Embracing His Lies
"Vanessa..." Mula sa pagkakahiga sa kama ay nilingon ko si Tita Cielo na kasalukuyang pumapasok sa loob ng kuwarto ko dala ang umuusok na tasa.
Bumangon ako at sumandal sa headboard nang makita siya, pasimple ko pang hinawakan ang puson ko nang lumapit siya sa akin at umupo sa paanan ng kama ko.
"How are you?" Mahinahon niyang tanong habang inaabot sa akin ang kopitang hawak, ayaw ko sanang tanggapin iyon pero kusa niya itong inilapit sa bibig ko.
"You should drink more of this herbal tea, dear... It's good for your little one." Napapiksi ako nang bigla niyang hinawakan ang tiyan ko dahilan ng pagtapon ng tsaa sa kanya.
"Goodness! Vanessa!" Napasinghap si Tita Cielo at nagmamadaling tumayo dahil sa pagkapaso.
Napalunok ako at agad na umatras sa sulok dahil sa ginawa niyang pagsigaw, hindi naman na ako natatakot sa kanya pero parang naging normal na reaksyon na lang ng katawan ko ang magkaganito sa tuwing naririnig ko ang sigaw niya.
Natigilan si Tita Cielo nang mapansin ang naging reaksyon ko, tinitigan niya muna ako ng mabuti bago lumambot ang ekspresyon niya. "I'm sorry... I'll just get you a new one," paalam niya bago tumalikod at lumabas ng kuwarto.
I sighed deeply and rested my eyes while rubbing my tummy gently. Galing ako sa hospital kanina dahil dinugo ako, labis na takot ang naramdaman ko kaya agad akong bumalik kay Dr. Lewis.
Mahina lang naman ang pagdugo na naranasan ko pero naalarma agad ako kaya kinalma ko ang sarili at minabuting magpatingin agad sa Doktor. Ang sabi naman ni Dr. Lewis ay normal ang magkaroon ng 'spotting' o 'implantation bleeding' sa first trimester kaya kahit paano ay nawala ang kaba ko.
Habang nakasakay ako sa taxi kanina papuntang hospital ay kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko tulad na lang ng, 'paano kung mawala sa akin ang anak ko?' I know for sure that I would live a life full of regret if something happens to my child, and worst... my baby's father isn't even aware that he has a child!
Ayaw ko namang dumating sa punto ng buhay ko na pagsisisihan kong hindi sinabi kay Blare ang tungkol sa anak niya. Mahal ko ang baby ko at gusto kong ibigay sa kanya ang karapatan na kilalanin ng ama niya kaya nagdesisyon na akong umuwi sa Pilipinas para ipaalam kay Blare na mayroon na siyang anak— na daddy na siya.
Isang linggo bago operahan si Papa ay nagpasya akong umuwi sa Pilipinas at sabihin kay Blare ang tungkol sa anak namin. I'm nervous yet excited when I finally stepped my feet on the airport ground.
"Van!" Malakas na sigaw ni Bricks ang nagpalingon sa 'kin. Nakasilip siya mula sa likod ng pulang Mustang convertible at kumakaway sa akin.
Ang three idiots ang tinawagan ko para sumundo sa akin sa airport dahil gusto kong i-surprise si Blare kaya hindi ko sinabi sa kanya na uuwi ako.
"Ang aga mo yatang umuwi, Doc?" tumalon si Bricks palabas sa convertible nang huminto ang sasakyan sa harapan ko.
"Tangina, Bricks! May pintuan naman pero talon ka nang talon!" Naiinis na reklamo ni Russ kay Bricks pero umamo rin agad ang mukha niya nang mapansing pinapanood ko siya.
"Saan mga gamit mo, Doc Vanilla?" tanong ni Joji pagkababa pa lang sa driver's seat, sinilip pa niya ang likuran ko nang makitang wala akong dalang maleta.
"Eto lang ang gamit ko," itinaas ko ang dalang YSL na duffle bag at Hermes na hand bag. "Babalik din kasi ako agad sa New York, may surprise lang ako kay Blare."
"Naks, ginawa mo namang kabilang baranggay lang ang New York," biro ni Joji at inagaw na sa akin ang lahat ng dala kong gamit para ilagay sa compartment.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)