Chapter 32

128K 3.6K 2.8K
                                    

Rejection

My heart felt like it stopped when I found that my baby's heartbeat had ended. While life must continue on, I lost the single thing keeping me from giving up.

Dalawang linggo na simula nang makalabas ako sa hospital at dalawang linggo na rin akong nananatili sa loob ng apartment ni Vega dito sa Las Vegas. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang magkulong sa kuwarto at magsulat ng mga bagay na gusto kong sabihin para sa anak ko.

Ang dami, ang dami ko pang gustong sabihin sa kanya, ang dami kong gustong ituro at iparanas sa anak ko pero napakabilis naman siyang binawi sa akin. Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na makita ang mga mata niya, mabuhat siya at marinig ang iyak niya.

Huminga ako ng malalim at itinabi ang notebook kung saan nakasulat ang mga gusto kong sabihin sa baby ko. Sakto naman na bumukas ang pintuan at sumilip mula roon si Vega.

"Van, pupunta ako sa supermarket, may ipapabili ka?" tanong niya at tuluyan nang pumasok sa loob ng kuwarto ko at nagsimula ng ligpitin ang mga gamit na hindi ko man lang magawang ayusin.

"Wala, ingat ka," matamlay kong sagot na dahilan kung bakit huminto siya sa ginagawang pag-aayos at lumapit sa akin.

Tinabihan ako ni Vega at umupo siya sa gilid ng kama. "May masakit pa ba sa 'yo, Van?" Inilapat pa niya ang likod ng palad sa noo ko.

Umiling ako at nginitian siya ng tipid. "Walang masakit, malungkot lang ako, mas malala 'yon 'di ba? Pero bakit walang gamot sa lungkot?" halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses dahil rinig ko ang sakit mula sa bawat salitang binibitawan ko.

"Vanessa," tinapunan ako ni Vega ng tingin na puno ng awa at simpatya bago niya ako niyakap. Kumalas lamang siya sa akin nang biglang tumikhim ang kadarating lang na si Axcel.

"How are you, Vanny?" Naglakad siya palapit sa akin dala ang paper bags na sigurado akong mga vitamins at supplements ang laman.

"Ayos lang," I told him. "Akala ko ba kasama ka sa medical mission ngayon?"

Axcel shrugged and sit on the other side of my bed. Inilabas niya ang laman ng paper bags at tama nga ako, mga vitamins at supplements iyon para mabawasan ang stress ko dahil ayon sa doctor, excessive stress ang dahilan kung bakit ako nakunan.

"Hindi na ako tumuloy lalo na at alam kong hindi titigil ang lalaking 'yon hanggang hindi mo siya kinakausap," halata ang iritasyon sa boses ni Axcel habang tinutukoy si Blare.

Sa loob ng dalawang linggo na 'yon ay hindi tumitigil si Blare sa pagmamakaawa sa akin na pakinggan ko siya at kausapin, hindi ko alam kung paano niya nalaman kung nasaan ako at kung sino ang nagsabi sa kanya na nananatili ako ngayon dito sa Las Vegas kasama si Vega pero wala na akong pakialam.

"Nasa labas na naman ba siya?" Tanong ni Vega, tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at sumilip sa bintana ng kuwarto ko.

Sa loob ng dalawang linggo na iyon ay laging nasa labas ng condo si Blare, nakamasid siya sa bintana ng kuwarto kung nasaan ako na para bang binabantayan niya ako.

Ayaw ko pang makita siya o marinig ang kahit ano sa mga rason niya kaya hindi ko siya hinaharap, nagpapasalamat na lang talaga ako na hindi siya naging mapilit at hindi niya ipinilit ang sarili sa akin, nirespeto niya ang desisyon kong huwag siyang kausapin at nakuntento na lamang siya sa pagtingin sa akin sa mula sa labas.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon