Necklace
"I can't accept his gift, ang mahal pala," nakanguso kong saad kay Donna. Tinutukoy ko ang kwintas na binigay sa akin ni Blare noong isang araw.
Pinaglaruan ko ang butterfly shaped pendant na nakasabit sa leeg ko, napapaligiran ito ng emerald diamonds na kakulay ng mga mata ng mga Reiflers.
I searched the price of the necklace and it's really expensive, gusto ko na lang tuloy ibalik 'to sa kanya.
Donna chuckled. "Don't worry, hindi naman sila maghihirap dahil diyan. Barya lang 'yan kay Blare."
Lumabi ako at sumandal sa headboard ng kama niya. "They're that rich?" tanong ko.
Humiga si Donna sa hita ko at niyakap ang beywang ko bago sagutin ang tanong ko, ang sweet talaga ng isang 'to.
"Sa sobrang yaman ng pamilya nila, kayang mabuhay ng mga apo ng apo ng triplets kahit hindi magtrabaho," aniya bago bumangon.
Napatango na lang ako, sa klase pa lang ng pananamit at sa gara ng mga kotseng ginagamit nila ay halata nga na hindi basta-basta ang yaman nila.
"Donna, uuwi na nga pala ako. Thank you for letting me stay here," saad ko. I'm really thankful that she's able to be here with me when I needed someone.
"Are you sure?" Donna pouted. "Pwede naman na dito ka na lang tumira, kami lang naman ni Kuya Kirby dito."
Nginitian ko siya bago ako tumayo, kinuha ko ang maliit na bag na dala ko.
"I really want to stay longer but I need to check my sister, isa pa aayusin ko na rin ang gamit ko papunta sa Batangas," I murmured.
Nanlaki bigla ang mga mata ni Donna. "Oh my! Sasama ka na?" she excitedly jump off the bed and hugged me.
Natatawa ko siyang niyakap pabalik. Matagal na kasi nila akong pinipilit ni Margaux na sumamang magbakasyon sa Batangas ngunit tumatanggi ako pero ngayon ay gusto ko silang pagbigyan.
Hinatid ako ni Donna papunta sa bahay namin dahil dadaan din daw siya kay Margaux.
"Bukas ah? agahan natin yung alis papunta sa Batangas, don't forget to bring bikinis!" paalala sa akin ni Donna bago siya nagtatakbo papunta sa bahay nila Margaux na nasa tapat lang namin.
Tumango lang ako at kumaway sa kanya. Pagpasok ko sa loob ay si Valerie agad ang sumalubong sa akin, nakatayo siya sa hamba ng pintuan at nakamasid sa akin.
"Val, kanina ka pa d'yan?" I asked her, imbes na sagutin ay tinalon niya ako ng yakap.
Napangiti ako dahil mukhang bumalik na sa dati si Valerie, noong isang araw kasi ay kinikilabutan ako sa tingin niya sa akin dahil para siyang galit pero siguro ay dahil lang may sakit siya noon.
"Ayos ka na?"tanong ko pagkatapos naming maghiwalay ng yakap. "I'm sorry kung ngayon na lang ulit ako bumalik, you know that I can't stand being with your mom."
Imbes na sagutin ako pumulupot na lang niya sa braso ko. "Aalis kayo nila Donna?" she asked.
Nagsalubong ang kilay ko at nilingon siya. "How did you know?"
Ngumuso si Val. "Narinig ko lang."
Tumango naman ako at dumiretso na sa kuwarto, siya naman ay humiwalay na rin sa akin at nagtatakbo sa sarili niyang kuwarto.
Naglabas ako ng bag at ilang mga damit, beach ang pupuntahan kaya nagbaon din ako ng dalawang one piece bikini tulad ng bilin ni Donna.
"Aalis ka?" napahinto ako sa pag-empake ng mga gamit ko nang biglang nagsalita si Papa mula sa likuran.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)