Chapter 12

92.9K 3.1K 3.3K
                                    

Ikaw lang

"We're going, Van, I'm sorry-- I can't bring you with us," halata ang lungkot sa boses ni Papa nang sabihin sa 'kin 'yon.

Pinilit kong ngumiti ng matamis sa harapan niya kahit na ang totoo ay naiiyak ako dahil pinaparamdam na naman nila sa akin na hindi ako kabilang sa pamilya nila.

"Okay lang po, Papa. Makakasama naman kita bukas sa birthday mo," pinilit kong pasiglahin ang boses.

"Vicencio! We're going to be late!" sigaw ni Tita Cielo mula sa labas ng bahay.

Walang nagawa si Papa kung hindi lapitan ang asawa na ngayon ay madilim na naman ang tingin sa akin. Nag-iwas na lang ako ng tingin at pinagmasdan ang sasakyan nila na papalayo sa harapan ko.

Sumilip pa si Valerie mula sa bintana sa backseat ng sasakyan at kumaway sa akin. Kinawayan ko na lamang siya pabalik bago ako tumalikod at pumasok sa loob ng bahay.

They are going to have a family bonding and as usual, they left me behind. Ano pa ba ang bago? Lagi naman akong hindi kabilang sa pamilya nila.

Imbes na magalit at magmukmok ay mas minabuti ko na lang na mag-bake ng cake para sa birthday ni Papa bukas.

Dala ko ang isang malaking box palabas ng bahay. May kabigatan ang kahon dahil marami 'yong laman na ingredients para sa cake at cupcakes na balak kong iregalo kay Papa.

"Let me help you, Vanny!" Napalingon ako kay Margaux na ngayon ay papalapit na sa akin galing sa bahay nila na katapat lang namin.

Inagaw niya sa akin ang ilan sa mga dala ko, napangiwi pa siya nang maramdaman ang bigat.

Nahihiya ko siyang nilingon."Thanks, Marg. Sorry for bothering you."

Lumabi si Margaux at pabiro akong inirapan. "What are friends for?"

I'm not gonna lie, I tear up a little when people called me their friend. Hindi kasi ako sanay na magkaroon ng totoong kaibigan kaya naninibago ako na may tumutulong sa akin.

Tulad na lang ngayon, I am not even asking for help but Margaux and Donna volunteered to help me surprise my Papa.

"Tara na, hinihintay na tayo ni Dons," saad ni Margaux at sinabayan akong maglakad papunta sa bahay nila Donna.

We will bake at Donna's house, she offered her place because they have complete baking tools.

"Mabigat ba?" Nag-aalala kong tanong kay Margaux nang mapansin ko na nahihirapan siyang humakbang.

"Hindi naman, bakit?" She confusingly asked.

Pumaling ang ulo ko at pinagmasdan siyang maglakad. "Medyo umiika ka kasi, ayos ka lang?"

Natigilan si Margaux at nag-iwas ng tingin bago sumagot. "Ah, na-sprain kasi ako sa practice namin sa cheerleading kahapon."

Kaya naman pala, ngumuso ako at tinitigan lang siya. Simpleng v-neck red shirt at denim shorts lang ang suot niya pero halos lahat ng madaanan namin ay napapatingin sa kanya.

Maganda kasi talaga si Margaux, pati katawan niya ay walang pintas, idagdag pa na matangkad at makinis siya. Malakas din ang dating, sinalo na yata niya lahat.

"Huy, Vanny!" she playfully called my name when she noticed that I'm staring at her for too long.

"Sorry," lumabi ako. "You're glowing more everytime I see you."

"Ikaw din naman, you're fresher than I am, Vanny," aniya.

I shrugged my shoulder. "You should see my sister, hamak ang lamang ng ganda no'n sa 'kin."

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon