When in Batangas
Napuno ng mamahaling mga sports car na pagmamay-ari ng mga bullets ang parking area ng beach resort, akala ko ay wala kaming paparadahan ngunit may naka-reserve palang puwesto para sa sasakyan ni Blare.
Siya ang nagbuhat ng mga gamit namin, gusto ko sanang tumulong pero ayaw naman niya akong pagbuhatin kahit maliit na bag kaya hinayaan ko na lamang siya.
Mahigit dalawang oras din ang naging biyahe at kaming dalawa lang ang nasa asakyan niya, marami akong gustong itanong at linawin ngunit hindi ko naman nagawa dahil ang isip ko ay lumilipad pa rin sa kalagayan ni Valerie.
Pinilit kong alisin sa isipan ko ang kapatid ko dahil gusto kong mag-enjoy sa araw na 'to tulad ng gusto ni Papa.
Sumunod lamang ako kay Blare at pinanood ang matipuno niyang likuran, likod pa lang ay guwapo na-- lalo na kapag humarap pa siya.
Binagalan ko ang lakad upang hindi mahalata na ako ang kasama niya nang mapansin ko na may iilang mga babae ang naglalangoy sa dagat at sinusundan siya ng tingin.
He's only wearing a white plain polo and black broad beach shorts but he still managed to get everyone's attention. Not to mention his towering height and white complexion that glows when kissed by the sun.
He's way out of my league, sino lang ba kasi ako para sumabay sa kanya kaya nagpahuli na lang ako. It took him three steps to noticed that I slow down my phase.
Nilingon niya ako habang magkasalubong ang makakapal niyang kilay. Siguro ay nagtataka siya kung bakit hindi ko siya sinasabayan.
Inilang hakbang ni Blare ang pagitan namin, huminto siya sa harapan ko na wari ba ay naguguluhan.
"What's wrong? Bakit hindi ka sumasabay sa 'kin maglakad?" halata ang disgusto sa mukha niya.
Hindi agad ako nakasagot, paano ko ba kasi sasabihin na nahihiya akong tumabi sa kanya dahil parang hindi naman kami bagay magkasama.
"Kinahihiya mo bang kasama ako?" mahina niyang tanong, bakas sa boses niya ang tampo.
Natigilan ako at agad na umiling bilang sagot. Pasimple kong nilingon ang mga babae sa dalampasigan na nakatingin pa rin kay Blare, ngayon ay nakataas na ang kilay nila sa akin.
"Hindi sa ganoon, ano kasi-- I don't want to embarrass you... marami pa namang babaeng nakatingin sa 'yo," I honestly answered before looking down.
I heard him sighed deeply, tumama pa sa akin ang presko at amoy mint niyang hininga. Nagulat ako nang bigla niyang kuhanin ang kamay ko at ilagay iyon sa maugat niyang braso.
Nanlaki ang mga mata ko at tiningala si Blare. Bahagya niyang sinulyapan ang mga babaeng nakatingin sa kanya bago ibalik ang tingin sa akin.
"You look much better than all of them combined, walang-wala sila sa 'yo kaya h'wag mong gawing kawawa ang sarili mo... stop thinking that I'll be embarrass to be seen with you because I am proud to be with you, Vannessa."
Nalaglag ang panga ko sa mahabang litanya ni Blare, halata ang sinseridad sa boses niya, napakurap lamang ako nang hawiin niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mata ko.
"Show them the power that you have over me," he whispered before smirking.
Kinagat ko ang ibabang labi at mas hinigpitan ang hawak sa braso niya, naramdaman ko ang paglawak ng ngisi sa labi ni Blare. "That's my girl."
"Tagal n'yo, tangina. May nagpapatayan na sa tingin dito," bungad sa amin ni Bricks nang makapasok kami sa malaking resthouse kung saan kami tutuloy ng ilang araw.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)