Chapter 2

742 31 16
                                    

We Know We Can

© Hardheadeddouche


A/N: Please read it again from the top. BInago ko po ang prologue hanggang chapter 1.


Please play the song: Your Smile - K24/7


Continuation..


Justin's POV


"Justin Brook! I love you! Sana pagbalik ko dyan ako pa rin ah!" Ngumiti ako sa voicemail na iniwan nya sa akin.


Hindi ko alam kung kailangan ko ba syang batukan o kung dapat ko ba syang halikan nalang dahil sa paraulit ulit nyang sinasabi. She's always like that. Always thinking shits na hindi na rin naman posibleng mangyari. I love her so much and I don't know why she's still so insecure with everything. Kahit nga yata ang binigay nyang aso sa akin ay pinagseselosan nya ay muntik nya pang kunin dahil lang sa kakaselos nya.


Tumawag ako sakanya at ginaya ang klase ng pagsasalita at ang sinabi nya sa voicemail na iniwan.


"Tamarra Wilson! I love you so much more! Opo. Ikaw pa din pag balik mo at hindi magiging iba kahit ilang beses ka pang umalis. Please get back. I miss you and without you I can't function well."


Narinig ko ang mahinang pagtawa nya na dala ng kilig mula sa narinig sa akin. I can't get enough of her. Kahit gaano pa sya kalayo. Kahit gaano pa sya kakulit at kahit gaano pa sya kaselosa ay sya pa rin ang babaeng pinakamamahal ko.


"Ang cheesy mo. Kinikilig ako!" Paghalakhak pa nya. Malakas akong napatawa at napakamot ng ulo ko. Ang cheesy ko nga siguro. But at least I'm making her smile and laugh and not cry.


"Pero miss na talaga kita." Dagdag ko habang nakahawak sa labi at nakangisi.


Biglang tumunog ang phone at nawala ang kausap na ikinakunot ng noo ko. Binabaan nya ko? Idadial ko palang sana ulit ang number nya ng bigla ay may tumakip ng mga mata ko.


"Talaga miss mo na ko? Kiss nga?" Napangiti ako at hinawakan ang kamay nyang nasa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit kahit parati nya namang ginagawa to ay kinikilig pa rin ako. She's mine and she always makes me feel that. She's my everything now. Pakiramdam ko tuloy teenager ulit ako dahil sa ginagawa nya sa akin.


"Happy anniversary love." Halik nya sa pisngi ko. Hinila ko sya palapit sa akin at paupo sa mga binti ko, hinalikan sya but this time totoo na at sa labi na.


"Late na yung bati mo ng one week pero okay lang. Happy 2nd anniversary too love. I love you." Biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at bumungad sa akin ang sekretary kong si Rover. Lalaki ang nakasanayan kong secretary dahil nagseselos si Marra sa kahit kaninong babae. It's crazy but I'll do whatever she wants just to please her.


"Sir Justin kailangan na po kayo sa conference room." Tumayo si Marra mula sa pagkakaupo sa mga binti ko pero hinila ko sya ulit para makabalik sa pagkakaupo.

We Know We Can (book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon