Drix at Drake pati na rin ang mga yaya ng dalawa.

Paulit ulit akong nawawala sa sarili. Hindi ko naririnig ang mga sinasabi ng mga kasama ko dahil sa naguguluhan ako at malalim ang iniisip ko.

"Huh?"

"Did he said something wrong, hurtful words perhaps?" Tanong nya ng nakakunot ang noo. Umiling ako sakanya at tinulak ulit ang stroller na hawak kung nasaan si Kieth na mahimbing na natutulog sa kabila ng ingay na ginagawa ng magkapatid.

"Then why you're like that?" He asked curiously.

"Tita can we buy icecream?" Paghila ni Drix sa damit ko. Tinuro nya ang isang icecream shop at hinila ang damit ko doon.

"I want cake." Turo naman ni Drake sa kabilang direksyon. Drake have some sort of problem. Siguro ay kaya hindi sya nananatili sa bahay ni Drew ng matagal ay dahil sa iniinis nya si Miles kahit sobrang bait naman nito.

Nag away ang dalawa dahil gusto nilang parehong bumili kasama ako. I just watch them. Kahit nagsisigawan sila ay malumanay pa rin sila parehas.

"Maybe we can sit here then. Yung yaya mo Drake ang bibili ng cake tapos yung yaya naman ni Drix ang bibili ng ice cream. We can stay here." Parehas silang bumuntong hininga at tumango. Umupo kami sa foodcourt. They are still arguing about anything but they do it by whispering and not yelling. Natatawa kami ni Matt dahil sa pagmemakeface ng dalawa at pagturo ni Kieth sa dalawa habang tumatawa at nagbaby talk.

"Tatatata." Sigaw ni Kieth. Napahinto ang dalawa sa pag aaway at napatingin sa baby. Parehas silang natawa at natigil sa pag aaway na ikinatawa rin namin.

"Nagkita pala kami ni Daisy kahapon." Bulong ni Matthew sa gilid ko. Kumakain na sila Drix at Drake ng mga gusto nila at ganon din kami ni Matthew.

"Well she invited me on Vera's 7th birthday." Suminghap ako at tumango. I know she's not going to invite me. Galit sya sa akin dahil sa pag alis ko ng walang paalam at hindi pagpaparamdam.

"But I'm still convincing her to invite you. Kailangan nyong mag usap. Magkakaibigan tayo at hindi dapat ganito na iimbitahan nya ko pero ikaw hindi."

"No Matt. Ayokong magalit sya. Birthday yon ng anak nya at baka maging awkward lang ang lahat kung nandoon ako."

"But still."

"It's okay. Maybe after Vera's birthday ay makapag usap naman din kami."

Ng sumigaw si Drake ng pangalan ay napalingon kami.

"Tito Cairo! Tito Fred!"

"Hey? Big boy. How are you?" Tanong ng tinawag ni Drake na Fred. Nakita ko ang ngiti ni Drake na hindi ko pa nakita simula ng dumating ako dito.

"You're with your Mom?" Umiling ang bata at tumango naman si Fred.

"D'you know where Tito Justin is?" The kid pouted.

Nanikip ang dibdib ko sa pagbigkas nya ng pangalan ng lalaking kausap ko lang kagabi. Bakit ba parati akong nasusupresa. Pamangkin sya ni Justin kaya dapat ay hindi na ko nagugulat na parati nya yong nababaggit.

"Nope. Busy ang Tito mo sa business eh. Pero minsan nakakausap namin sya at nakakabonding. Sino ang kasama mo?"

"Tita Tarra and Tito Matthew tapos si Drix tsaka si Kieth tsaka yung mga yaya." Masigla nyang sabi. Tinuro nya pa kami na nakaupo sa lamesa kaya tumingin sa amin ang dalawang lalaki at ngumiti.

"Birthday bukas ng girlfriend mong si Fray ah. Pupunta ka ba big boy?" Kumunot ang noo nya at umiling ng paulit ulit bago tumakbo papunta sa amin.

"Nope. Just tell her happy birthday. She's a creepy. Yayakap lang sya sa akin eh." Sigaw nya. Tumawa ang dalawa at nagwave kay Drake. Umalis na ang mga ito at bumalik naman si Drake sa pagkain ng cake nya.

"You're eating a cake with ice cream?" He asked all of a sudden. Tinignan ko ang kung sinong kinakausap nya at nakitang sa akin sya nakatingin.

"Yeah. Masarap."

"Why you didn't order an icecream cake instead. Kadiri naman itsura nyan eh." Ngumiti ako sa bata at sinubukang isubo sakanya ang nasa kutsara ng akin, he waved his hand dismissing me. "Try it. Hindi naman porket pangit ang itsura ay pangit na rin ang lasa."

"I know. I just don't like food when it mixed like that. Para kang si Tita Marra."

"Who is she?" Parati syang nababanggit ni Drake kaakibat ang pangalan ni Justin kaya siguro ay kailangan ko na rin malaman kung sino sya.

But..

Am I prepared to know who she is?

"She's Tito Justin's girlfriend."

And with what he said..

My hope shattered into pieces.

--

To be continued..

We Know We Can (book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon