We Know We Can
© Hardheadeddouche
Continuation..
Tarra's POV
Nadisappoint ako ng imbes na si Justin ang makita ko ay si RK ang pumasok ng conference room.
"Goodmorning everyone." Seryosong sabi nito bago umupo sa silyang para kay Justin.
"Justin can't make it today, may inaasikaso.."
Lutang ako buong meeting, oo at hindi lang ang sinasabi, sumasang ayon kahit hindi maintindihan ang pinag uusapan.
Ng matapos ang meeting ay lalabas na sana ako ng tawagin ako ni RK. "Ms. Iñigo stay. Mag uusap tayo." Natigil ako sa paglalakad at napatitig kay RK. He still have this aura in him kahit ilang taon na ang lumipas. Dominant and very serious despite being a married man.
"Anong pag uusapan natin?" Tanong ko sakanya pagkaupo ko sa swivel chair na mas malapit sakanya.
"Mahal mo pa ba ang kapatid ko?" Sasagot sana ako pero hindi ko alam kung kaya ko bang magkwento sakanya. Tinatanong lang naman nya ko pero bakit ang hirap magsalita?
"Well, I guess silence means yes."
"Sinaktan ka ba ng asawa mo dahil kay Justin?"
"Sana alam mong kita pa rin ang pasa sa gilid ng labi mo kahit tabunan mo ng make up.." Bumuntong hininga ako at tumango. Ng iangat ko ang tingin ko sakanya ay nakita ko ang mas malambot na emosyon sa mukha nya.
"You don't deserve this Tarra." Ngumiti ako at mabilis na pinunasan ang tumulong luha sa mata ko. This is too much.
"I know." Pagtawa ko sa kabila ng pag iyak ko.
"Hindi mo ba sya kayang kumbinsihin tungkol sa divorse nyo?"
"Hindi mo kilala si Travis, RK, maski nga akong asawa nya sa loob ng maraming taon hindi sya kilala eh. Hindi nya ko bibitawan basta basta. Hell, hindi nya talaga ako bibitawan." Tumango sya at tumayo. Tiningala ko sya dahil parang may gusto syang sabihin na hindi ko makuha.
"Magiging maayos ang lahat para sainyo." Tumalikod sya pero dahil naguluhan ako sa sinabi nya ay tinawag ko ulit sya.
"Paano mo naman nasabi? Can't you see how complicated our lives now?"
"Just have faith.. Eventually everything will be fine, all these miseries will be paid off." Ngumisi sya at lumabas na ng conference room. Kahit hindi ko alam kung posible ba ang sinasabi ni RK ay gusto ko pa ring maniwala na pupwede pa ngang maayos ito.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko dahil sa pagriring nito. His number flashing on the screen. The love of my life is calling me.
BINABASA MO ANG
We Know We Can (book3)
Fanfiction"Our Souls, Our Hearts & Our Irresistable Love." - Tarra & Justin (FINAL BOOK)