2.0
"Vanessa, where's my report?" nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Rika nang makasalubong ko siya sa gitna ng hallway.
Napakunot ang noo ko at inalala kung ano ba ang sinasabi niya, wala akong matandaan na report at bakit ba sa akin niya 'yon hinahanap?
Rika arched her brows more when she saw my reaction. "Nasaan na? Don't tell me hindi mo ginawa?"
"A...anong report?" nagtataka kong tanong, mas piniling ko ang ulo upang maalala kung ano ba ang sinasabi niya.
"Oh my god, Van! Hindi mo ginawa 'yong report ko?!" sigaw niya sa akin gamit ang naiinis na tono.
I flinched when she screams, ayaw na ayaw ko pa naman ang pinagtataasan ako ng boses dahil naaalala ko kung paano ako sigawan at pagalitan noon ni Tita Cielo.
The trauma will always be there and the memories of it will remain forever.
"Oh, wala pa akong ginagawa sa 'yo pero mukha ka nang takot? Ang galing mo talagang magpaawa, huh?" matapang na saad ni Rika na ikinatawa naman ng dalawa niyang kaibigan na nasa likuran niya.
Nilingon ko ang paligid, nakakakuha na kami ng atensyon at halos lahat ng mga mata ay nakatingin na sa amin dahil sinisigawan at pinapahiya na naman ako ni Rika sa hallway ng Nursing Department.
Kinuyom ko ang kamao at pinilit kong tapatan ang tingin sa akin ni Rika. I want to stand up for myself and I want to show her that I can face her with my head held high.
"T.. that's your report, bakit sa akin mo hinahanap?" kalmado kong saad, sapat na ito para marinig niya.
Halata ang gulat sa mukha ni Rika at ng mga kaibigan niya dahil sa ginawa kong pagsagot sa kanya. Ito kasi ang unang beses na sinagot ko siya sa personal, noong nakaraan kasi ay binara ko siya sa tawag lang.
"Riks, lumalaban na pala 'yang pet mo," tudyo ng kaibigan niyang si Angel.
"Sinasagot-sagot ka na lang ng alalay mo, wala ka pala e," dagdag pa ng isa niyang kaibigan na si Cristal.
Ang kaninang gulat na mukha ni Rika ay napalitan ng galit. Mas lalo siyang nainis sa akin dahil sa gatong ng mga kaibigan niya. Hinigpitan ko ang hawak sa mga textbooks ko at tumalikod na, ayaw ko ng gulo at ayaw kong magpakababa para lamang may mapatunayan sa kanila.
"Where do you think you're going, little rat?" nakangising tanong ni Angel.
Hindi pa naman ako nakakahakbang palayo ay agad na nila akong hinarangan. Hinawakan nila ang magkabila kong braso kaya pumiglas ako.
"Scaredy cat?" Nang-uuyam na saad ni Cristal bago nila ako hinila ng marahas palapit sa galit na si Rika.
"Matapang ka na ngayon? Porque nakakasama mo sila Donna at Margaux lumalaki na ang ulo mo?" nanunuya ang tono ni Rika nang isigaw 'yon.
Pinilit kong bumitaw sa hawak ni Angel at Cristal dahil nararamdaman ko na ang pagdiin ng mahahaba nilang kuko sa braso ko.
"L..let me go," mahina kong reklamo, mas ibinaon nila ang kuko sa akin dahil pumiglas ako.
"Van, you must be fooling yourself if you're thinking that you're really a part of their group, bored lang sila kaya gusto nila ng laruan. Believe me, they will drop you like a hot potato once their boredom is gone."
Lahat yata ng lakas ng loob ko ay nawala dahil sa sinabi niya. I started to overthink things again, paano nga kung hindi naman talaga tunay na kaibigan ang turing nila sa akin? Paano nga kung gusto lang nila akong kasama kasi kakaiba ako sa kanila?
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)