The start of our ending.
"How's your father?" mula sa pagkakasilip sa bintana ng sasakyan ay nilingon ko si Blare.
He's looking straight on the road, ang isang kamay niya ay nakahawak sa manibela habang ang isa naman ay nakapatong sa hita ko.
"Ayos na siya... sa ngayon, but he still needs a kidney transplant," I answered him using my low voice.
Lumuwas kami sa Manila para ilipat ng hospital si Papa isang linggo pagkatapos niyang inatake ng sakit noong nasa Laguna kami. Gusto na nga sana niyang bumalik sa New York kasama ako pero hindi pa niya kayang bumyahe ng malayo dahil sa kalagayan niya ngayon.
I look outside when Blare's car suddenly stop. I look at him again when I saw the other cars stop because of the heavy traffic, hapon na rin kasi at weekends pa.
Blare faced me then play with his lower lip using his thumb, "I missed you," he whispered under his breath.
Tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Ngayon na lang ulit kami nagkita pagkatapos ng libing ni Lola dahil naging abala ako kay Papa at pinipigilan ko siya sa tuwing gusto niya akong puntahan sa Laguna dahil ayaw kong gumawa na naman ng eksena si Valerie kapag nakita siya.
I just want some peace of mind, masyado na akong napapagod sa dami ng nangyayari. Una ay ang pagkawala ni Lola, ngayon naman ay natuklasan ko na may malala palang sakit si Papa at ayaw kong dumagdag na naman si Valerie sa mga iniisip ko.
"I should visit your fathe--" I stopped him midway. Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Blare dahil alam ko naman ang gusto niyang mangyari, ilang beses na kasi niyang sinasabi sa 'kin na gusto niyang bisitahin ang Papa.
"H'wag na, you're busy so don't bother yourself," dahilan ko pero ang totoo niyan ay ayaw ko lang na magkita ulit sila ni Valerie.
He crossed our distance and gave me a peck on the lips. "I respect your father and I am worried about him. I don't want him to think that his future son-in-law is nowhere to be found when things get hard."
"He'll understand, Blare. Hindi mo na kailangan pang puntahan si Papa" --- dahil nandoon din si Val at ayaw kong magkita na naman kayo.
"But love, I want to show him that I'm a good man for you," binato ko siya nang naiinis na tingin dahil nakukulitan na ako sa kanya.
"You don't need to prove anything to my father, Blare." Pasimple kong inalis ang kamay niya na nakapatong sa hita ko.
Bigla na naman akong nairita kay Blare, noong isang araw din ay gustong-gusto ko siyang makita pero naiirita ako sa mukha niya kahit wala naman siyang ginagawa.
"Van, gusto ko lang naman dalawin ang Papa mo. Nakakahiya naman kasi kung hindi niya ako makikita sa panahon na kailangan mo ako," hindi ko na napigilan ang pag-irap.
"Valerie's there and she'll go crazy again once she sees you," I tried to hide the irritation on my voice, nainis na naman kasi ako tuwing naaalala kung paano nag-react si Valerie noong huling kita niya kay Blare.
"Edi pupunta ako kapag wala si Val--- aray!" hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil bigla kong pinitik ang tungki ng matangos niyang ilong.
Sinamaan niya ako ng tingin habang hinihimas ang namumula niyang ilong. "That hurts. Alam mo kasing hindi kita kayang saktan kaya ikaw ang nananakit."
Ngumuso ako, nakonsensya naman ako nang mapansin na sobrang pula nga ng ilong niya. "Ikaw kasi, ang kulit mo! Sinabi ko na kasing ayaw kong puntahan mo si Papa pero nagpupumilit ka pa rin."
Tinitigan niya muna ako ng matagal bago siya tumango. "Alright, if that's what you want. Sige, hindi na po ako pupunta kung ayaw mo," aniya at itinaas pa ang dalawang kamay na para bang sumusuko na sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)