Chapter 42

252K 5.9K 5.6K
                                    

Mrs. Reifler

Hindi ko alam kung paano ko ba pakikitunguhan si Vega, itatrato ko ba siya bilang pinsan o bilang asawa ng tatay ng anak ko? I was thorn between treating her as my cousin or as the new wife of my son's father. 

Hindi ko mapigilan ang tumingin sa malaki niyang tiyan, mukhang anytime soon ay manganganak na siya. Ibig sabihin ay buntis na siya noong mga panahong hinalikan ako ni Blare, bigla akong nakaramdam ng galit, he has a pregnant wife yet he still kissed me.

I composed myself. "Kailan ka pa umuwi?" I casually ask noong kaming dalawa na lang sa sala.

Magkatapat kami at parehong nakaupo sa single sofa. Mula sa pwesto ko ay tanaw na tanaw ko ang tiyan niya. Hindi ko maalis sa sarili ko ang magalit.

"Kahapon." Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Naging balisa rin ang mga mata niya nang mapansin na nakatitig ako sa malaki niyang tiyan.

Pasimpleng hinawakan ni Vega ang tiyan niya. "Van, buntis ako."

Mula sa pagkakatingin sa tiyan ay itinaas ko ang mata sa mukha ni Vega. She looks happy and hesitant at the same time. I want to ask her about her baby's father but I was afraid of the answer.

"I can see that, Vega." Tinitigan ko siya at pinagmasdang mabuti ang mukha niya. Wala man lang akong makitang konsensya mula roon, hindi man lang ba siya na-guilty sa ginawa niya sa akin?

"I'm here not just to inform you about my pregnancy..." Matagal siyang natigilan, alangan niya akong tinitigan bago siya huminga nang malalim.

"Ano 'yon? Spill it." Kalmado ang tono ng boses ko pero sa totoo lang ay malakas ang tibok ng puso ko dahil kinakabahan na ako sa mga susunod niyang sasabihin.

Vega sighed deeply. "Your papa is dying, Van."

Sandaling huminto ang mundo ko dahil sa sinabi ni Vega. Nakaramdam ako ng matinding sakit pagkarinig sa sinabi niya. Aaminin ko na kahit hindi siya nagpaka-ama sa akin at kahit na tinaggi niya ako ay nasaktan pa rin ako nang malaman ang kalagayan niya.

"Ano'ng gusto mong gawin ko?" Pinatigas ko ang boses ko kahit na nanginginig ito. I cannot control my shaky voice anymore.

Nilapitan ako ni Vega, hinawakan niya ang kamay ko at hinimas ito. "Sumama ka sa akin sa New York, just go and visit him before it's too late."

Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Vega at pasimple kong pinunasan ang luha na pumatak sa pisngi ko. "They don't want me there, and he claimed that I am not his daughter kaya bakit pa ako mag-aaksaya ng panahon na puntahan siya?"

Hindi maitatago ng pag-iiwas ng tingin ko ang sama ng loob na nararamdaman ko ngayon.

"He's asking for you. Hinahanap ka ng papa mo, Van." Muling sinubukan ni Vega na hawakan ang kamay ko pero kaagad akong tumayo at umiling.

"Bakit ngayon lang ako hinanap? I was here the whole time! Bakit ngayon pa na malapit na siyang mamatay? Nagsisisi na ba siya kung paano niya ako itrato noon?" Hindi ko na napigilan ang paglandas ng mga luha sa pisngi ko.

"Van..." Pati si Vega ay tumulo na rin nag luha. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil baka marinig kami ni Wrangler na nasa loob lang ng kuwarto kasama si Nanay Mildred.

"Pakisabi sa kanya na wala akong ama. Kung 'yun lang ang ipinunta mo rito, makakaalis ka na, Vega." Tinalikuran ko siya at mabilis akong pumasok sa banyo.

Doon ako umiyak nang umiyak hanggang sa narinig ko na lamang ang pagsarado ng pintuan ng apartment namin. Naghilamos ako ng mukha at pinalipas ang pamumula ng mga mata ko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagkulong sa loob ng banyo, naisipan ko lamang lumabas nang katukin ni Wrangler ang pintuan.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon