We Know We Can
© HardheadeddoucheContinuation..
Bored na bored ang itsura ni Justin habang nakatingin sa labas ng bintana. Para bang masyadong nakakaantok ang ginagawa kong pag eexplain ng kung anu-ano regarding sa trabaho. Naninikip tuloy ang dibdib ko. Nandito nga sya pero parang wala naman. Business na nga lang ang pinag uusapan namin pero hindi pa rin nya ko pinapansin.
"Please Mr Brook. Listen."
"I'm listening." Paghikab pa nya.
Lumunok ako at tinuon ang pansin ko sa mga folders na nasa harapan. Bakit ba sa dami-dami ng panahon na kailangan kong bumalik ay sya pa ang namamahala ng kompanyang kamerge ng sa amin? Sure. He's the reason why I came back. He's the reason why I want to file a divorce with Travis. Pero hindi ko naman gustong magkasama kami sa ganitong paraan. Too much pressure from work idagdag pa ang ibinibigay nyang pressure sa pagiging hindi cooperative.
Nanahimik ako. Trying to focus on everything that I will say for the next big project. But he's a big distraction. Too big to handle. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.
"Bakit bumalik ka Tarra?" Napalunok ako sa klase ng tanong na ibinato nya. Tumingin ako sakanya at nakitang nakatitig na sya sa akin.
"Hindi ba ay ayaw mo na kong makita pa? Pero bakit nandito ka? Bakit bumalik ka pa?" Walang emosyong tanong nya. Para bang curious lang sya sa tono ng pagsasalita nya at para bang nahihilo ako kakahanap ng sagot sa utak ko na ibibigay sakanya.
"Bakit gusto mong malaman?" Tanong ko pabalik.
Umiling sya at ngumisi. Uminom ng wine at marahang tumawa. Gusto kong mainis pero hindi ko magawa. Mahal ko pa sya at iyon ang totoo. Mahal ko sya at iyon ang dahilan ko kaya ako bumalik dito.
"Let's get back to business." Paglunok ko.
"But I'm bored talking about business. I been talking about it with everyone for the past year." Ngumuso sya at tumitig sa akin. I can't even stare at him straight in the eyes pero bakit sya kayang-kaya nya na?
"Nakamoved on ka na ba ng tuluyan sa akin?" Suminghap ako at inanggat ang tingin sakanya. I can't moved on yet. That's the truth but I'm not going to admit that.
"O-of course." Sagot ko. Sinandal nya ang likod nya sa swivel chair at pinagcross ang mga braso nya.
"Did your husband knows about our past?"
"Hindi ko na sinabi. It's not important anymore Mr Brook. Kung nagtataka ka dahil sa biglaan kong pagbalik then I'll tell you now na hindi ikaw ang dahilan. Hindi ko sasabihin sayong tapos na tayo three years ago kung babalikan rin naman kita. May asawa na ko." Huminga ako ng malalim at kinagat ang ibabang labi ko. He's taunting me and I hate it. Kung ginagawa nya to para mapagtawanan ako sana ay itigil nya na. Hindi ko gusto ang mga sinasabi ko. Hindi totoong hindi sya ang dahilan ng pagbalik ko.
"Wag mong iiwanan ang asawa mo Tarra. Sya nalang ang meron ka. Nakikita kong mahal ka nya. Stick to him no matter what." Tumingin ako sa kanya at nakita ang pagtitig nya sa screen ng cellphone nya.
"Masakit maiwan. Sobra. Lalo na ang ipagpalit ka sa iba." Tumayo sya. Nakalagay sa tenga ang phone na hawak at lumabas ng kwarto. Huminga ako ng malalim at doon ko lang nailabas ang sakit sa mga narinig.
I can't have you back but I can't also keep Travis. Mahal na mahal pa rin kita at kung mananatili pa ko biglang asawa nya hindi nalang ang sarili ko ang niloloko ko, pati sya.
Justin's POV
"Kakatapos lang ng meeting." Sagot ko sa tanong ni Marra. Sinabi nyang magkita raw kami sa isang mall dahil gusto na rin nyang bumili ng regalo para kay Vera. Bukas na ang birthday ng anak nila Pipo at Daisy at maski ako ay wala pang nabibiling kahit ano sa inaanak ko.
.
.
.
"Tingin mo anong gusto ni Vera?" Tanong nya habang magkahawak kamay kaming naglilibot sa mall. Hinahalik-halikan nya ang kamay ko na parati nyang ginagawa kapag magkasama kami.
BINABASA MO ANG
We Know We Can (book3)
Fanfiction"Our Souls, Our Hearts & Our Irresistable Love." - Tarra & Justin (FINAL BOOK)