Chapter 35

162K 5.3K 4.7K
                                    

He's a Reifler

"Mommy, love kita pero hate muna kita today." Nakakunot ang noo kong nilingon si Wrangler na naka-upo sa sahig habang nagsusulat sa tapat ng maliit niyang dinosaur table.

"Hate is a strong word, little guy," inalis ko ang suot na reading glasses at isinara ang laptop sa harapan ko para pagtuunan ng pansin ang anak ko.

"Eh, kasi naman mommy, ang haba ng name ko!" Itinaas niya ang tatlong maliliit na mga daliri. "Bakit po kasi  three yung names ko?"

Napailing ako nang marinig ang nagrereklamo niyang boses. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig at lumapit sa akin.

Itinaas niya ang dinosaur na notebook at ipinakita sa akin ang pangalan niyang nakasulat sa doon. Blair Wrangler Valerio Z. Martin.

Pinagamit ko sa kanya ang apelyido ko dahil hindi niya puwedeng gamitin ang Reifler, his father's surname is rare and only powerful people have it, masyadong mahahalata ng ibang tao kung gagamitin niya ang apelyido ni Blare lalo na at kamukhang-kamukha niya ang ama.

"Mommy oh, hindi na kasya sa paper ko eh! Haba naman kasi ng name ko, pwede naman pogi na lang name ko!"

Imbis na mainis dahil sa kakulitan ay napatawa na lang ako sa sinabi ni Wrangler, Napasimangot naman siya noong nakita akong tumawa. "Oh, bakit ka po tumatawa? Nipagtatawanan mo po ba 'ko? Ha, mommy ko? Totoo naman na pogi ako ah, sabi nga po ni Nay Mildred, kamukha ko si Blare Reifler!"

Nawala ang ngiti ko sa labi nang banggitin niya ang pangalan ng ama pero hindi ko pinahalata 'yon sa anak ko. Hindi agad ako nakapagsalita kahit na matagal ko nang hinanda ang sarili ko sa ganitong pagkakataon.

"Ay hala, mommy! Same name din pala kami? But I'm Blair with an 'I' and he's Blare with an 'E', wow!" mas lalo akong napatahimik habang pinagmamasdan siyang namamangha. Bigla akong natakot sa isiping darating ang araw na matutuklasan niya ang tungkol sa ama.  

Hinila ko si Wrangler at pinaupo sa kandungan ko, sinubukan kong ibahin ang topic dahil baka maisip niya ang dahilan kung bakit pareho sila ng pangalan. "Ano naman ang sagot mo kay Nanay Mildred noong sinabi niya na kamukha mo yung singer?"

Hinarap ako ni Wrangler at nagyayabang na ngumisi kaya lumabas ang malalim niyang dimples  sa pisngi. "Sabi ko po, mas pogi ako dun! May dimples po ako eh, yung singer na 'yun wala naman."

Naailing na ginulo ko ang buhok niya. Paano ko ba makakalimutan si Blare kung bukod sa nagkalat ang mukha niya sa TV at internet ay nanganak ako sa batang kamukhang-kamukha niya.

Wrangler is his father's mini version. Parang bumalik lang sa pagkabata si Blare dahil mula sa pagsasalita, paglalakad, pagtawa, pagkunot ng noo, pag-ngisi at halos lahat ay magkatulad silang dalawa.

Pagsusulatin ko na sanang muli si Wrangler pero biglang tumunog ang doorbell namin, ibinaba ko muna siya para buksan ang pintuan pero bigla niya akong pinigilan. "Sino po ba 'yan, mommy? Baka si bulldog na naman 'yan ah?!"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Alam na alam ko na kung sino ang tinutukoy niya dahil isang tao lang naman ang tinatawag niyang Bulldog.  "Wrangler! That's Tito Lucas for you," tukoy ko sa anak ni Governor Sebastian.

Kaibigan ko si Lucas dahil siya ang naging engineer ng apartment na pinatayo ko, galing siya rito kahapon para kumustahin kami ng anak ko at bigyan ng pasalubong si Wrangler dahil kakauwi lang niya galing Dubai pero itong si Wrangler ay ayaw sa lalaki kahit na mabait naman ito sa kanya. Bulldog pa nga ang tawag niya kay Lucas at hindi ko alam kung bakit.

Inirapan ako ni Wrangler. "Kahit sino pa po siya, mommy! Ayaw ko!" Napailing na lang ako at hindi pinansin ang bigla niyang pagsumpong. Ayaw naman kasi talaga ng batang ito na may ibang lalaking lumalapit sa akin noon pa man.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon