We Know We Can
© Hardheadeddouche
Continuation..
Justin's POV
"Iuuwi na kita." Salita ko. Mula kanina ay hindi pa rin nagsasalita si Marra. Her Dad keeps on asking her what's wrong pero ngingitian nya lang ito. Ni hindi nya rin ako tinitignan.
"Kay Dad nalang ako sasabay." Mahinang sagot nya.
"Ikaw bahala." Kibit balikat ko sabay talikod. Hinila nya ang kamay ko na nagpahinto sa akin at nagpalingon.
"Justin naman.." Impit na iyak nya. Nakayuko sya at nagtataas baba na rin ang balikat nya. Good thing we're alone.
"Do you hate me that much para gawin mo to?"
Hindi ako sumagot dahil alam ko ang tinutukoy nya. I don't hate her. I just don't give the fuck anymore.
"Magbreak na tayo Marra." Buong loob kong sabi. Wala na kong lakas. Ayoko na ring makasakit.
"She's married! Ano ba! Justin naman eh."
"Kaya ko syang iwasan Marra, tatapusin ko ang kung anong meron kami pero hindi ko na kayang manatili sa isang relasyong hindi na ko sigurado."
She become frantic because of my words. Inalis ko ang tingin ko sakanya at huminga ng malalim. Kung tutuusin ay ayokong gawin to. But I need to. Malaya na syang bumalik sa ex nya.
"Justin ako sigurado pa! All we need is to fight for this. Hindi. Ayokong pumayag. Hindi mo ko iiwan." Yumakap sya sa likod ko at isinubsob ang mukha nya sa likod ko.
"We can get through this. Patawarin mo na ko please. Please Justin maaayos pa to."
"Mas masasaktan lang kita."
"I don't care! I can wait Justin! It just a phase. Babalik din tayo sa dati."
"Sinabi mong hindi mo gagawin sakin ang ginawa nya. But you did. Siguro nga hindi kita ganon kamahal kaya hindi ganoon kalakas ang tama ng ginawa mo sakin. Siguro nga."
Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at pumunta sa harapan ko.
"That's not true. Mahal mo ko. Naramdaman ko. Imposibleng hindi mo ko minahal."
"Minahal kita..."
"Aayusin natin to. Babalik tayo sa dati. Subukan mo Justin, kasi ako hindi ako susuko sayo. Subukan mo lang na mahalin ulit ako. Please. Magtiwala ka sakin please."
Lumunok ako at tumingin sa ibang direksyon. All I can see is Tarra, my doubts, my insecurities.
BINABASA MO ANG
We Know We Can (book3)
Fanfiction"Our Souls, Our Hearts & Our Irresistable Love." - Tarra & Justin (FINAL BOOK)