Chapter 17

458 34 5
                                    

We Know We Can

© Hardheadeddouche

Continuation..

Mugto pa rin ang mga mata ko ng makarating ako sa venue ng party ni Vera. Gusto kong maging masaya dahil inibitahan ako ni Daisy dito pero hindi ko magawa dahil sa halo-halong pakiramdam at iniisip dahil sa bahay na ibinigay ni Justin sa akin.

Ang daming bakit sa utak ko. Nakakapagod isipin pero hindi ko mawala ang isip ko sa mga iyon. I'm hopeless yet I'm still hoping for us to be together again. Sa puso ko umaasa pa rin ako na gaano man kahirap ang mga sitwasyong kinakaharap namin ay matatapos rin ito at mamahalin nya pa rin ako. Na baka kami pa rin hanggang huli.

But who am I kidding? Kasal na ako at ayaw pakawalan ni Travis. Samatalang sya ay mahal na mahal ang girlfriend nya at pangtotorture lang ang ginagawa sa akin. Wala naman akong pinanghahawakan sakanya. Maski nga ang bahay na dapat ay para sa amin ay ibinigay nya na senyales na nakamoved on na. Hindi na sya sa akin at iba na ang mahal nya.

"Tarra!" Nabalik ako sa sarili ng marinig ang pagtawag sa akin ni Pipo. Lumapit ako sakanya at iniabot ang dala kong regalo. Dumaan ako sa mall na malapit rito para makabili ng kahit papaano'y pangregalo sa anak nila.

"Sya ba si Vera?" Tanong ko pinipisil ang pisngi ng buhat nyang bata. Kamukha ito ni Daisy at chubby pa. Nakangiti ito sa akin kaya napangiti rin ako.

Umiling si Pipo at tinuro si Daisy na hawak ang isang batang babaeng nakacostume na fairy. Sumasayaw ito sa harapan habang inaayos ng mama nya ang tali sa buhok, hindi kagaya ng batang karga ni Pipo na si Daisy ang kamukha, si Vera naman ay xerox copy ni Pipo. "Sya si Vera, Veronica. Eto si Pola, Paula. Hi to Ninang Tarra, baby." Ngumiti ito ulit at nagwave sa akin. Ganoon rin ang ginawa ko sakanya.

"Let's get inside?" Yaya ni Pipo.

"Sino na ang mga nasa loob? Nandito na ba sila Matthew? Kasama nya ba si Travis?" Tumango ulit sya at tinuro ang lamesa kung nasaan ang bestfriend at asawa ko. Nakatingin ito sa paligid at nakangiting nagmamasid.

"He's a bit weird actually. Nagpakilala lang sya na asawa mo then hindi na sya nakisalamuha sa iba. Siguro hinihintay ka nya. Tell him to enjoy the party." Tumango ako at sumabay na sa paglalakad ng mag-ama. Pumunta sila sa table kung nasaan si Matthew, Kieth, Vaugh, Jasmine, Rick at ang asawa nya. Gusto kong lumipat ng lamesa at hilahin paalis sa lamesang iyon si Travis dahil sa awkwardness but I can't. Bukod sa wala ng bakanteng round tables para sa aming mga matatanda ay ang natitirang bakante nalang sa lamesa ay sa tabi ni Justin at ng girlfriend nyang hinahalikan nya ngayon ang pisngi habang tumatawa. My heart hurts kasabay ng pagpintig ng ulo ko. Inalis ko ang tingin sakanila at hinanap ang asawa kong nakayuko at nilalaro si Kieth.

"Travis." Lapit ko sakanya. Tumingala sya at tumayo bigla, humalik sa pisngi ko at pinaupo ako sa bakanteng silyang katabi nya.

"Where have you been? Akala ko ay hindi ka makakarating."

"May tinignan lang akong hotel na pagsusupplyan ng mga furnitures. Sorry kanina."

"That's fine." Ngiti nya. Panay ang salita nya at kwento tungkol sa kung anu-ano pero lumilipad naman ang utak ko sa kung saan saan ganon rin ang mga mata kong lumilibot sa paligid.

Kasama ko sa isang table ang mga kaibigan ko, ang asawa ko, ang mga taong dahilan kung bakit ganito kaawkward ang buhay ko. Habang sa kabilang table kung saan tanaw ko ang lahat ay nakikita ko si Justin na masayang nakikipagtawanan sa babaeng kinaiinggitan ko sa buong mundo.

How awkward! Thank you universe for torturing me like this!

"Let's call all Veronica's ninongs and ninang for their wishes!" Nagpalakpakan kaming lahat. Tumayo si Vaughn, Matthew, Prestine na nasa lamesa namin. Kinalong ko si Keith habang tinitignan kung sinu-sino pa ang mga lalapit sa birthday cellebrant. Sa kabilang lamesa ay tumayo ang girlfriend ni Justin, si Terry at iba pa.

Maraming nagspeech. Alternate ang mga ninong at ninang sa pagbibigay ng mga hiling nila para sa bata. Karamihan sakanila ay tungkol sa pagiging makulit ng bata at sa pagbabago nito. Napangiti ako. Sana may anak rin ako kagaya nila. Sana ay masaya rin ako katulad nila.

"Well, Ninang Prestine will say the same thing to you baby Vera. Sana ay wag na masyadong makulit. Kawawa naman si Mom at Dad mo." Ngiti nya sa batang nakanguso sakanya, nanghihingi ng kiss.

"I can't bend baby malaki na ang tummy ni Ninang." Tawa nya pa. Tumayo si Vera sa upuan nya at hinalikan sa pisngi si Prestine. Parehong sweet ang mga anak ni Pipo at Daisy, nakakatuwa.

Kung hindi siguro ako umalis noon ay close rin siguro ako sa mga anak ni Daisy at Pipo ngayon. Nanghihinayang tuloy ako.

"Si Ninang Marra naman!" Sigaw nito ng matapos magwish si Vaughn na tungkol sa pagkahilig sa mga panlalaking laruan naman sinabi. Nilaro ko si Keith na tumatawa sa akin. His new girl is pretty. Kung tutuusin ay mas maganda sya sa akin ng hindi hamak. Matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata at may pagka chinita, nakakahawa rin sya kung ngumiti. Mabait rin siguro sya. Mabilis syang napalapit sa barkada eh. Halos lahat kakilala nya na, close nya na.

Ng umalis ako ay hindi pa maayos si Justin kay Vaughn, Jasmine at Rick pero ngayon? Maybe she's the reason why. Siguro ay dahil sa pagmamahal ni Justin sakanya at sa kagustuhang makalimutan ako ay tinanggal nya na ang lahat ng bumabagabag sa lalaking mahal ko. Kaya rin siguro mabilis syang nakapagpatawad dahil pinunan nya ang mga pagkukulang ko kay Justin.

"Wag kang magsasama kay RK tsaka kay Drake para hindi ka lumaking boyish, pretty pretty mo eh!" Tumawa si Vera sa sinabi nya. Kinurot nya ang pisngi ng bata kaya ngumiti ito lalo.

"I wish you everything in life Vera! Be a smart, loving and a God fearing kid."

Malungkot akong napangiti dahil sa inggit sakanya. I'll trade everything I have just to be with the man she have.

.

.

Natapos ang pagwiwish ng mga ninang at ninong. Tinawag ang anim na batang lalaki na magsasayaw kay Vera.

Dalawa doon ay si Drix at Drake. Tinawag ang batang RK ang pangalan na mas matanda ng ilang taon at di hamak na mas matangkad pa sa ibang nasa harapan.

"Go Karter!" Sigaw ni Prestine. Ngumiti sakanya ang asawa nya at inalalayan itong makaupo. Sana ay kung hindi ko man nakuha si Justin ay may pamilya akong ganyan kagaya ng sakanila.

So far puro nalang panghihinayang at pag iisip ng mga bagay na hindi na mangyayari ang naiisip ko. I'm don't have the right to feel this way but still nararamdaman kong hindi na ko parte ng mundong ginagalawan ng lahat. I'm a part of their lives before but now? Kahit kay Daisy na sobrang malapit kong kaibigan noon ay parang baliwala nalang ako.

Ganoon ba ko katagal nawala? Ganoon ba ko kabilis kalimutan kaya ngayon ay ayos na silang wala ako?

Pilit akong ngumiti para maialis sa sistema ko ang dami ng iniisip. This is a party for god sake. Bakit ang morbid ko?!

"Okay ka lang?" Tanong ni Travis. Pisil pisil ang kamay ko. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat nya at marahang tumango.

"I'm fine. Just tired."

"You want to go home?"

"Pagkatapos na." Tumango sya at bumuntong hininga. Ng mapatingin ako sa kabilang lamesa ay nakita kong nakatingin sa akin si Justin. Nakalingon ito at walang reaksyon ang mukhang nakatingin sa akin habang nakaakbay sa girlfriend.

Tumiwid ako ng upo, kasabay non ay ang pag alis ng tingin nya at paghalik sa pisngi ng babae.

Damn it Justin! You're torturing me!

"Let's go home." Biglaang yaya ko kay Travis. Kumunot ang noo nito sa akin pero tumango rin ito at tumayo na.

Hindi ko na kayang makita pa sya kasama ang bago nya. Bukod sa nahihirapan akong huminga dahil sa nakikita ay natatakot rin akong masira na ang ulo ko dahil sa halo-halong pakiramdam na nararanasan dahil sa mga ginagawa ni Justin. I don't want to end up in a mental ward.

--

To be continued..


We Know We Can (book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon