He’s back
I stood there frozen for a moment, in front of my cousin and the man who’s claiming to be my husband. I shut my eyes and took a deep breath, wishing my beating heart would slow. I am full of confusion but I tried to regain myself. I used every ounce of my remaining strength to look at him straight in his green eyes.
“I don’t have a husband. I am no one’s wife.”
I turned away and left them there. Then, I ran away as far as I could with a lot of unanswered questions in my mind. I am confused, I feel betrayed. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon. I am both shocked and mad. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba si Blare. May parte sa aking hindi naniniwala pero naguguluhan, ang isang parte naman ay naniniwala nga pero galit naman.
If what he said is the truth, then why? Why did he have to do that? Why did he marry me without my consent? Why did he hide it and made me believe that Vega was his wife?
Magulong-magulo ang isipan ko pati ang nararamdaman ko. Galit ako kay Blare, masama ang loob ko kay Vega, at gusto ko ring magalit kay Papa kahit na malungkot ako sa kalagayan niya.
Why is it so easy for the people I love to hurt me like this?
Kahit na magulo ang isipan ko ay nangibabaw pa rin sa akin ang malamlam at nagmamakaawang boses ni Blare.
“Van, let me clarify everything to help you understand. So please, listen to me.” I can still hear his hoarse voice in a distance.
Napahinto ako sandali sa pagtakbo at nagluluha ang mga matang nilingon ko siya. Ilang hakbang na lang ang pagitan naming. Sinalubong ako ng berde niyang mga mata na nangungusap habang nakatingin sa akin.
I’ve seen those pleading eyes before and it never failed to make me weak.
Hindi ako agad nakagalaw. Gusto kong lumayo pero para akong hinahatak palapit kay Blare. Tumulo ang luha sa mga mata ko habang pinapanood siyang humakbang palapit sa akin.
I am not ready to hear his side. Pakiramdam ko ay mas maguguluhan ako kapag narinig ko ang mga paliwanag niya.
“Vanessa . . .” Itinaas niya ang kamay upang hawakan ang braso ko nang makalapit siya sa akin ngunit naudlot iyon dahil sa nagtatakbuhang mga babae na pumagitna sa amin.
Mabilis akong napalayo kay Blare dahil naitulak ako ng nagtitiliang mga kababaihan. Pinalibutan siya ng mga ito habang isinisigaw ang pangalan niya.
Unti-unti na akong tumalikod at humakbang palayo kay Blare. May parte sa akin ang umaasang hahabulin niya ako, may parte sa akin na gustong makausap siya pero mas pinili ko na lang na lumayo dahil sa tingin ko ay ito ang makakabuti sa amin ngayon. Sinilip ko ang kinaroroonan niya sa huling pagkakataon kahit na hindi na siya natatanaw pa ng mga mata ko dahil pinagkaguluhan na siya ng mga fangirls niya. Mas makakabuti sa aming dalawa ang hindi muna mag-usap pagkatapos ng mga nalaman ko. I will give myself time so I can think about everything that I’ve heard just now. I’ll let it sink into me slowly.
Mabilis akong umuwi sa Pilipinas. Hindi na ako nakapagpaalam kay Papa dahil mas pinili ko na lang na makasamang muli ang anak ko. I can no longer stay in New York knowing that I’ll see Blare and Vega again in that place.
Malaki ang ngiti ni Wrangler nang salubungin ako. Suot na niya ang pares ng dinosaur na pajama at halatang matutulog na siya pero hinintay niya akong makauwi.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)