Chapter 29

621 35 4
                                    

We Know We Can

© Hardheadeddouche

Continuation..

Tarra's POV

Naligo ako at nagbihis. Lumabas ako ng bathroom at nakitang natutulog pa rin si Justin sa kama.

Alam kong magang-maga na ang mga mata ko pero hindi ko pa rin mapigilan ang mga luha ko. Ang tanga tanga ko para pumayag na ganituhin nya lang. Ang tanga tanga ko dahil inuulit ko lang ang lahat. Ang tanga tanga ko dahil mahal na mahal ko sya.

Umupo ako sa gilid ng kama at sinuklay ang buhok nya gamit ang mga daliri ko. Hindi ko maintindihan kung anong emosyon ang nasa mukha nya ngayong tulog sya. But I know he's not happy. He can't be happy with all these chaos. I'm just his past time. Kahit hindi ganon ang tingin ko sakanya.

"I love you Justin Brook. I love you so much." Bulong ko bago ilapat ang labi ko sa kanya.

Mali bang bumalik ako? Mali bang pinasok ko pa ulit ang mundong binuo nya na para sa huli ay mawasak ko? Sya ba ang nawasak ko o ako ang winasak nya?

Huminga ako ng malalim at niyakap sya. There's a part of me that wants him to wake up. I want him to stop me from going but there's a bigger part of me that don't. Ayokong tignan nya lang ako habang umaalis.

Humalik ako sa leeg nya at sa labi nya bago tuluyang umalis. I wonder how easy life could be if I didn't met this man. I wonder how peaceful my life would be kung hindi sya ang minahal ko. Hindi siguro ako nasasaktan ng ganito. Siguro hindi ako nahihirapang lumayo sakanya. But too much damages has been done.

Hindi ko alam kung mapapanindigan ko ang gagawin ko but for the sake of being at peace didistansya ako. Hindi ako tuluyang lalayo dahil ihahandle ko pa rin ang kompanya pero sisiguraduhin ko ng hindi ako mapapalapit sakanya ng sobra pa sa ganito.


Justin's POV

I'm on my third bottle now. I don't know what's the fucking wrong with me. I don't know what this messed up shit I had made but damn it! Ni hindi ko nga makuha kung bakit hindi ako nawawalan ng malay gayong nakakailang bote na ko ng whiskey. Yun pa kayang maintindihan at maresolba ko ang mga problema ko. Imposible. Nahihirapan akong intindihin ang bumabagabag sa akin, damn! Lahat ng bumabagabag sa akin umiikot sa ibabaw ng ulo ko at iniinis ako dahil doon. Why? Why on earth would I be this affected with all these bullshits that's going on?

"God Justin! I been searching for you the whole day! Ano ba!" Tumingala ako at tinitigan ang babaeng nagwala ng paniniwala ko na pupwede pa kong kumawala sa anino ng nakaraan ko. Sa anino ni Tarra. Ang babaeng nagpatunay sa akin na lahat ng babaeng dadaan sa akin lolokohin lang ako ay nasa harapan ko.

"Get lost!" I slurred. Hinawi ko ang kamay nyang nakakapit sa braso ko pero na out of balance lang ako at napaupo sa lapag. God! I look like a fucking idiot sitting here.

Tumayo ako at doon naramdaman ang pagkahilo.

"Let's go home love. Please." Hinila nya ko patayo pero tinapik ko lang ang kamay nya. I don't fucking need anyone's help! Not her's specially.

"Naman eh. I know you're mad at me Justin but please! Umuwi na tayo. Iuuwi na kita." Huminga ako ng malalim at tumayo ng sarili. Kahit nagdadalawa ang paningin ko ay dumeretso ako sa exit ng naturang bar kung nasaan ako. Kinapa ko ang susi sa bulsa ko at pinatunog ang sasakyan.

"You're not going to drive! Ano ba!?" Hinarap ko si Marra at inismiran. Sino sya para sigawan ako?

"You! Of all people.. Has no right to fucking yell at me! Get it?" Humakbang sya palayo sa akin at tinitigan ako.

We Know We Can (book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon