Stop looking for her.
"Kuya Vicencio, dalaga na 'yang si Vanessa. Siguraduhin mong hindi siya magiging katulad ng nanay niyang kabit."
Halos mabitawan ko ang hawak kong tray na may lamang mga merienda para sa kanila dahil sa narinig ko. Mabilis na naipon ang luha sa mga mata ko dahil sa sinabi ng kapatid ni Papa.
Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang umuwi si Valerie. Noong isang araw ay umuwi na rin si Papa kasama ang asawa niya na si Tita Cielo.
Kahapon pa kami umuwi rito sa Laguna sa bahay ng Lola ko, ang ina ni Papa dahil dito gustong ganapin ni Valerie ang birthday niya.
"Vera! Veron!" Napatalon ako sa gulat nang biglang sumigaw si Lola mula sa likuran ko, nakataas ang manipis niyang mga kilay habang nakatingin sa mga anak.
"Mama!" magkasabay na saad ng mga tiyahin ko. Kapwa sila nag-iwas ng tingin nang mapansin na malapit lang pala ako sa kinatatayuan nila.
"How dare you to bad mouth Amora inside my house!" tukoy ni Lola sa Mama ko, galit ang tono ng boses niya nang sabihin 'yon.
My Lola loves my Mama so much, ayon kay Papa ay botong-boto raw ang Lola kay Mama noon pa man pero wala silang nagawa nang magdesisyon ang Lolo ko na manirahan ang pamilya nila sa New York.
Sumimangot si Tita Vera. "We're not bad mouthing your favorite--" nilingon ako nito at bahagyang ngumiwi, "mistress."
Sinulyapan ko si Papa, nananahimik lamang siya at katulad ng dati ay wala man lang siyang sinabi o ginawa para ipagtanggol ang imahe ng patay kong ina.
"We're just concerned about Vanessa, Mama," sumingit si Tita Veron. "Alam mo na, ahas ang ina niya kaya hindi malabong maging ahas din siya."
Hindi ko na napigilan ang paglandas ng mga luha ko. Kinagat ko ang sarili kong labi at pinakatitigan si Papa, nanghihingi ako ng tulong sa kanya sa pamamagitan ng mga titig ko. Gusto kong ipagtanggol naman niya si Mama sa harapan ng mga kapatid niya kahit minsan lang.
Sa halip na saluhin ang tingin ko ay nag-iwas lamang ng tingin si Papa na para bang sinasadya niyang maging bulag sa paghingi ko ng tulong.
"Shut your mouth!" bulyaw ni Lola. "Stop insulting Amora! Leave the dead woman alone."
Natahimik ang mga tiyahin ko. Nilingon ako ni Lola at marahan niya akong hinawakan sa braso. Pasimple kong pinunasan ang mga luha na naglandas sa mga pisngi ko.
Iginiya ako ni Lola papasok sa loob ng bahay, inalalayan ko siya na maka-upo sa sofa bago ako tumabi sa kanya. I leaned my head on her shoulders and let out my tears.
"Ang apo ko," she whispered in my ear using her sympathizing sweet voice.
"Lola," I sobbed. "Lola, hindi ko na naman naipagtanggol si Mama, ang hina ko."
Hinawakan ko ang sarili kong dibdib, naninikip na naman ito dahil sa sama ng loob. Sa tuwing nagkikita kami ng mga tiyahin ko ay lagi nilang iniinsulto si Mama sa harapan ko na para bang pinapamukha nila sa akin na anak ako ng isang kabit.
"Vanessa, apo," tawag niya. Hinawakan ni Lola ang basa kong pisngi at marahan niya itong hinimas. Napapikit na lamang ako at dinama ang init ng palad niya.
"Lola... iniinsulto nila si Mama," parang bata akong nagsusumbong habang umiiyak.
"Apo, do not let their words break you. Of course they will hate your mother because they are Cielo's friends," aniya.
Si Tita Vera at Tita Veron ay mga kaibigan ng asawa ni Papa kaya ganoon na lamang ang galit nila kay Mama nang malaman nilang naging kabit ito ng kapatid nila.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)