Make him fall.
Pinanood ko ang pagtalikod ni Valerie kay Blare. She turned her back to him and walked away.
Sinundan ko ng tingin ang mabibigat na hakbang na ginagawa ng kapatid ko palayo sa lalaking matagal na niyang hinahanap.
Pasimple ang ginawang pagpunas ni Valerie sa mga luha na naglalandas sa pisngi niya. Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan siya.
Kung tutuusin ay pwedeng sabihin ni Valerie ang totoo kay Blare, sa isang salita lamang niya ay kaya na niyang maagaw sa akin ang lalaking mahal ko pero... hindi niya ginawa.
Instead of telling the truth.. Valerie chose to lie.. for me.
Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya hanggang sa hindi ko na siya matanaw pa. Kinagat ko ang sariling labi at ibinaling ang tingin sa kinaroroonan ni Blare.
Nananatili lamang siyang nakamasid sa nilakaran ni Vam kahit hindi na 'to abot pa ng kanyang tingin. Through the help of the dim lights coming from the post, I can clearly see the coldness and disappointment in his green eyes.
Gusto ko siyang lapitan, gusto kong tumakbo papunta sa kanya at yakapin siya ng mahigpit... Gusto kong magmakaawa at ipamukha sa kanya na ako ang batang babaeng hinahanap niya... ngunit mas nangibabaw sa akin ang respeto para sa sarili ko.
Gamit ang nanghihinang mga tuhod ay unti-unti akong lumakad palayo sa kinaroroonan ni Blare. Ilang beses ang ginawa kong pagsulyap sa kanya bago ako tuluyang nakapasok pabalik sa loob ng bar.
"Vanessa," napasinghap ako dahil sa gulat nang biglang nagsalita si Donna sa gilid ng entrance.
Para bang kanina pa niya ako hinihintay mula roon, tahimik lamang siya at mag-isang naka-upo sa couch malapit sa pintuan.
Nag-iwas ako ng tingin at yumuko. "D..donna?"
Pinaglaruan ko ang mga daliri, hinanda ko na ang sarili dahil sigurado ako na may maririnig akong mga tanong mula sa kanya.. hindi na rin ako magtataka kung pagtatawanan niya ako dahil nagmukha akong kawawa.
Pero sa halip na tawanan ako o batuhin ako ng masuring mga tanong ay hinakawan lang ni Donna ang braso ko. Itinaas ko ang tingin sa kanya at lumalam ang mga mata ko nang sumalubong sa akin ang nag-aalala niyang mukha.
"Are you okay? Do you want to go home?" she consoled me using her sweet voice.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko sa harapan ni Donna. This is the first time in a long time that someone asked me if I'm okay and actually mean it. She's really worried about me.
"Donna," mahina kong sambit. Wala nang ibang lumabas sa bibig ko pagkatapos ko siyang tawagin.
Ang simpleng tanong katulad ng ginawa ni Donna ay sapat na para sumaya agad ang puso ko. Maliit na bagay lang naman katulad ng tanong niya ang nagpapasaya sa akin kaya hindi ko alam kung bakit hindi iyon magawa ng mga tao sa paligid ko.
"You can sit here," iginiya ako ni Donna sa malapit na couch. "Ako na ang bahala na magpaalam sa iba, I'll just call Blade then we will go home."
Aalis na sana si Donna ngunit hinawakan ko ang braso niya. "A..ako na lang ang magpapaalam sa kanila," mahina kong saad.
Tumango naman siya at sinabayan ako sa paglalakad patungo sa iba pa naming kasama. Ayaw ko na sanang humarap pa sa kanila ngunit ayaw ko rin namang umalis nang hindi nagpapaalam, nahihiya ako at ayaw kong magmukhang bastos sa harapan nila.
Kumakanta sa harapan ng stage ang mukhang lasing na si Joji, Russ at Bricks. Sila ang teammates ni Blake sa basketball.
Maingay ang table dahil sa tawanan ng mga kalalakihan, nakaupo sa gitna ng lamesa si France at siya ang ngungunang mag-ingay.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)