Confusing
Vanilla cake ang balak kong i-bake para sa birthday ni Papa, hindi ko lang alam kung magugustuhan niya pero gusto ko pa rin siyang bigyan ng regalo na ako mismo ang gumawa.
This is actually the first time in a long time that he's going to celebrate his birthday with me. I want him to remember my gift.
Kasalukuyan akong namimili ng ingredients para sa cake na gusto kong i-bake, sa isang araw pa naman ang birthday ni Papa pero gusto kong paghandaan ng mabuti para hindi siya ma-disappoint sa 'kin.
"Hija?" muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang may kumalabit mula sa likuran ko.
Mabilis ang ginawa kong pagharap at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang tumambad sa akin si Amanda Reifler, Three King's mother.
"Hello po, nice to see you again," nahihiya kong kinuha ang kamay niya upang sana ay magmano pero agad niyang binawi 'yon mula sa hawak ko.
Natigilan ako, akala ko ay magagalit siya pero bigla niya na lang akong bineso.
"No wonder, you look so familiar. Kanina pa kita tinitingnan then I remembered that you're the one who helped me when I got lost," malawak ang ngiti niya nang sabihin 'yon.
Natuwa ako bigla sa kaalaman na naalala pa pala niya ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin kaya tumango na lamang ako.
"Are you alone?" she asked.
"Yes po," I answered.
Mas lumawak ang ngiti niya. "You're getting groceries too? Do you want to join us?" she offered.
Sinilip ko ang likuran ni Mrs. Reifler pero wala naman akong nakitang kasama niya kaya nagtataka ako sa sinabi niyang 'us', bago pa man ako makasagot ay bigla na lamang niya akong hinila kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod na lang sa kanya.
"Mom!" Sinalubong kami ng magandang babae, I think she's around 14-15 years old.
Siya marahil si Blazerine, ang bunso at nagiisang babaeng kapatid ng triplets. Sa unang tingin ay alam ko na agad na Reifler siya dahil sa berde niyang mga mata na ngayon ay nakamasid sa akin.
"Zerine, I'm here with--" natigilan si Mrs. Reifler at lumingon sa akin. Doon ko lang naalala na hindi ko pa pala nasasabi ang pangalan ko sa kanya.
"Vanessa po, Vanessa Athena Martin," pakilala ko.
"I'm here with Vanny, she'll join us," malambing na saad ng ginang. "Vanny, this is my bunso, Blazerine but you can call her Zerine or Z."
I smiled genuinely at them, she's calling me by my nickname and it's making my heart throbs. Pangalawang kita pa lang namin pero magaan na agad ang loob ko sa kanya at kung itrato niya ako ay parang matagal na kaming magkakilala.
"Hello, Zerine," Inabot ko ang kamay sa kanya pero imbes na tanggapin 'yon ay bigla na lang niya akong hinalikan sa pisngi.
"Hi, Ate Vanny," nakalabi niyang saad. "I know you!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, paano niya akong nakilala kung ito ang unang beses naming nagkita?
I looked at her confusingly. Hindi ko na napigilan ang magtanong, "How did you know me?"
Lumabi si Zerine. "I saw your picture in--"
"Mom," napalingon kaming tatlo sa baritonong boses na nagmula sa likuran namin.
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin nang magtagpo ang mga mata namin ni Blare. Nakatayo siya ngayon sa harapan namin habang pinagmamasdan ako, marahil ay nagtataka kung bakit kasama ko ang ina at kapatid niya.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)