Chapter 7

647 21 9
                                    

We Know We Can
© Hardheadeddouche

Continuation..

Tarra's POV

Galing ako sa MLE para sana ay makausap si Justin tungkol sa sinasabi ni Papa. Unfortunately wala sya doon ngayon at sinabi ng secretary nya na gagawan nalang nya kami ng panibagong schedule para makapag meeting.

Hindi ko alam kung matutuwa ba kong hindi ko sya nakita o maiinis ba dahil parang iniiwasan nya ko.

Napabuntong hininga ako at napapreno ng sasakyang minamaneho ng mag red light.

'Busy sya Tarra, pwede ba? Bakit ka naman nya iiwasan? Hindi naman sya bitter kagaya mo.' Sarcastic na sabi ng isip ko. Napatango ako kahit hindi dapat at napa-oo nalang kahit wala naman talagang kausap. I hate that I'm thinking things about him. Negative man o positive. He's not mine anymore. He's committed and he already forget about me and us. Nakita ko na sa itsura at kilos nya yon ng huli naming pagkikita pero umaasa pa rin ako. I'm a hopeless case. I'm a stupid helpless case.

Ng may makita akong coffee shop ay inihinto ko ang sasakyan ko at pumark sa gilid nito.

Pumasok ako sa modern style na coffee shop at pumila sa hindi gaanong mahabang pila sa cashier when I suddenly see someone familiar.

"Thine?" I asked not to loud. Nilingon ako ng babaeng nasa harapan ko lang sa pila at tinitigan ako, I smile awkwardly at her at ng magsink in sakanya kung sino ako ay napatakip sya ng bibig at napayakap bigla sa akin.

"Oh my god Tarra? Is that really you?" Tipid akong tumango at ngumiti. Ng matapos nya kong yakapin ay tinawag ng cashier ang atensyon nya. Hawak hawak nya ang coffee sa kaliwang kamay nya at hawak naman nya ang braso ko sa kanan.

"I'll wait for you there." Turo nya sa isang bakanteng table sa hindi kalayuan. Um-oo ako sakanya at umorder ng akin. When the cashier gave me my reciept ay pumunta ako sa table na inuupuan ni Thine. Umupo ako sa harapan nya at ngumiti ulit. That's the least thing I can do for now ang ngumiti ng ngumiti at huwag makaoffend.

"Kamusta kana? Magaling ka na ba talaga?" Tanong nya. Unlike what I thought that she's distressed with Drew ay masigla ang aura nya ngayon. Akala ko rin ay galit sya sa akin pero mali ako ng iba ang reaksyon nya sa akin.

"I'm perfectly fine now. Kamusta ka? I'm sorry kung hindi na ko nakacontact sayo. I hope you'll understand." Inabot nya ang kamay ko at piniga ito.

"Naiintindihan ko naman. You're hurt back then. Matagal na rin naman yon. Hindi na ko nagdaramdam. Kalimutan mo na."

"I've heard from Kuya Justin that you're going to take over the position of your cousin?" Curious na tanong nya.

"Yeah." Kibit balikat ko bago uminom sa tasa ng kape na hawak ko. I really don't know what to talk about with her.

"T-that's awkward, don't you think?" Bumuntong hininga ako at nagkibit balikat ulit. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung awkward ba o hindi ang makatrabaho ko ang kapatid nya. But of course it will be awkward. With him being in the same room with me ay hindi ko na alam ang irereact ko. Kakainin siguro ako ng awkwardness habang sya prenteng kinakausap ako.

"Handa ka na ba na makasama sya sa trabaho? Do you still have feelings for him?" Nanatili ako at napatitig sakanya. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang isasagot sakanya. I already set my mind on the work but I never imagine yet that I'm working with my ex. Nakakagulo pa lalo na may feelings pa rin ako sakanya. Ayokong maguluhan. Ayokong madistract dahil sa akin na inilalagay ang lahat ng karapatan at resposiblidad sa kompanya. When I want to leave it to Drew again, I know he will take it but I want to be familiar with all the works again. After all ako naman talaga dapat ang namamahala non.

We Know We Can (book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon