Chapter 3

129K 3.5K 3.6K
                                    

Liar

"Si Blare ba 'yon?" tanong ni Rika sa akin, nakataas ang isa niyang kilay. 

Bahagya akong tumango habang nakatingin rin sa tinitingnan niya. Nakaupo si Blare Reifler sa bench ng soccer field sa tapat namin kasama ang fraternity nila, malamang ay papanoorin niya ang laro ng kambal niya na si Blade.

"Oo, si Blare nga," maikli kong sagot, ang mga mata ko ay nakapako pa rin sa nakangising si Blare.

"Ang guwapo naman ni Blare, halatang hindi ka magugustuhan ah," aniya sa nagbibirong tono.

Tipid na lang akong ngumiti kahit na na-offend ako sa sinabi niya, inisip ko na lang na ganoon naman talaga siyang magbiro noon pa man kaya minabuti ko na lang ang manahimik.

Napangiwi ako sa malakas na tili ng mga kaklase namin sa likuran, nilingon ko sila at naabutan kong kilig na kilig ang mga ito habang tinuturo ang harapan namin, muli akong humarap doon.

Napanguso ako nang maabutan na dumating pala si Blake kasama si Margaux, nakasunod sa kanila ang teammates ni Blake sa basketball.

Nag-iwas ako ng tingin nang biglang akbayan ni Blare si Margaux, mabuti na lamang ay mabilis na inalis iyon ni Blake.

Lalo akong nakaramdam ng hiya sa sarili ko habang pinagmamasdan ko si Margaux-- ang babaeng gusto raw ni Blare. Walang-wala talaga ako kung pagtatabihin kami.

She's gorgeous and her body? to die for! Sino lang ba ako kumpara sa kanya? Para akong nananaginip ng gising sa tuwing iniisip ko na may pag-asa ako kay Blare.

Bulag na lang siya kung mapapansin pa niya ako kung katulad ni Margaux ang nasa harapan niya.

"Alam mo.." napakurap ako nang biglang nilapit ni Rika ang bibig sa tainga ko para bumulong.

"Ano?" maikli kong tanong, pinipilit kong alisin ang tingin kay Blare.

"Mukhang malandi si Margaux, noh?" mahina ngunit mapanghusga na saad ni Rika.

Kumunot ang noo ko. "Huh? Parang hindi naman, Riks."

Umikot ang itim ng mga mata niya at ngumuso sa harapan namin. Ngumiwi pa siya habang nakatingin kay Margaux na ngayon ay nakaupo na sa gitna ni Blake at Blare.

"Bulag ka ba, Van? Tingnan mo nga, pareho niyang nilalandi yung magkapatid," irap niya.

Pinagmasdan ko muli ang mga taong nasa harap namin, wala namang ginagawa si Margaux. In fact, si Blake at Blare ang kanina pa kumukulit sa kanya.

"Sure ako, kung hindi taken si Blade ay malamang pati 'yon nilandi niya rin," nanguuyam niyang saad.

"Hindi naman siguro, Riks. She looks like a decent woman to me," mahina kong sabi.

Ngumisi si Rika at tinaasan ako ng kilay. "Ano'ng alam mo sa ganyang klaseng babae? E, wala ka namang ibang naging kaibigan bukod sa 'kin."

Muli akong natahimik dahil sa sinabi niya. Oo nga naman, wala akong ibang naging kaibigan habang lumalaki dahil sakitin ako noon pa man, lagi akong absent sa school at hindi pwedeng makipaglaro dahil mahina ang katawan ko.

Eurika is my only friend since senior high school. She approached me and made me her friend, simula noon ay hindi na ako lumayo sa kanya dahil takot akong maging mag-isa ulit kaya kahit na hindi ko gusto ang ugali ni Rika minsan ay tinitiis ko na lang.

"Is he looking at me?" Rika shrieks, pati ako ay nagulat sa tili niya, namumula pa ang mukha niya habang nakatingin sa harapan. 

Lumabi ako at sinundan ng tingin ang tinitingnan niya, napasinghap ako nang makasalubong ko ang berdeng mga mata ni Blare.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon