We Know We Can
© Hardheadeddouche
A/N: Depende po sa mood ko kung kelan po may POV si Tarra or si Justin. Depende rin po sa scenes na susulpot sa utak ko. Brace yourselves.
Continuation..
Tarra's POV
"Sure ka ba na uuwi ka at sasabay sakin?" Tanong ni Matthew ng naglalakad na kami papunta sa departure area. Tumingin ako sakanya at nagkibit balikat. Kung tatanungin nya ko kung sigurado ako sa pag uwi ko ay sasabihin kong oo, pero kung ang tinatanong nya ay kung sigurado ba kong makita ang lahat ng naiwan ko ay hindi ko alam.
"Kailangan ako ng company Matthew. Hindi lang naman dahil sa space kay Travis ang dahilan ng pagbalik ko." Tumango sya at hinila ang suitcase ko.
"Ikaw bakit ba naisipan mong umuwi?" Tanong ko. Nasa loob na kami ng eroplano ngayon at uupo na sa mga assigned chairs na inilahad sa amin ng flight attendant.
"Well bukod sa gusto kong makita ang isa ko pang kaibigan na naiwan ko don, gusto ko rin samahan ka at gabayan ka. We'll never know what will happen when we get there.
Parating nandyan si Matthew para sa akin. Kasama rin namin ang anak nyang si Kieth na isang taong gulang na. He asked me kung pupwede ba syang magstay sa bahay nila Dad at hindi ako humindi dahil bukod sa kailangan ko sya for emotional support, alam ko rin na kailangan nya ko bilang kaibigan nya, for emotional support too of course.
Lindsay and Matthew didn't last. Dalawang taon lang ang itinagal nila dahil sa dami ng conflicts na dumaan sa buhay nya, Lindsay marry someone else few months after and Matthew remained single. Ganoon lang ang naging buhay nya, party dito, inom dyan. Bago kami ikasal ni Travis ay nagkaroon kami ulit ng komunikasyon. Nagbago sya. Well, sya pa rin naman ang bestfriend ko pero kapag nakikita ko sya ay parati nalang syang malungkot o hindi kaya ay nagpapanggap na masaya. Nakilala ko si Rebecca, she's Travis co-doctor, naging magkaibigan kami at ipinakilala ko sya kay Matthew para maging masaya naman sya kahit papaano. They became a couple but they only last for a year, iniwan nya si Matthew ng wala man lang dahilan kung bakit.
But unlike what happened to him and Lindsay ay hindi nya ganong dinamdam ang nangyari, little did I know na kahit na wala na sila ay parati pa rin pala silang nagkikita. Then Rebecca got pregnant. Pagkatapos nyang manganak ay ibinigay nya kaagad ang bata kay Matthew at hindi na nagpakita pa. I'm mad at her, para bang hindi nya mahal ang anak nya dahil ganon lang ang ginawa nya, she's too selfish, but for some reasons ay masaya akong ipinagpatuloy nya ang pagbubuntis nya at ibinigay pa rin nya ito kay Matthew. He's a great Dad. Girl version nya si Kieth at hindi maipagkakailang sakanya yon. But the other side of me was jealous. I can't never bear a child. Hindi ko mahahawakan ang anak ko at hindi ko maaalagaan dahil never akong magkakaron ng sarili ko.
"Nagsesenti ka nanaman." Pagputol nya sa mga iniisip ko. Kinuha ko sakanya si Kieth at tumawa naman sa akin ang batang kamukhang kamukha nya.
"Sana may baby rin ako noh, Matt?" Buntong hininga ko. Tumingin sya sa akin gamit ang naaawa nyang mga mata.
BINABASA MO ANG
We Know We Can (book3)
Fanfiction"Our Souls, Our Hearts & Our Irresistable Love." - Tarra & Justin (FINAL BOOK)