Chapter 37

150K 5.2K 7.2K
                                    

He's married

I can feel the awkward tension between me and the Reiflers. Halos pigilan ko ang paghinga ko habang magkaharap kaming nakaupo sa sofa sa may sala.

The silence was so loud to the point that I can even hear my own heart beat. I am both nervous and anxious. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman nila ngayon lalo na nang malaman nilang tatlong taon kong itinago ang tungkol sa apo nila.

"He is Blare's son indeed," binasag ni Mama Amanda ang katahimikan, ang mga mata ay nakatuon pa rin sa scrap book kung nasaan ang mga pictures ni Wrangler mula noong pinanganak siya. Ito ang unang bagay na hinanap niya sa akin.

Mama Amanda wiped her tears while staring at Wrangler's baby photos. "Do not dare to deny it, Vanny. Hindi na kailangan ng DNA Test para malaman kung sino ang ama ng bata."

Nag-iwas ako ng tingin at bahagyang napayuko dahil sa sinabi niya. Wala naman akong balak na itanggi kung sino ang ama ni Wrangler dahil alam ko naman na wala na akong kawala sa kanila. Huling-huli na nila ako at malinaw na malinaw na isang Reifler ang anak ko.

"He's a Reifler and he deserves to be known as a Reifler." Kinilabutan ako sa kaseryosohan ng boses ni Tito Blaze kaya napaangat muli ang tingin ko sa kanilang mag-asawa.

Sinalubong ako ng seryoso at berde niyang mga mata. "Hija, kung ayaw mong ipaalam kay Blare, edi siya ang taguan mo ng anak pero hayaan mo kaming makilala ang apo namin. I'll do anything to give my grandson the world if he would for ask it."

Kahit na natatakot at kinakabahan ako sa kaseryosohan ng boses niya ay lumambot naman ang puso ko dahil sa narinig, ibig sabihin ay mahal na nila kaagad si Wrangler at gusto nilang ibigay ang lahat para sa anak ko.

The thought of it makes my heart calm. They accepted my son and willing to give him everything in an instant, hindi man lang sila nagtanong o nagdalawang isip, hindi man lang sila nagalit sa akin o nagtampo... Sa halip ay gusto lang nilang makasama at makilala ng mabuti si Wrangler.

"Blaze, you're scaring my Vanny!" Nanlaki ang mga mata ko nang biglang kurutin ni Mama Amanda ang tagiliran ng asawa niya.

"Aray, masakit yun, mahal!" Nagrereklamong saad ni Tito Blaze habang hinihimas ang tagiliran na kinurot ng misis niya.

"Kasalanan mo 'to e, kung hindi nagmana sa 'yo ang mga anak mo edi sana ay kasama ko lagi ang MVD ko," umirap si Mama Amanda at sumimangot.

She still looks young and elegant despite her age, angat na angat pa rin ang kagandahan niya kahit na nakasimangot siya, katulad ngayon.

"MVD?" Nakakunot ang noo na tanong ni Tito Blaze na para bang litong-lito. Bahagya siyang lumapit sa asawa at hinawakan ang beywang nito.

Sa halip na sagutin si Tito Blaze ay ako ang binalingan ng tingin ni Mama Amanda at nginitian ng matamis. "MVD stands for my Margaux, Vanessa and Donna."

Tito Blaze shrugged. "Pwede mo naman makasama ang MVD mo kahit ano'ng relasyon nila sa mga anak mo. Don't worry about the triplets, hindi naman sila relevant."

Napakurap ako at hindi alam ang magiging reaksyon sa usapan ng mag-asawa, kung maririnig lang siguro ni Blare ngayon kung paano sila pag-usapan ng mga magulang ay tiyak na magiging katulad siya ni Wrangler kapag nakasumpong ito.

Magkasalubong ang kilay na muling hinarap ni Mama Amanda ang asawa. "I know but I still want them to be my daughter-in-laws, ayaw ko sa iba. Ikaw kasi e! Bakit ba kasi sa 'yo nagmana 'yang mga anak mo!"

Lumambot ang puso ko sa sinabi ni Mama Amanda. Ang saya talaga sa pakiramdam kapag naririnig ko kung gaano niya kami kagusto para sa mga anak niya kahit na alam kong malabo na ang mayroon sa amin ni Blare.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon