The truth
My world suddenly stopped.
Hindi ako agad nakagalaw pagkarinig sa mga sinabi ni Blare. Nakatitig lang ako sa kanya kahit nagkakagulo na ang mga press sa harapan ko. Blare is standing in front of everyone with his blank expression, tila ba ay hindi alintana ang mga flash ng camera na paulit-ulit nakatutok sa mukha niya.
"Look around! Blare's wife is here!"
Nagsimulang maglingunan ang mga press at ang ilang mga journalist pagkarinig sa sigaw ng isang babae na nakatayo malapit sa direksyon ko. Hindi kaagad ako nakagalaw. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang dinudumog nila ako. Natulala na lamang ako kahit na sumasakit ang mata ko sa sunod-sunod at paulit-ulit na flash ng camera na tumatama sa mukha ko.
Para akong nabingi dahil sa dami ng boses na nakapaligid sa akin mula sa mga taong nagtatanong tungkol sa relasyon ko kay Blare. Hindi ko sila maintindihan dahil sabay-sabay silang nagsasalita at nawawala ako sa sarili pero isang tanong lang ang naging malinaw sa akin at iyon ang pinakatumatak sa isipan ko.
"We heard that you have a kid. He's Blare's son, isn't he?"
Parang nanlamig ang buong katawan ko dahil sa narinig. Ito na nga ba ang ikinakatakot ko, ang malaman ng mga tao ang tungkol sa anak ko.
"Vanessa," a hoarse voice came from distance. Hinila ako ng malaking kamay ni Blare at ikinulong sa braso niya para itago ako sa mga tao na ngayon ay wala pa ring tigil sa pagkuha ng litrato at pagtatanong sa akin ng mga bagay na hindi ko na maintindihan.
Pinalibutan kami ng maraming security at pinigilan nila ang mga press na makalapit sa amin, inalalayan ako ni Blare at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko hanggang sa makaalis kami mula sa mga maiinit na mata ng mga tao.
Wala pa rin akong imik hanggang sa nakabalik kami sa kuwarto kung saan ako dinala ng mga staff na sumalubong sa akin kanina. Hindi ko mapigilan ang maiyak dahil sa halo-halong nararamdaman.
Masaya ba ako? Hindi. Bakit? Dahil napangunahan ako ng takot. Natakot ako na baka kung ano ang sabihin ng mga tao sa akin at kay Wrangler. Pinilit kong kumalma pero mas nanaig pa rin ang takot ko. Naupo ako sa mahabang sofa at napatakip sa sariling mukha. I was anxious and scared of the criticisms that my son is going to receive.
Napataas ang tingin ko sa pintuan nang marinig ko ang pag-lock nito. Doon ko natagpuan si Blare. Nakatayo siya sa gilid ng pintuan habang seryosong nakamasid sa akin. Sinalubong ako ng berde niyang mga mata na binabantayan ang bawat kilos ko at pinag-aaralan ang ekspresyon ng mukha ko.
"Are you insane?" Mahina ngunit bakas ang disgusto sa boses ko. Tumayo ako nilapitan si Blare na walang reaksyon.
Nakatingin lang siya sa akin at pinapanood ang lahat ng ginagawa ko.
"Do you know what will be the consequences of your reckless action? Bakit naman bigla mong sinabi na asawa mo ako? It wasn't my choice to marry you in the first place. Nababaliw ka na, Blare!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.
Ang kaninang walang reaksyong mukha ni Blare ay napalitan ng pagkunot ng noo. Halatang hindi niya nagsutuhan ang mga narinig mula sa akin. "Yes, I'm crazy, fucking crazy . . . you drive me crazy, Vanessa. I just want them to know how much you mean to me, I want to tell the world that I will protect you whatever happens."
I laughed sarcastically. "That's what I don't like about you, you're reckless! Hindi mo ba naisip ang mararamdaman ko? I am lost, Blare! Hindi mo nga sa akin maipaliwanag kung bakit at paano mo ako naging asawa pero ang lakas ng loob mong ipagsigawan iyon sa harapan ng maraming tao. You should explain it to me first and think about my son! Isipin mo kung paano siyang maguguluhan kapag nalaman niya lahat ng ito. I hate you for doing this . . ." Hindi ko na napigilan ang batuhin siya ng mga masasakit na salita dahil sobra na akong naguguluhan sa nararamdaman ko.

BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)