Baby
"You should end the call, Blare. Matulog ka na," sinilip ko ang wall clock sa itaas ng TV bago ko binalik ang tingin sa Ipad kung saan ka-video call ko siya. "2 am na diyan, akala ko may gig kayo bukas?"
"Gusto pa kitang kausap," saad niya gamit ang paos na boses, malamlam na rin ang bagsak ng berde niyang mga mata dahil siguro sa puyat pero heto at nakatitig pa rin siya sa 'kin.
Sa tatlong araw na nasa New York ako ay lagi kaming magkausap at sinisigurado niya na hindi ako ang magpupuyat magkausap lang kami, siya ang gumigising ng madaling araw para tumawag katulad na lang ngayon na 2 am sa Pinas at 2 pm naman dito sa New York.
"Later na lang," I told him but he just answered me with a groan. Lumayo siya sa computer niya kaya kitang-kita ko na ngayon ang kabuuan niyang ayos.
Hindi ko mapigilan ang mamula nang masilayan ng buo ang hubad niyang katawan, napansin ko rin na tanging itim na boxer lang ang suot niya. Umupo si Blare sa dulo ng kama niya at kinuha ang gitara na nasa ibabaw ng kama.
"Ano'ng ginagawa mo?" I asked while watching him tuning his guitar. May kinuha rin siyang maliit na notebook sa bedside table.
"I'm composing a song" muli siyang tumingin sa akin at ngumisi. "Alam mo kung ano'ng pangarap ko?" he asked while strumming his guitar.
"Ano?" Nag-iwas ako ng tingin nang mapansin kong nakatitig na pala ako sa muscles niyang gumagalaw habang kinakalabit niya ang string ng gitara.
"I wanted to release an album dedicated only for you... gusto kong tungkol sa 'yo at para sa 'yo lang ang bawat kanta na laman ng album--- my own kind of playlist," he chuckled.
Lumabi ako para pigilan ang kilig pero mas kinilig ako nang lumapit muli siya sa computer niya kaya mas malaya kong natititigan ang abs niya.
Agad namang napako ang tingin ko sa silver na kwintas na nakasabit sa leeg ni Blare, ngayon ko lang 'yon nakita kaya inilapit ko ang mukha sa screen ng Ipad para mas makita ng mabuti ang kwintas. It's a silver necklace with letter 'V' pendant on it.
"Buntis!" Nanlaki ang mga mata ko nang biglang pumasok sa loob ng kuwarto si Vega. Malaki pa ang ngiti niya ngunit unti-unti 'yong nawala nang mapansin niya ang mukha ni Blare sa screen ng Ipad na hawak ko.
"--- ang aso ko! Buntis ang aso ko! Yay!" Vega awkwardly shouted. Nilingon ko si Blare ngunit mukhang hindi naman niya narinig nang maayos si Vega dahil busy siya sa pagtitipa sa phone niya.
Umalis ako sa harapan ng Ipad para puntahan si Vega at paluin sa braso kaya impit siyang dumaing. "Sorry na! Hindi ko alam na kausap mo si baby daddy--- aww! ang sakit nun ah! Ang hilig mong manakit, Van!"
Inirapan ko siya at bumalik na sa pagkakaupo sa kama. Sakto naman ay ibinaba na rin ni Blare ang phone niya. "San ka galing?" he immediately asks.
Nginuso ko si Vega kahit na hindi naman niya ito makikita. "Pumasok si Vega sa kuwarto, my cousin... remember?" I told him, bigla namang umupo si Vega sa tabi ko at nakisilip sa Ipad upang magpakita kay Blare.
"Hello! Vega dela Vega here!" Halos patili niyang bati kaya napatakip ako ng tainga.
Tinanguan lamang siya ni Blare. "Hi," he greeted back. Napanguso si Vega at inilapit ang bibig sa tainga ko.
"Ang suplado! Pero girl, hindi na ako magtataka kung bakit ka buntis ngayon, worth it luhuran!" impit ang tili niya habang bumubulong ng mahina.
Napailing na lang ako at natawa ng mahina. Kung alam mo lang Vega, ako ang niluluhuran niyan.
Pabiro kong inirapan si Vega pero tinawanan lang niya ako bago siya umupo sa carpeted floor ng kuwarto ko at kumuha ng magazine sa ilalim ng coffee table.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)