Chapter 1

361K 5.4K 1.9K
                                    

VANESSA ATHENA

"Kamukha mo si Paraluman
No'ng tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-boogie man o cha-cha"

Titig na titig ako sa malaking stage sa gitna kung saan kumakanta ang vocalist ng bandang Kings Bullet na si Blare.

Maingay sa loob ng auditorium kung saan sila tumutugtog, malalakas ang tilian ng mga babaeng nandito. Ang ilan ay may hawak pang mga banners at lobo na parang may concert na nagaganap.

Kahit gaano kaingay ang paligid ay nangigibabaw pa rin ang boses ni Blare. He has this fierce look on his face while singing, he's emotionless but I can feel his green captivating eyes digging up through my soul.

"Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig-balahibo"

Napasinghap ako nang dumako ang berde nitong mga mata sa gawi ko, hindi ako makapaniwala na nakatingin siya ngayon sa akin, hindi rin nagtagal ay itinuon na ni Blare ang atensyon sa hawak na gitara.

Lalong lumakas ang tilian ng mga babae sa gilid ko at ang iba naman ay halos magwala na sa kilig.

"Pagkagaling sa 'skuwela ay
Didiretso na sa inyo
At buong maghapon ay
Tinuturuan mo ako"

"Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay"

Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko nang makita ko ang pagpikit nang mata ni Blare habang dinadama ang pagkanta.

The thing that makes Blare more attractive is his talent and passion about singing, ang boses niya ay parang boses ng anghel, dinaig pa niya ang ganda ng boses ng mga sikat na celebrity ngayon.

"Naninigas ang aking katawan
'Pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng bewang mo
At pungay ng 'yong mga mata"

"Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay
At dahan-dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso, ooh"

Kinagat niya ang mapulang mga labi pagkabigkas sa lyrics ng kanta. Ang kaninang maingay na paligid ay lalong dumagundong, hindi na maawat ang kilig at pagwawala ng fangirls ng Kings Bullet.

Sila ang pinakasikat na banda sa buong University namin at naniniwala ako na balang araw ay sisikat ang mga ito.

They are talented, good-looking and came from wealthy families, sigurado ako na uusbong ang karera nila sa larangan ng musika.

Ang Kings Bullet ay ang pride ng fraternity nila na Alpha Kings Bullet sa pagkanta.

"Lumipas ang maraming taon
'Di na tayo nagkita
Balita ko'y may anak ka na
Ngunit walang asawa"

"Tagahugas ka raw
Ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi'y nasagasaan
Sa isang madilim na eskinita, ha"

Hindi na mapigil ng mga guwardya ang nagwawalang mga kababaihan nang ang kumanta ng verse ay ang drummer na si France. He's Blare's cousin na katulad ng triplets ay berde rin ang mga mata, malamig ang boses nito at nakaka-relax sa pandinig.

"Lahat ng pangarap ko'y
Bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw"

"Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay"

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon