Chapter 46

38.3K 1.3K 199
                                    

Safe in his arms

Gusto kong dalawin si Papa sa ospital para magpaalam na uuwi na ako sa Pilipinas pero hindi ako makalabas ng hotel dahil may iilan pa ring paparazzi ang naghihintay sa lobby ng hotel para abangan ako. Ayaw ko namang bumaba at natatakot ako na baka makita nila ako at kuhanan na naman ng mga pictures. Hindi ko na kayang makita ang mukha ko sa social media habang may mga masasamang bagay na sinasabi ang mga tao sa akin.

Gusto ko nang umuwi dahil miss na miss ko na ang anak ko at wala nang rason para manatili pa ako rito sa New York. Kaya lang naman ako nagpunta rito ay para dalawin si Papa pero nakita ko naman na siya kaya sapat na iyon. Ginawa ko na ang tungkulin ko bilang anak niya.

"Mommy ko, kailan ka po ba uuwi? Umalis ka na naman kasi e." Nakatulis ang nguso na bungad sa akin ni Wrangler nang sagutin niya ang video call.

Kahit na ano ang nararamdaman ko, napapangiti pa rin ako sa tuwing nasusulyapan ko ang anak ko. Napangiti kaagad ako nang makitang nakasuot na siya ng ternong pajama na may dinosaur na design. Bago iyon at bigay ng lolo at lola niya.

"Malapit na, Anak. May kakausapin lang si Mommy tapos uuwi na ako sa iyo." Miss na miss ko na ang anak ko kahit na may katigasan ang ulo niya ay siya lang ang nagpapasaya sa akin.

"Mommy, nasaan ka po ba kasi? Sundo na kita riyan, Mommy ko. May car naman po ako oh." Inginuso niya ang mini Jeep Wrangler na nakaparada sa sala ng apartment namin.

I chuckled. "Nasa malayo si Mommy, Anak. Kailangan mo ng airplane para masundo ako."

Tumango-tango si Wrangler at biglang nagtatakbo paalis. Hindi ko na siya nakita dahil nawala na siya sa frame ng camera.

"Mommy ko, makakapunta ba ako riyan gamit po ito?"

Namilog ang mga mata ko dahil pagbalik ng anak ko ay may dala na siyang black card. "Anak, saan galing iyan?" kaagad kong tanong.

"Kay Grandpapi po. Nisabi niya buy ko lahat ng toys and foods na want ko gamit ito. Tapos nisabi din niya na punta ko sa lahat ng place na gusto ko gamit din ito. Ang galing nga, Mommy, eh."

Nalaglag ang panga ko sa narinig pero hindi ko ipinahalata sa anak ko na nagulat ako dahil baka akalain niya ay magandang bagay ang mga sinabi niya. "Kailan niya ibinigay sa iyo iyan, Anak?"

"Kahapon, Hija. Dumalaw siya kay Wrangler bago pumasok sa trabaho. Nagulat din ako at inabot iyan kay Kulit," sumingit si Nanay Mildred sa usapan naming mag-ina. Nahagip siya ng camera na lumabas mula sa kusina.

"Bakit daw po binigyan?" Pinagawan na nila ng sariling trust fund si Wrangler, may sustento rin every week, at pinapadalhan pa ng mga vitamins, groceries, at mga damit. Hindi na kailangan ng anak ko ng card na hawak niya.

Kung tutuusin ay magiging milyonaryo na kaagad si Wrangler kapag nasa legal age na siya at pwede na niyang makuha ang trust fund sa laki ng ipinapasok nilang halaga sa account ng anak ko.

"Eh kasi, 'Nak—" sinulyapan muna ni Nanay Mildred si Wrangler na nasa gilid niya at pinaglalaruan ang dinosaur nitong laruan bago niya sinagot ang tanong ko.

"Gikan daw saiyang amahan," aniya na dahilan ng pagkabog ng dibdib ko. 'Galing daw sa daddy niya' ang sinabi ni nanay. Nagsalita siya ng bisaya para hindi maintindihan ni Wrangler ang sinabi niya tungkol sa ama nito. "Sandali. Babalik ako sa kusina at baka masunog ang cookies ng batang ito." Ginulo niya ang buhok ni Wrangler bago bumalik sa kusina.

Sinabi ni Tito Blaze na galing kay Blare ang card kahit alam niyang sasabihin sa akin iyon ni Nanay Mildred. Ibig sabihin ay alam nilang sinabi na sa akin ni Blare niya ang tungkol sa anak namin.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon