Chapter 31

136K 3.6K 2.9K
                                    

My Baby

One lie is enough to question all the truths, that one lie can ruin thousands of truths.

I gently rub my belly as I watched the busy night outside the wide window of our hotel room. Sa isang hotel ako tumuloy nang ihatid ako ni Evren matapos ang mga narinig ko noong isang araw dahil alam kong pupuntahan ako ni Blare sa bahay kaya minabuti kong magtago na lang muna hanggang hindi pa ako handang makaharap siya muli.

Hindi pa rin kasi mawala sa isipan ko ang lahat ng mga narinig ko mula kay Valerie... bawat salita ay nakatanim  na sa isipan ko at nakaukit sa puso ko.

I want to give him the benefit of the doubt, I want to know his side, I want to listen to his reasons but I can't bring myself to face him.

I've been hurt all my life by the people I called family but this one is different. It was too painful because the person who hurt me this time is also the person who healed me.

I cried so much that day, I cried my heart out not because of Blare, but because of my child. Buong akala ko ay nabuo ang anak ko dahil mahal namin ng ama niya ang isa't isa pero hindi pala, ako lang pala ang nagmamahal habang si Blare ay pinapaasa lang ako... pero huling iyak ko na 'yon sa kanila, pinangako ko sa anak ko na magpapakatatag ako para sa kanya.

Masakit ang ginawa sa akin ni Blare at Valerie lalo na at nalaman ko pang ang sarili kong ama ang may pakana pero hindi ko naman mababago ang mga nangyari kung iiyak lang ako at magpapakain sa lungkot na nararamdaman ko, makakasama sa anak ko kung magmumukmok lang ako sa gilid at dadaanin lahat sa iyak.   I am a mother now and my baby is my priority. I promised to myself that I'll be strong for my child.

I shouldn't waste my tears for unworthy people. I shouldn't be sad because I have lost someone who didn't love me. But they lost someone who loved them, selflessly

"Vanny," mula sa pagtitig sa bintana ay nilingon ko si Margaux na palapit sa akin dala ang isang baso ng gatas at wine glass. Itinaas niya ang mga ito at umupo sa tabi ko.

"Bakit ka bumangon?" tanong niya habang inaabot sa akin ang baso ng gatas. Nginitian ko siya at tinanggap iyon, katulad ko ay tumitig din siya sa labas ng bintana.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko dahil sa hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana. "Bigla kasi akong nagsuka, hindi na ako inantok ulit pagkatapos, ikaw? Bakit ka bumangon?"

Margaux sipped her wine before looking at me using her sympathetic brown eyes. "I dreamed about my daughter again... I miss her so much. I never stopped missing her for the past two years."

Agad kong niyakap ni Margaux nang makita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya nang banggitin ang tungkol sa namatay na anak, her baby died an hour after she gave birth to her. Losing a child must be really painful and that is the feeling that I never wanted to experience.

"I just wished she's happy in heaven," lumayo si Margaux at natatawang pinunasan ang gilid ng nagtutubig na mata. "Bawal umiyak sa harapan ng buntis, baka maging iyakin yang baby mo," biro niya pero halata pa rin ang pangungulila sa mga mata.

"Thank you, Margaux," I told her using my most grateful voice. Siya kasi ang nag-book ng flight ko at nag-ayos ng mga gagamitin ko pabalik sa New York bukas. Sila ni Donna ang nasa tabi ko noong mga nakaraang araw na hindi man lang ako makakilos dahil dinaramdam ko ang mga narinig mula kay Valerie.

She smiled at me and shrugged. "Anything for you! You know how much I love you, Vanny. You're my sister from another mother, kayo ni Donna."

Nginitian ko siya ng matamis. Si Marg at Donna agad ang tinawagan ko nang makarating ako rito sa hotel. Sa kanila ko sinabi at iniyak lahat, silang dalawa ang nanatili sa tabi ko, sila ang nakinig sa akin at sila ang nakaintindi ng lahat ng sakit. They are my 911, my one call away every time I'm losing myself.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon