Chapter 39

542 47 7
                                    

We Know We Can
© Hardheadeddouche

Continuation..

Justin's POV

"He already filed a case, Justin." Malungkot na sabi ni Tarra sa akin. She handed me the letter from the court na naglalaman ng reklamong adultery para kay Tarra at sa akin. Kahit anong comfort ko sakanya ay hindi sya humihinto sa pag iyak. Gusto ko tuloy hanapin si Travis at bugbugin dahil sa kawalanghiyaan nya. May kapal pa talaga sya ng mukhang magkaso sa akin at kay Tarra.

"Natatakot ako Justin!" Paghagulgol nya. Mahigpit ko syang niyakap. I can't comfort her and tell her that everything will be alright, ni hindi ko nga alam ang gagawin ko kung sakali. Umaandar ang kaso at alam kong mas mahihirapan si Tarra sa mga oras na dadaan.

"What's happening here?" Pag tanong ni RK ng maabutan kami sa ganoong pwesto.

"Kinasuhan kami ng gago." Sabay pakita ko sakanya ng sulat. Binuksan nya ang envelope nito at binasa. Pinapakalma ko si Tarra pero mabilis kaming napatingin kay RK ng marinig namin ang pagtawa nito.

"You find it funny?" Naiinis na tanong ni Tarra. Umiling si RK at pinunasan ang mga luha nya dala ng labis na pagtawa.

"Give me three days. He will back off from this shit and he'll sign the damn divorce paper." Ng tignan ko si Tarra ay nakita ko ang gulat sa mukha nya. She didn't know about RK's plan, well I don't know his plans too but I know he's doing something for us.

"W-what do you mean?" Pabalik balik ang tingin nya sa amin ni RK. Hindi ako nagsasalita.

Tinapik ni RK ang balikat ni Tarra at bumuntong hininga.

"I have plans. I don't want you knowing about it but I'm stupid to blurt it out, I guess."

"T-tutulangan mo ko? K-kami? Why? How?"

"Yes. I'm going to help both of you. I want to give you the freedom that I have, I want you two to be the end game and I want that soon. Why? Kasi madami akong kasalanan sa inyo. Apologizing wouldn't be enough, kahit pa sinabi nyo ng okay na. And for your last question Tarra. That's a secret for now."

Tumingin si RK sa akin at inilagay ang mga kamay nya sa loob ng bulsa ng pantalon nya.

"I'm going to my wife now. Please lang, wag nyo ng isipin yon. Mind the companies you're working at and not the asshole." Napailing nalang ako sa kayabangan ni RK. Kung hindi ko lang alam na kaya nya talagang gawin ang mga sinasabi nya ay hindi ako magtitiwala sakanya. But I know him well enough, and I trust him.

"RK!" Sigaw ni Tarra. Mabilis akong napatingin sakanya at hinawakan ang kamay nya.

"Thank you so much." Nangingilid ang luha nyang sabi.

"Don't thank me yet." Sagot nya bago umalis ng tuluyan. Niyakap ulit ako ni Tarra at umiyak.

~~
"Pumayag ba ang Papa mo?" Tanong ko sakanya ng pumunta kami sa bahay na ipinagawa ko para sa amin. Hindi sya sumagot, umupo lang sya sa couch.

"Matanda na si Papa, babe. I don't know if he can handle things like this."

"But he needs to know." Nagring ang phone ko. Nagflash ang pangalan ni Thine dito na ikipinagtaka ko.

"Yes Thine?"

"Kuya Justin, pinatawag ako ni Kuya RK."

"For what?"

"Kasama mo ba si Tarra? Pwede bang lumayo ka muna. This is a secret."

Nagpaalam ako kay Tarra na lalabas muna ko. Pumunta sya sa kusina at lumabas naman ako sa garden.

We Know We Can (book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon