Vega's son
"My baby is Russel's son."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Bakas ang gulat sa mukha ko dahil sa sinabi ni Vega. Hindi ko kailanman naisip na mayroong namagitan sa dalawa. Vega and Russ? Hindi ko lubos maisip na si Russ ng three idiots ay magkakaroon ng anak kay Vega kaya mas lalo akong hindi makapaniwala pero hindi na rin pumasok sa isipan ko na manghimasok sa nangyari sa kanila.
"Bakit mo sa akin sinasabi iyan?" I asked her. Hindi ako naniniwala na nagpunta siya rito para lang sabihin sa akin kung sino talaga ang ama ng anak niya.
"Alam kong nagmukhang niloloko ka lang namin ni Blare noong marinig mo na ako ang asawa niya pero maniwala ka, wala siyang kasalanan, Van," dagdag pa niya dahilan kaya napailing ako.
"Did you just come here to explain on behalf of him?" Sarcasm is evident in my tone.
Vega shook her head. "Hindi niya alam na sasabihin ko ito sa iyo pero hindi ko na kayang makita kang walang alam sa mga nangyari. Sinabi lang ni Blare na ako ang asawa niya dahil nakiusap ako sa kanya na sabihin iyon sa harapan ni Russ . . . dahil gusto kong malaman ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang totoo ang sinabi ko na magpapakasal ako sa iba kapag hindi niya pinanagutan ang baby naming dalawa. Hindi ko intensyon na ikaw ang makarinig."
Nagsalubong ang mga kilay ko at inalala ang mga panahong nasa beach kami at nadurog ang puso ko nang marinig mula kay Blare na si Vega ang asawa niya. Mas lalong nadagdagan ang mga tanong sa isipan ko. "At bakit naman sa lahat ng lalaki ay si Blare pa ang pinagpanggap mong asawa mo?" Iyon ang pinakagumugulo sa isipan ko.
"Because he knows what happened between me and Russ. At isa pa ay may utang na loob siya sa akin kaya hindi siya nakatanggi nang humingi ako ng pabor sa kanya," dugtong pa ni Vega. "Ako ang hiningan niya ng pabor na mag-enroll sa iyo para hindi mo malaman na kailangan ng marriage certificate sa mga requirements mo dahil ayaw pa niyang ipaalam sa iyo na kasal kayo."
I sarcastically laughed. "Ibig sabihin ay pinagtulungan ninyo nga ako? I am your cousin. Hindi ba dapat mas naging tapat ka sa akin at hindi ka nakipagsabwatan sa kanya?" Bakas ang sama ng loob sa boses ko.
"I'm sorry, Van. Patawarin mo ako pero mas inisip ko na mas makakabuti sa iyo na hindi muna malaman ang bagay na iyon dahil alam kong magugulo na naman ang tahimik na buhay na matagal mo nang pinangarap. I just want to keep you from hurting, Van," mahinang saad ni Vega habang nakahawak sa maumbok niyang tiyan.
I looked at her and laughed sarcastically. "You want to keep me from hurting by keeping me from the dark? You fooled me! Pwede mong sabihin sa akin pero mas pinili mong pagmukhain akong tanga."
"Natakot akong sabihin sa iyo . . . I was afraid that it will ruin the peaceful life that you have created with Wrangler. Iyon din ang ayaw mangyari ni Blare. Ayaw niyang maging magulo ang buhay ng mag-ina niya kapag nagpakita pa siya pero hindi na niya kinaya na maging malayo sa inyo. He risked everything just to be with you and his son."
Nginisian ko si Vega. "Stop explaining his side. Stop defending him because you're not his lawyer. Hindi pa rin sapat ang lahat ng paliwanag mo para mapalitan lahat ng sakit na pinagdaanan ko dahil sa panloloko ninyo sa akin. Pinagmukha ninyo akong tanga. You deceived me."
Tumayo na ako at tinungo ang pintuan. Binuksan ko iyon at itinuro ang daan palabas. "You can leave now."
"Pero Vanessa, I have so much to say," she said. I can sense desperation on her voice. "Please, Van? Just listen to me. I'm begging you . . ."
Nagmamakaawa na ang itsura ni Vega. Maging ang tono ng boses niya ay halatang desperado na pero ayaw ko talagang makarinig pa ng kahit ano tungkol kay Blare lalo na kung kay Vega naman manggagaling. She doesn't need to explain for him. Kung gusto ni Blare magpaliwanag pwes, desisyon niya iyon at mas gusto ko iyong marinig mula mismo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)