Bakit siya?
"Mommy! Uuwi na 'ko! Ayaw ko na dito! Hate ko na si Grandadi!" Wrangler's frowning face welcomed me as soon as I answered the video call.
"Good morning, anak. Ang aga pa, nakasimangot ka na," natatawa kong saad habang pinagmamasdan ang lukot niyang mukha mula sa screen ng phone ko.
"Walang good sa morning ko, mommy! Sundo mo na ako! Uwi na tayo!" Magkasalubong ang mga kilay niya nang sabihin 'yon.
Napailing ako at tumikhim. "Bakit? What's your problem? Akala ko ba nag-e-enjoy ka kasama ang grandparents mo?" Lumabi siya at lalong nalukot ang mukha.
"Eh, mommy! Si grandadi ko po kasi, nisabi niya bibili niya ako ng many dinosaur toys pero si Barney naman nibili niya!" Halata ang sama ng loob sa mukha niya nang sabihin iyon gamit ang nagsusumbong na tono.
My brows creased. "Barney?"
Wrangler rolled his green eyes. "Yes! The purple annoying dinosaur!"
Pinigilan ko ang matawa dahil alam kong mas lalakas lang ang toyo niya kapag nakitang pinagtatawanan ko siya. Mainitin kasi ang ulo nitong si Wrangler, ang bata pa pero parang laging galit. Konti na lang ay maniniwala na akong pinaglihi ko siya sa sama ng loob.
"Barney is still a dinosaur, be thankful na lang kasi binili ka ng grandadi mo, hindi lahat ng bata, nabibigyan ng toys." I told him.
Wrangler pouted and cross his arms across his chest. "Hindi po kasi maangas si Barney, mommy! Gusto ko po maangas mga toys ko para maangas din ako!"
Napailing ako sa sinabi niya. Papagsabihan ko sana siya ngunit bigla namang tumabi sa akin si Donna. "Si Wrangler kulit ba 'yan?" She asked, sumilip na rin siya sa screen ng phone ko upang makita si Wrangler.
"Oo," ibinigay ko sa kanya ang phone ko, "Kausapin mo, wala sa mood."
"Tita Ninang pretty!" Napailing ako nang biglang sumaya ang boses ng batang makulit. Kanina ay nagagalit siya pero noong makita ang Tita Ninang pretty niya ay sumigla bigla ang boses.
"Wrangler! Ano'ng problem ng baby namin? Bakit wala ka raw sa mood sabi ni mommy mo?" Donna sweetly said.
"Nevermind po!" He chuckled like he is the happiest kid. "Nasa mood na po ako kasi nakita na po kita."
Nilingon ako ni Donna at sabay kaming napatawa dahil sa banat ni Wrangler. "Reifler nga 'to, ibang klase bumanat e."
Sumilip ako sa screen ng phone para mapanood si Wrangler habang kausap si Donna. Malaki ang ngiti ng bata kaya litaw ang bungi niya.
"Tita Ninang pretty ko, mahaba po ba pasensya mo?" Nakangusong tanong ni Wrangler.
Donna nodded. "Yes po, bakit mo tinatanong?"
Wrangler giggled. "Pwede po ba wait mo akong lumaki? Freeze mo po muna age mo tapos wait mo po ako maging adult para po pwede kitang i-marry!"
Napasinghap ako sa sinabi ng anak ko. "Wrangler! Ang bata mo pa, saan mo ba natututunan 'yan?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
Donna laughed loudly. Tuwang-tuwa siya sa kalokohan ng inaanak niya. "Sure, I'll freeze my age and wait for you until you grow up." Aniya at sinakyan ang trip ni Wrangler.
"Yehey!" Bakas ang saya sa boses ng bata kaya pati kami ay napatawa na rin.
Sinilip ko ang wall clock, maaga pa pala kaya nakakaramdam pa ako ng antok, nagising lang naman ako dahil tumatawag ang batang makulit. Ilang minuto pa kami nag-usap ni Wrangler bago niya pinatay ang tawag dahil papakainin siya ni Mama Amanda.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)