We Know We Can
© HardheadeddoucheA/N: sorry maikle. Medyo inaantok na eh. Bawi ako sa chapter 15.2. :)
Continuation..
The first few days on my office was okay. Everyone is nice, cooperative and productive. Natambakan rin ako ng mga gawain kahit na ba tinapos ni Drew ang lahat bago sya umalis.
"Miss Tarra, nandito po si Sir Travis." Natanggal ko ang salamin kong soot at napatingin sa pintuan kung nasaan nandoon si Bash, she's my new secretary. Ang secretary noon ni Drew ay napromote bilang isang head ng isang department.
But Travis? He's here?
"Babe." Bati ng asawa ko soot ang double dimple nyang ngiti.
May dala syang paperbag na tingin ko ay pagkain ang laman.
I want to push him away. I badly want to get the divorse. He don't deserve me yet he's still here pursuing me with everything he can. Kung natuturuan lang ang puso na magmahal ng iba, sya nalang talaga sana ang minahal ko. But I can't lie to myself. I used him to be my rebound. I used him para lang makalimutan ko si Justin. Pero wala. Hindi naman talaga ako nakalimot. Nanggamit lang ako.
"Kamusta ang ospital na pinasukan mo ngayon?" Tanong ko ng maibsan ang awkwardness na bumabalot sa kwarto dahil sa presensya nya. Ng mailabas at mailapag nya na sa table ang mga pagkain ay huminga ako ng malalim at inalis sa isip ko ang lahat ng maling naiisip. Ngumiti ako sa ginagawa nya at isinarado nalang muna at isinantabi ang laptop para mas mabigyan sya ng halaga.
"Sabi ni Bash hindi ka pa daw naglunch. Wag kang nagpapagutom."
"I'm not. Busy lang talaga. Besides I can eat while doing stuffs, hindi lang talaga nakapagpabili ng pagkain. Anyways, kamusta ang trabaho?" Nagkibit balikat sya at inilagay sa harapan ko ang bake mac, iniabot nya rin sa akin ang spoon at fork.
"Well hindi madali, it's not our hospital anymore. Hindi na ko big boss, simpleng doctor nalang."
"You're a great doctor, soon makikita nila yon. Siguro ayaw lang ni Dad na may special treatment kang makuha dito para bumalik kana doon." Kumain ako ng bake mac at tinuon ang atensyon doon. Narinig kong bumukas ang pintuan at ng iniangat ko ang tingin ko para makita kung sino ang nagbukas ay napaawang nalang ang bibig ko.
"You didn't get my email to you Mrs Iñigo?" Kunot noo nyang tanong. Tumingin ako kay Travis at nakitang nakatingin rin sya kay Justin.
"E-email?"
"I send it to you two days ago, told your secretary about this yesterday at kanina pa ko naghihintay sa meeting place pero hindi ka dumating. Seriously?"
I feel his sarcasm. I hate to see him this sarcastic. Lalo pa't kaharap ko sya at nandito na si Travis. Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot. Kung anong gagawin. Bakit ba hindi ko alam to?
"Sorry Mr Brook. P-pupwede bang sa meeting room nalang?"
Bumuntong hininga ito at tumango. "Five minutes Mrs Iñigo. This is too urgent. I have things to do aside from this so stop wasting my time." Isinarado nito ang pintuan at doon lang ako nakahinga ng maluwag.
"Kapag nakita ko yan sa labas. Masasapak ko talaga yan Tarra. Not because their company is ahead from yours ganyan na sya makipag usap sayo." Iritadong sabi nito.
"Hayaan mo na. Hindi ko naman kasi talaga nakita eh. This is my fault." Sabi ko habang binubuksan ang email ko. Then I saw it. The meeting was supposed to start three hours ago but unfortunately I'm late. Too freaking late.
"I need to go."
"I'll wait for you here."
"Mauna kana sa ospital. Come on Travis. This is not some kind of meeting na mabilisan lang at aabutin ng lima hanggang sampung minuto. Magtatagal ako."
"Then I'll be there with you. Ayokong ginaganon ka ng gagong yon."
"Shhh. He might hear you!" Mahina pero may diing sabi ko. Naglakad ako papuntang pintuan at napahinto. Bumuntong hininga ako at tinignan ulit sya. Naglakad ako palapit sakanya at humalik sa noo nya sa kabila ng seryoso nyang mukha.
"Sunduin mo nalang ako pagkatapos ng trabaho. I'm sorry Travis."
Bumuntong hininga sya at tumayo na rin. Lumapit sya sa akin at humalik sa noo ko.
"Take care. Iloveyou."
"I'm going."
~~
Ng makapasok ako sa loob ng meeting room ay naabutan kong nakatayo si Justin sa tabi ng ceiling to floor na bintana. Mukha itong iritable habang may kausap sa phone."Where the hell are you? Tumawag ka kapag natanggap mo tong voicemail na to. You're not like that before Tamarra! You're changing! Nababadtrip na ko sa mga kalokohan mo! If you don't want me around anymore then break up with me! Damn it I'm damn tired.." Sa huling pangungusap ay nanghina ang boses nya. Parang naiiyak. And it breaks me to see him like this.
Napalunok ako dahil sa mga naririnig sakanya. He's frustrated. Pissed. Dumadagdag pa ko.
".. I'm sorry love, I-I didn't mean it.. I love you please call me back, I need to hear your voice." And that broke me. Lumunok ako para mawala ang bara sa lalamunan ko dala ng mga narinig. Suminghap ako at umupo para makuha ang atensyon nya. Nilingon nya ako at binulsa na ang phone na hawak.
"Pasensya na sa hindi ko pagcheck ng emails ko. Sorry."
"Let's start." Poker face na sabi nya.
Hindi ko alam kung saan ako mas masasaktan.
Ang may mahal na syang iba?
O
Ang iba na nya ko kung pakitunguhan?
--
To be continued..
BINABASA MO ANG
We Know We Can (book3)
Fiksi Penggemar"Our Souls, Our Hearts & Our Irresistable Love." - Tarra & Justin (FINAL BOOK)