Finally found you.
"Guys, wala na ba talagang may balak sumali sa music club?" Iwinagayway ni Rika ang papel kung saan nakasulat ang mga pangalan ng nagpalista sa music club.
"Wala na, h'wag mo nang ipilit, Riks. Sa ibang department ka na lang mag-ikot, walang interest ang nursing dept sa club niyo," ani ng isa naming block mate.
Bagsak ang balikat na umupo sa tabi ko si Rika, sinipa pa niya ang upuan sa harapan niya.
"Kung kailan naman kasi malapit na ang University Meet, doon pa umalis ang mga members." Nakasimangot na dumukdok si Rika sa desk niya, lumabi lang ako at tahimik na kinuha ang listahan ng members na hawak niya.
Si Rika ang nag-iisa kong kaibigan sa Campus, president siya ng music club dahil magaling siya sa sa halos lahat ng musical instruments maliban sa piano.
"Tatlo lang ang nagpalista?" Napangiwi ako dahil mas marami pa ang umalis kaysa sa sumali, wala naman kasing masyadong mahilig sa music dahil mas napapagtuunan ng pansin ang sports.
Karamihan pa naman sa Nursing Department ay mga babae, sa ballet, cheerleading, volleyball or pageantry sila naka-focus, kami lang ni Riks ang kasali sa music club.
"Oo! Kapag hindi ko nakuha ang quota, baka isara na 'yong music club!" Hinampas niya ng dalawang beses ang noo sa desk, ako yata ang nasaktan para sa kanya dahil mukhang malakas ang naging hampas, halatang problemado na siya dahil wala pa sa bente ang members.
"Mga hitad kasi 'yong ibang members! Aba noong nalaman na hindi na pwedeng sumali sa music club ang Bullets, bigla na lang umalis! Nakakaasar!" Sinabunutan na niya ang sarili.
Naaawa ko siyang tiningnan, pinaglaruan ko na lamang ang magulo niyang buhok dahil wala naman akong magagawa.
Noong nasa music club pa ang banda nila Blare ay sobrang daming babae ang gustong sumali sa club kahit na wala naman silang alam tugtugin na kahit na anong instruments, ang iba ay hindi rin magaling kumanta.
Talagang sumali lang sila para laging masilayan ang King Bullets, ang kaso ay nagsimula nang makatanggap ng mga gigs ang banda kaya hindi na sila active sa club, nakarating 'yon sa head principal kaya nagpasya ito na h'wag nang isali sa club ang banda para raw makapag-focus na lang sila sa practice.
Kaya ang ending ay umalis halos lahat ng miyembro, mula sa dating fifty members ay naging sixteen na lang ito kaya naghahanap kami ulit ng members ni Rika, ang kaso ay tatlo lang ang interesado.
"Maghanap na lang tayo sa ibang department, Riks. Try natin sa ibang year, malay mo may iba pa pala na gustong sumali."
Nagsimula na akong tumayo, inayos ko na ang gamit ko para lumabas, anong oras na rin kasi at nakaramdam na ako ng gutom.
"Rika, tara na." Pasimple kong ibinagsak sa ulo niya ang hawak kong libro dahil nanatili lang siyang nakasubsob sa desk.
Inangat niya ang mukha sa akin at naiinis na tumayo na rin, sabay na kaming lumabas ng classroom patungo sa cafeteria.
"Ang hirap naman kasi rito sa nursing dept, ang layo natin sa canteen!" Lalong humaba ang labi niya, natawa na lang ako at sumang-ayon, totoo naman kasi dahil kailangan pa namin daanan ang gym at Law Department bago kami makarating sa canteen.
"Uy ang ganda talaga ni Margaux, oh!" Nilingon ko ang tinuturo niya, naabutan ko na itinataas sa ere si Margaux, nasa tapat ng gym ang cheerleading team kung saan leader ito.
"Alam mo ba," napangisi ako nang sabihin niya 'yon, halata kasi na may chismis na naman siyang nasagap, may pagka-chismosa kasi ang isang 'to!
"Ano?" Inilapit pa niya ang mukha sa akin para bumulong. "Pinag-aawayan daw ni Blake at Blare 'yang si Margaux ah," Aaniya, para naman akong nanlumo sa narinig ko.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)