Belong to me.
I was still in shock after hearing the name of Blare's wife.
My mind couldn't let it sink in. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman, hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o sadyang niloloko lang ako ng sariling pandinig. Ayaw kong tanggapin, ayaw kong paniwalaan.
How the hell did that happen? How come that they got married? Why and when? Ang daming tanong sa isipan ko na gusto ko ng kasagutan pero hindi ko naman alam kung saan magsisimula. That is the most devastating and disappointing news that I've heard so far...
Wala ako sa sarili nang bumalik sa kuwarto namin, gusto ko sanang tawagan ang anak ko pero alam ko namang hindi ko siya makakausap ng maayos dahil gulat pa rin ako sa nalaman.
Humiga ako sa kama at pinilit ang sarili na tanggapin ang narinig. Sa dami ng babae, sa dami ng pwede niyang pakasalan ay bakit siya pa? I feel so betrayed, kahit na sabihing wala kaming relasyon ni Blare ay masakit pa rin para sa akin dahil alam ng asawa niya ang tungkol kay Wrangler... sa anak namin.
She knows that Blare is the father of my son. She knows my sufferings, sacrifices, and how shattered I am because of the man that she married.
Hindi ko na nabilang kung ilang oras ba akong nakahiga at tulala sa kama. Kung ano-ano ang pumasok at naglalaro sa isipan ko. Kung hindi pa pumasok si Margaux sa kuwarto ay hindi pa ako matatauhan.
Pinilit kong umakto na parang wala akong narinig, na parang hindi masakit. Ayaw kong sabihin kay Margaux, kay Donna o kahit kanino pa ang narinig ko dahil hindi ako handang pag-usapan iyon.
Nag-swimming kaming tatlo sa dagat, pinipilit ko ang sarili na huwag maapektuhan sa nalaman pero may pagkakataon namang natutulala na lang ako bigla dahil hindi pa rin ako makapaniwala.
Nang umahon kami ay natanaw ko na agad si Blake at Blare na nakatayo sa likuran namin. Dumaan ang sakit sa puso ko nang makita ko ang mukha ni Blare na naakatitig sa akin, bakit ganoon siyang tumingin kung may asawa na pala siya? Pinaglalaruan niya ba ang nararamdaman ko? Kung ganoon ang gusto niya, edi maglaro kaming dalawa!
Tumikhim ako at binalingan ng tingin si Margaux. "LP sa'yo si Blake, o!" Kinalabit ko siya at pasimpleng tinuro ang likuran niya.
Margaux's forehead creased. "Anong LP?"
"Laglag ang panga." I chuckled.
Napangisi si Margaux at sinundan ang tinuturo ko. Ang kambal na si Blake at Blare ay parehong nakatayo malapit sa amin, si Blake ay nakatitig kay Margaux at si Blare naman ay nkapako ang mga mata sa akin. Umingos ako at hindi siya pinagtuunan ng pansin, ang sama pa rin ng loob ko sa kanya.
Margaux pouted and faced me. "TL din sa'yo si Blare."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong TL?"
Tumawa siya ng mahina at nilapit ang bibig sa tainga ko para bumulong. "Tumutulo ang laway."
Pabiro ko siyang inirapan. "Asawa pa more."
Nagtawanan kami ni Margaux, kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko mula sa labis na pag-iisip kanina pa. Gusto ko man tanggalin sa isipan ko si Blare at ang asawa niya ngunit hindi ganoon kadali iyon.
"Si Dons?" Biglaang tanong ni Margaux.
Hinanap ng mga mata ko si Donna ngunit wala siya sa paligid kaya naman nagkibit ako ng mga balikat bago humarap muli kay Margaux.
"Nandito lang siya kanina," sagot ko, ang huling kita ko kay Donna ay noong kinukuhanan niya ng picture si Kylie at Mago.
Hahanapin na sana namin ni Margaux si Donna ngunit natanaw namin siyang naglalakad papunta sa amin, kinakawayan niya kami gamit ang kamay na may hawak na phone.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)