He's with his wife
"Mama Amanda wants to hold a party for the twins," saad ni Margaux. Nakaupo siya sa sofa habang magka-video call kami. Katabi niya ang anak na si Marleigh na abalang-abala sa paglalaro sa barbie doll nito na halos kasing laki na niya.
No wonder, Lei looks exactly like Margaux, akala ko noon ay kamukhang-kamukha lang niya ang bata dahil kakambal niya ang ama nito pero habang tinititigan ko sila ngayon sa screen ng iPad ko ay mas nakikita ko ang pagkakahawig nilang mag-ina pero may ilang anggulo pa rin na nakikita ang genes ng Reifler sa mukha ng bata.
"I want to invite you guys because you both know that I would love to have you there. Kayo na lang ang pamilya ko, kayo na lang ang mayroon ako ngayon because of all the things that's going on with my family especially with my brother." Bakas ang lungkot sa boses ni Margaux nang mabanggit ang pangalan ng kapatid niya na si Mago.
I can sympathize with Margaux. She was betrayed by the person that she fully trusted with her own life. I can relate with her because I, too, experienced the same betrayal.
"Pupunta ako. Gusto kong maka-bonding ang mga anak ng best friend ko. I want them to know na may Tita Donna sila," Donna said while smiling sweetly. Nasa backstage siya ng studio at inaayusan dahil live ang broadcast ng news mamaya.
She's working but she made time to communicate with us. Nakikinig lang din siya sa usapan namin ni Margaux habang binabasa ang script pero paminsan-minsan ay sumasali siya sa usapan kagaya na lamang ngayon.
"Are you sure? Blade and his fiancé will be there. You don't need to come if you're not comfortable seeing them," saad ni Margaux na ngayon ay niyayakap na ang anak niyang babae dahil nakatulog ito sa tabi niya.
Donna shrugged. "I don't mind. Mga anak mo naman ang pupuntahan ko at hindi sila," walang reaksyong saad ni Donna pero hindi siya sa amin nakaharap kung hindi sa salamin dahil inaayos ng mga stylist ang buhok niya. Hindi ko tuloy mabasa nang mabuti kung ano ang reaksyon niya.
"Ikaw, Van?" Binalingan ako ni Margaux. Hindi kaagad ako nakasagot dahil biglang pumasok sa isipan ko ang imahe ni Vega.
Sasagot pa lang sana ako pero natigil ito nang mahagip ng camera ang biglang pagdaan ni Blake sa likuran ng kinauupuang sofa ni Margaux, buhat niya ang anak nilang lalaki na si Yvo, nakabalot ng tuwalya ang bata at mukhang bagong paligo lang.
Bumaba ang bata mula sa pagkakabuhat ni Blake at tinabihan si Lei para asarin. "Take a bath na, Wei. Baho ka na oh." Pang-aasar ni Yvo na ikinasimangot naman ng kapatid.
"Ang kulit ng anak natin, Lovey. Look, I'm all wet," rinig kong pagsusumbong ni Blake kay Margaux habang itinuturo ang nabasa niyang shirt. Lumapit siya kay Margaux at bigla na lamang hinalikan ang labi nito.
Napangisi kami Donna at sabay na napailing.
"Really? In front of me and my salad?" Donna said humorously, itinaas niya ang tupperware na hawak na naglalaman ng vegetable salad na ikinatawa namin ni Marg.
Nagulat pa si Blake nang marinig na nagsalita si Donna. Hindi siguro siya aware na kausap kami ni Margaux.
"Get him dressed. Kausap ko pa sina Van," sabi ni Marg kay Blake at bahagyang itinuro ang phone niya.
Mukhang doon lang napansin ng lalaki na ka-video call kami ni Margaux. "Oh, I see." Iyon lang ang sinabi ni Blake. Kumaway muna siya sa camera ng phone para batiin kami ni Donna bago niya binuhat muli si Yvo para bihisan.
Margaux giggled. "He's a hands-on dad. Siya nagpapaligo at nagbibihis sa mga bata," masayang kuwento ni Margaux. Bakas na bakas sa mukha niya ang saya kaya napangiti na rin ako.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)